📗 Chapter 7

1926 Words
THERESA Matapos ang tanghalian, muling umalis si Blake para bumalik sa kaniyang trabaho, kaya naiwan akong mag-isa dito sa bahay niya. Hindi na ako nagtanong kung saan siya pupunta dahil pabor sa akin na wala siya dito sa bahay, kasi alam kong walang mga mata ang nakatingin sa akin at nagbabantay sa bawat kilos ko. Hanggang ngayon, hindi pa bumabalik ang kuryente, kaya nakababagot talaga. Ang hirap pala ng buhay dito sa probinsya na walang ilaw, pero sa tingin ko, nakasanayan na ito ng lahat dahil ganito ang kinalakihan nila. Nababagot ako ng walang ginawa, kaya nag-ehersisyo na lang ako. Nakatulong naman ito para mawala ang pananakit ng katawan ko. Isang oras rin akong nag-yoga at gumawa ng iba't ibang stunt na puwede kong gawin sa maliit na sala ng bahay ni Blake. Matapos kong maligo, inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng mga bagay na may kaugnayan sa target ko, pero tulad ng kahapon, wala akong nakitang kahit anong movement sa sasakyan ni Mayor Rosales. Nasa munisipyo pa rin ito at hindi umalis ngayong araw doon. Mabuti na lang at nakapag-charge ako ng cellphone kanina sa loob ng kotse ko at sapat na ito para may magamit ako sa trabaho ko at mabantayan ko ang taong sinusundan ko. Abala ako sa aking ginagawa nang dumating si Blake. May dala siyang merienda at agad itong inabot sa akin. "Ang aga mo namang umuwi, Blake." "Na-miss kasi kita," nakangiting sagot ni Blake. Inikutan ko siya ng aking mga mata nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Biglang nagwala ang aking puso at naramdaman kong pumintig ito ng mabilis at malakas, kaya yumuko ako at nag-iwas ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang kakaibang emosyon na naramdaman ko ngayong nakikita ko siya. Humakbang si Blake palapit sa akin at umupo sa tabi ko. Napasinghap ako at sandaling huminto ang paghinga nang pumulupot sa katawan ko ang kaniyang mga braso at niyakap niya ako ng mahigpit. "Puwede bang ganito muna tayo, Lara?" mahina at malambing niyang bulong sa akin. Natigilan ako nang marinig ang tanong ni Blake. Alam ko kasing hindi magtatagal ay aalis na ako at hindi na niya makikita pa kahit kailan. Trabaho lang ang pinunta ko dito at iyon ang top priority ko, kaya hindi ako dapat tuluyang hayaan na magkaroon ako ng malalim na damdamin sa kaniya. Huminga ako ng malalim at marahang tinapik ang kaniyang braso. "Bitawan mo na ako, Blake. Hindi ako makahinga.” Hangga't maaari, ayaw kong ipakita sa kaniya na may espesyal akong nararamdaman para sa kaniya dahil ayaw kong dumating ang sandali na mahihirapan akong umalis dahil nahulog ang damdamin ko kay Blake. "I'm sorry, Lara. Na-miss kasi kita." Lumuwag ang pagkakayakap ng mga braso ni Blake sa katawan ko, pero bago siya umayos ng upo, ay malambing na hinalikan ako sa pisngi. "Magbihis ka muna,” utos ko sa kaniya. Tumayo na ako at sinabing ihahanda ko lang ang merienda namin. Agad akong lumabas ng silid para makalayo sa kaniya dahil hindi ko nagustuhan ang epekto niya sa sistema ko. Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa namagitan sa aming dalawa kaninang madaling araw, pero ayaw kong magtanong. Mas mabuting ganito na lang kami. Ayaw ko ng commitment, at hindi ko rin puwedeng sabihin sa kaniya ang tungkol sa tunay kong katauhan dahil ikapapahamak ko iyon. Isa akong assassin, at alagad siya ng batas. Kahit ano pa ang espesyal na nararamdaman namin sa isa't isa, magkalaban pa rin kami, kaya ngayon pa lang, kailangan ko nang tanggapin na walang patutunguhan ang nararamdaman ko. I have set my limitations when it comes to men, at hindi exempted dito si Blake. Puwede naman naming i-enjoy ang company ng bawat isa ngayon, pero hanggang dito lang ito. Tahimik at magkasabay kaming kumain ng merienda. Mukhang nakikiramdam si Blake sa akin, pero hindi na siya