Chapter 25

1620 Words
THERESA Sumang-ayon na lang ako sa gustong mangyari ni Blake para hindi na siya magalit at makontrol ko ang kaniyang emosyon pati na rin ang sitwasyon. Alam kong hindi siya susunod sa gusto kong mangyari kapag nagalit na naman siya sa akin. Ito ang napagtanto ko batay sa obserbasyon ko sa kaniya, kaya kailangan ko siyang laruin ngayon para gawin niya ang gusto ko at hindi na siya mapahamak dahil alam ko ang maaaring mangyari sa kaniya kapag pinilit niyang lumapit sa akin. Tahimik akong kumakain kasalo si Blake. Gaya ng dati, maalaga pa rin siya at tinatanong ako kung gusto ko pa ng ulam at dagdag na kanin, pero tumanggi ako. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis at malambing na sumagot. “I'm done. Thank you, Blake.” “Napakaliit naman ng portion ng kinain mo, Lara,” sabi ni Blake. “Nabusog ka ba?” “Oo naman,” mabilis kong sagot. “Hindi naman ako katulad mong malakas kumain ng kanin.” Sumulyap siya sa aking mukha at naglandas ang kaniyang mga mata pababa sa katawan ko. “Alam ko na kung bakit ayaw mong kumain ng marami,” sabi niya sa akin. “Alam kong inaalagaan mo ang katawan mo dahil sikat na modelo ka pala. Siguro, iyan rin ang dahilan mo kung bakit ibang pangalan ang sinabi mo sa amin sa Zambales dahil sikat na sikat ka pala sa Europe.” Naibagsak ko ang hawak kong kutsara. