THERESA
Para kaming mga bata na naliligo sa tabi ng balon malapit sa bahay ni Mang Gener. Napalunok ako at ilang ulit na nag-iwas ng tingin dahil basta na lang naghubad ng suot niyang damit si Blake sa harap ko.
Tanging boxer shorts lamang ang natirang suot niya, kaya masyado tuloy appealing sa mga mata ko ang katawan niya at nahihirapan akong iwasan na huwag siyang tingnan, lalo pa at tila ipinagyayabang pa ni Blake sa harap ko ang malapad at matigas niyang dibdib, pati na rin ang namumukol niyang alaga sa pagitan ng kaniyang hita.
"Okay ka lang ba, Lara?" tanong ni Blake nang lumingon sa akin.
"Yes," tipid na sagot ko habang nagsasabon sa leeg at balikat.
Ito ang unang pagkakataon na naligo akong walang shampoo at body soap. Tanging isang bar na sabon ang gamit namin ni Blake, na siyang ginamit ko na rin sa buhok at mukha ko.
Mabango naman at mabula. Okay rin palang gumamit ng Perla. Hindi ko alam na may ganitong sabon palang nabibili sa merkado dahil hindi ko naman ito nakikita sa mga beauty shop na pinupuntahan ko.
"Ang lamig," nanginginig na sabi ko nang umihip ang malakas na hangin.
"Tsk! Kailangan nating bilisan at baka magkasakit ka pa, Lara."
Napasinghap ako nang buhusan niya ng malamig na tubig galing sa balon ang aking ulo. Padilim na rin ang paligid, kaya hindi na ako nagreklamo kahit ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko.
Tinulungan niya akong maligo dahil maputik talaga ang buong katawan ko, pati na rin ang buhok ko. Kanina ko pa binabanlawan, pero hindi pa rin ako satisfied. Nahihirapan ako dahil nasanay akong gumamit ng shower, tapos nakahubad kapag maligo, kaya pakiramdam ko ay hindi pa rin nawawala ang putik sa aking katawan kahit ilang ulit na akong nagsabon at nagbanlaw.
"Okay na siguro ito, Blake,” sabi ko sa kaniya dahil nilalamig na talaga ako.
“Sigurado ka ba, Lara?”
Marahan akong tumango. “Oo. Maliligo na lang ulit ako sa bahay mo pagdating natin mamaya.”
Matapos maligo, nagpaalam na kami kay Mang Gener na aalis na. Pumayag naman agad siya at hindi na kami pinigilan para kumain dahil nakita niyang basang-basa kami at kailangan na naming umuwi dahil gagabihin kami sa daan.
Wala kaming pagpipilian kundi ang bumiyahe na basa at tumutulo pa ang damit. Napakalamig rin ng ihip ng hangin kaya mabagal lang ang patakbo ng motorsiklo ni Blake habang nakaupo ako sa kaniyang likuran at mahigpit na nakayakap ang mga braso ko sa bewang niya.
Sa ganitong paraan, nabawasan ang panlalamig ng aking katawan dahil hindi direktang tumatama ang hangin sa akin, hindi tulad ng kasama ko na siyang nasa unahan, pero wala naman akong narinig na kahit anong reklamo mula sa kaniya.
Madilim at gabi na nang makarating kami sa kaniyang bahay. Agad kumuha ng tuwalya si Blake at binalot ito sa katawan ko. Napangiti ako sa ginawa niya dahil ramdam ko ang pag-aalala at pag-aalaga niya sa akin.
Nag-init pa siya ng tubig para makapag-banlaw ako. Mabuti na lang at attentive talaga siya dahil kung hindi, siguradong nanginginig na ako ngayon sa lamig.
Naghihintay akong kumulo ang tubig nang lumapit sa akin si Blake at inilapag sa harap ko ang dala niyang tasa.
"Lara, uminom ka muna ng kape para hindi sumakit ang tiyan mo."
Napatingin ako sa umuusok na tasa sa harap ko. Simple lang ang ginawa niya, pero pakiramdam ko ay may iba akong nararamdaman sa puso ko.
Ayaw kong masanay sa ganito. Ngayon ko lang naranasan na may taong nag-aalaga sa akin na walang hinihinging kapalit. Kahit minsan ay malamig ang pagtrato ko sa kaniya, wala akong naririnig na kahit ano mula kay Blake, at ginagawa niya ang lahat para maging komportable ako habang nakatira dito sa bahay niya.
Kahit maliit lang ang banyo, sabay kaming pumasok para muli kaming mag-banlaw at maglinis ng katawan. This time, walang pag-aalinlangan na hinubad ko ang basang damit ko dahil hindi talaga ako komportable na maligo na may suot na t-shirt at short.
"Bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?" kunot ang noo na tanong ko kay Blake nang makita kong napalunok pa siya habang ang mga mata niya ay pinagmamasdan ang kahubaran ko.
"Ang ganda mo talaga, Lara," mahinang sagot ni Blake.
Nag-init ang aking magkabilang pisngi dahil harapan siyang nakatitig sa katawan ko.
"Alam ko," kibit-balikat na sagot ko.
Sanay na akong makarinig ng ganitong papuri. Madalas ko itong naririnig sa bawat taong nakakasalamuha ko, at kabilang siya doon, pero bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang epekto sa akin at bigla ay nagwawala ang puso ko nang sabihin din niya ito sa akin?
Napasinghap ako nang hawakan ako ni Blake sa balikat at marahang naglandas ang kaniyang mainit na palad pababa sa likod ko.
"Di ba nilalamig ka, Lara?" tanong ni Blake habang nakatitig ang mga mata sa mukha ko.