nagtanong. Masarap ang pansit, lalo na at native na manok at sariwang gulay pala ang sahog. Kakaiba ito sa mga natikman ko sa restaurant sa Maynila, kaya kahit diet ako ay marami akong nakain. "Thank you sa merienda, Blake," nakangiting sabi ko sa kaniya. Napangiti naman si Blake nang makita niyang tapos na akong kumain at naubos ko ang dinala niyang merienda. "Nagustuhan mo ba ang pansit, Lara?" "Oo,” tipid kong sagot. Muling napangiti si Blake at sumulyap ang mga mata sa aking katawan. "Mabuti naman para magkalaman ng kaunti ang katawan mo,” sabi niya sa akin. "Gusto mo bang lumabas mamaya?" "Saan?" "Maglalakad-lakad lang tayo sa bayan,” mabilis niyang sagot. “Baka nababagot ka na kasi dito sa bahay.” "Huwag na, ayos lang ako dito sa bahay mo. Tinatamad akong lumabas, lalo na at maghapon rin na umulan. Basa at maputik ang daan, kaya mas gusto ko na lang na manatili muna dito sa loob ng bahay. Tinulungan kong magligpit ng mga pinagkainan namin si Blake. Nagprisinta na rin akong maghugas ng mga ginamit namin para may magawa naman ako. Ayaw pa sana niyang pumayag, pero wala siyang nagawa dahil pinagtabuyan ko siya. "Maligo ka na lang, ako na ang bahala dito," utos ko habang hawak ang sponge. Mas mabuti pang malayo siya sa akin kasi para akong magnanakaw na kinakabahan ng husto dahil nasa paligid ko siya. Dahil walang kuryente, maaga pa lang ay madilim na. Mabuti na lang at bumili ng kandila si Blake, kaya kahit paano ay may kaunting liwanag dito sa sala. "Matulog na tayo, Lara," yaya ni Blake nang tumabi sa akin. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo sa braso. Alas-siete pa lang, pero madilim na ang paligid at naririnig ko pa ang malakas na huni ng mga kuliglig. Napakatahimik rin at walang kahit anong ingay na naririnig mula sa kaniyang mga kapitbahay. Dahil wala namang gagawin, kaya tumayo na ako. Hindi na ako nagtataka na sumama sa akin si Blake nang pumasok kami sa silid niya, dahil natulog naman na kaming magkatabi kaninang madaling araw at may nangyari pa sa pagitan naming dalawa. Hindi rin ako nagreklamo nang humiga siya sa tabi ko at mabilis niya akong niyakap. "Good night," mahinang bulong sa akin ni Blake. "Good night lang?" pilyang tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya at pabirong bumulong malapit sa punong tainga ko. "Hindi, may gagawin tayo, Lara." Kahit madilim dito sa kaniyang silid, napangiti ako, pero bigla akong napasinghap nang gumalaw siya at mabilis na pumatong sa ibabaw ko at hinuli ang aking mga labi. Napapikit ako at dinama ang masarap na sensasyong hatid ng halik na aming pinagsasaluhan. Sinuklian ko ang bawat halik ni Blake at sinabayan ko ang galaw ng kaniyang mga labi, hanggang tuluyan akong nalunod sa tukso at hindi tumutol nang mabilis niyang hinatak pataas ang suot kong damit-pantulog at sinunggaban agad ang leeg ko. This time, mas agresibo si Blake kumpara kagabi. Although he's careful naman, pero nararamdaman ko ang excitement sa bawat kilos niya. "Ang sarap palang umuwi dito sa bahay ng maaga, kasi nandito ka, Lara," mahinang bulong ni Blake habang patak-patak na naglalandas ang kaniyang mga labi at mumunting halik sa leeg ko. "Bakit, dati ba, wala kang inuwing babae dito sa bahay mo, kaya ngayon ka lang excited na umuwi, Blake?" May bahagi ng puso ko ang masaya, pero tutol dito ang kabilang bahagi ng isipan ko dahil pulis siya at hindi maikakaila na magandang lalaki rin, kaya imposibleng wala siyang babae. "May naging girlfriend ako dati, pero hindi ko inuwi dito sa bahay at walang nangyari sa amin,” paliwanag ni Blake. “Isa pa, sinave ko ang virginity ko para sa mapapangasawa ko, Lara.” Muntik akong mabilaukan ng sarili kong laway dahil sa narinig ko. Ang weird talaga ng lalaking ito. Nakurot ko tuloy siya sa tagiliran kasi kung ano-ano ang mga sinasabi niya. "So, paano 'yan, hindi ka na virgin ngayon, Blake?