THERESA Kanina pa ako nakatitig sa kisame, pero kahit mahimbing na ang tulog ni Blake sa tabi ko, ay hindi naman ako dalawin ng antok ngayon. Alam kong namiss niya ako. Ramdam ko ito sa kung paano niya ako hawakan at halikan, pero kahit ganyan ang nararamdaman niya, ay hindi niya ako pinilit na angkinin dahil nakita niyang masama ang aking pakiramdam. Nakuntento na lang siya na magkatabi kaming dalawa sa kama at hindi niya ako kinulit. Nakahinga naman ako ng maluwag at naging komportableng nakahiga sa kama habang katabi ko si Blake at natutulog siya ng mahimbing. Nag-angat ako ng aking mukha at sandaling pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Bakas ang saya sa kaniyang ekspresyon. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Matagal akong nakatitig sa kaniya hangg