Kagat ko ang aking pang-ibabang labi nang tumango ako bilang sagot. Ang totoo, hindi na masyadong malamig dahil mainit na tubig naman ang pinanligo namin. Sadyang lutang lang ako at nawala na naman sa tamang katinuan ngayong nakatitig sa akin ang lalaking kaharap ko.
Pigil ko ang aking hininga at napatayo ng tuwid nang pumulupot sa aking bewang ang mga braso ni Blake at kinabig niya ako palapit sa kaniya, kaya nawala ang kaunting distansya sa pagitan naming dalawa.
"May paraan ako para hindi ka lamigin, Lara," mahina at sensual niyang bulong sa akin.
Umawang ang aking mga labi at napatingin ako sa kaniya para lang matigilan nang tawirin niya ang gahiblang pagitan ng aming mga mukha. Parang may sariling isip na agad pumulupot ang aking mga braso sa balikat niya, habang walang pagdadalawang-isip na tumugon sa mainit at mapusok na mga halik ni Blake sa mga labi ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakunyapit ng mahigpit sa leeg niya ang aking mga kamay habang nakatayo at nakasandal ang likod sa malamig at matigas na pader. Nakapulupot sa bewang ni Blake ang isang binti ko at sinapo niya ang balakang ko bilang suporta at paulit-ulit na binabaon ang sandata sa lagusan ko.
Daig ko pa ang tuyong dahon na binuhusan ng gasolina at sinilaban ng apoy. Biglang nag-init at nag-apoy ang buong katawan ko at sinabayan ko kung paano gumalaw ang balakang ni Blake habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ko at marahas na bumabayo.
Ang landi kasi ni Blake. Madikit lang sa akin ang katawan, ay nag-iinit agad.
"Sa susunod na maging naughty ka gaya ng ginawa mo kanina, baka hindi ako makapagpigil, Lara, at doon pa lang ay parusahan na kita," humihingal na bulong ni Blake sa akin habang mabilis na gumagalaw ang kaniyang ibabang bahagi ng katawan.
"So, pinarusahan mo ako, ganoon ba?" naka-ngiting tanong ko sa kaniya habang nanginginig ang buong katawan matapos maabot ang sukdulan.
"Oo, pero sa masarap na paraan."
Natawa ako sa sinabi ni Blake. "Ang landi mo talaga. Gusto mo lang namang umiskor sa akin, 'di ba?"
Napangiti rin si Blake at magaan niya akong pinatakan ng halik sa noo.
"Magbanlaw na tayo at baka lamigin ka ulit," biro ni Blake sa akin.
Natawa ako at nahampas ko siya ng hawak kong tabo sa tiyan.
"Huwag mong gawing dahilan iyan, Blake. Sadyang malandi ka lang talaga," naka-irap na sagot ko, pero sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Kapag kasi ikaw ang kasama ko tapos nakahubad ka sa harap ko, sa tingin mo ba, kaya kong magpipigil at huwag mag-init palagi, Lara?"
Tumaas ang kilay ko at nalukot ang mukha ko. "Ang swerte mo naman, nakakuha ka ng bedwarmer," inis na sagot ko dahil nakaramdam ako ng gumuhit na kirot sa dibdib ko.
"Hindi ganyan, Lara,” mabilis niyang sagot.
Hinawakan niya ako sa pisngi at muling pinatakan ng magaan na halik sa gilid ng labi ko.
“Una pa lang, alam mong handa na akong pakasalan ka. Sinabi ko na ‘yan sa iyo. Ikaw lang ang hinihintay kong pumayag na magpakasal sa akin."
Seryoso ang ekspresyon ni Blake habang nagsasalita at hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko.
Natigilan ako at nag-iwas ng tingin. "It's too early to say that, Blake.”
"Bakit? Dahil ba hindi pa kita nabubuntis, Lara? Gano'n ba?" walang kangiti-ngiti sa labi na tanong ni Blake sa akin.
"Huwag mong seryosohin 'yon, Blake," sagot ko at mabilis na inabot ang nakasabit na towel sa pintuan ng banyo.
"Bakit? Ano ba sa iyo ang lahat ng ito, Lara?”
Hindi ako sumagot. Hinawakan niya ako sa braso para pigilang lumabas, pero tiningnan ko ang kamay niya at hindi nagsalita.
"I'm sorry. I-"
Hindi niya natapos ang gustong sabihin nang magsalita ako matapos magpakawala ng isang malalim na buntonghininga.
"Forget about that, and it would be much better if you don't ask me why, Blake," walang emosyon na sabi ko sa kaniya.
Parang napapaso na binitiwan niya ang aking braso. Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang ekspresyon, pero hindi na ako nagsalita para magpaliwanag kahit alam kong naguguluhan siya.
Tinalikuran ko na siya at mabilis na lumabas ng banyo. Iniwan ko siyang nakasunod ang tingin sa akin, pero hindi na ako lumingon pa dahil baka matalo ako ng aking emosyon.
Alam kong masakit para sa kaniya ang mga sinabi ko dahil naging mabuti si Blake sa akin, at hindi ko iyon binawi dahil mas mabuti kung ngayon pa lang ay huwag na siyang umasa at maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa.
I can't love him, hindi ngayon at hindi puwedeng bukas. Ayaw ko siyang masaktan, kaya ayaw ko rin bumuo ng relasyon na alam kong hindi ko kayang isugal. Masaya man ako ngayon, pero alam kong hindi ito magtatagal dahil isang araw na lang, kailangan ko na siyang tuluyang iwan at kalimutan.
Author's Note:
Please note that this novel is under editing for a better version, and soon mag-upload po ako ng ibang chapter, but I'm not going to complete it here dahil for printing po ang book na ito, kaya magkakaroon ng physical copy. Anyone who wants a copy, please contact me on my social media account.
Faceb00k: Marie 0'Dreame