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Kaya nga dapat magpakasal agad tayo, kasi may nangyari na sa atin, Lara,” mabilis niyang sagot. Hinalikan niya ako sa noo at mahinang bumulong sa akin, “Handa akong pakasalan ka, basta pumayag kalang, Lara." Natulala ako at hindi agad nakapagsalita. Kung dati, baka pinalabas ko na dito sa silid si Blake at pinalayas sa harap ko dahil hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa usaping kasal, pero ngayon, nakaramdam ako ng pag-aalala. "Kalimutan mo na 'yan. Kailan mo lang ako nakilala, gusto mo na agad akong pakasalan? I'm not ready for that," seryosong sagot ko, na pinatatag ang aking sarili para hindi ako mabulol. "Kung ganoon, sisiguraduhin ko na mabubuntis kita agad para may dahilan kang pumayag na pakasalan ako, Lara.” Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Blake dahil madilim at hindi ko makita kung ano ang kaniyang ekspresyon ngayon, kaya tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Sige, deal. Kapag nabuntis mo ako, magpapakasal tayo," pilyang sagot ko at idinaan sa biro ang usapan namin. "Madali akong kausap, Lara." Hindi na ako nakasagot nang mahuli ni Blake ang labi ko at siniil niya ako ng mapangahas na halik. Mukhang excited talaga ang loko na mabuntis ako, kaya't halik pa lang ay pinag-init na ako ng husto. Halos mapugto ang hininga ko at muntik pang maubos ang hangin sa baga ko nang tigilan ni Blake ang panghahalik sa akin. Mabilis siyang gumapang pababa sa aking katawan at tumigil sa pagitan ng mga hita ko. Alam kong hindi siya eksperto gaya ng ibang lalaking naka-one night stand ko, pero bawat hagod ng mainit na kamay niya sa balat ko ay mabilis namang nag-iinit ang katawan ko. Nakaliyad ang likod ko habang awang ang mga labi at mahigpit na dakot at sabunot ng aking kamay ang kaniyang maikling buhok nang paglaruan ng mainit na dila ni Blake ang hiyas ko. Tempting at seductive ang bawat hagod niya sa kaselanan ko na naghahatid ng libo-libong kiliti sa buong katawan ko, kaya tuluyan akong nadarang sa tukso. "Ang sarap, Blake!" mahapdi ang lalamunan na daing ko. Napahiyaw ako nang maramdaman kong sumabog ang naipong init sa puson ko. Gusto ko sanang lubayan niya ang hiyas ko dahil nahihiya ako, pero hindi siya nagpaawat at sinaid ang katas ko. Hindi man ako virgin gaya ni Blake, pero marami akong naranasang bago sa kaniya ngayon. Ang bilis kong nilabasan, at tanging ngayon ko lang naranasan na nag-init ng husto ang katawan ko at excited akong angkinin niya ng buo. Kumawala ang mahinang singhap sa labi ko nang walang pasakalye na pumasok at bumaon ang sandata ni Blake sa lagusan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at siniil ng halik, kaya napapikit na lamang ako at napakapit ng mahigpit sa kaniyang mga braso. Nagsimulang gumalaw ang kaniyang balakang. Noong una, mabagal lamang ito at para bang sinusubukan niya kung kaya ko siyang tanggapin ng buo, hanggang bumilis ang pag-indayog niya sa ibabaw ko at natagpuan ko na naman ang sarili kong impit na umuungol sa ilalim ni Blake, habang màrahas niyang hinuhugot at sagad na binabaon ang galit na alaga sa loob ko. "Napakasarap mo, Lara. Nakababaliw ka," hinihingal na bulong ni Blake sa akin. Napangiti ako at ipinulupot ang mga binti ko sa bewang ni Blake, at malambing na yumakap ang aking mga braso sa kaniyang leeg at batok. "Let's enjoy the whole night, Blake. Angkinin mo ako hanggang gusto mo," mahinang bulong ko sa punong tainga niya at pagkatapos ay marahang hinalikan siya sa pisngi. Bahala na muna. Siguro naman, hindi masama kung mag-i-enjoy ako habang nasa trabaho, kaya hinayaan ko si Blake na angkinin ako dahil bukas ng gabi, aalis na ako at hindi ko alam kung magkikita pa ba kaming muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD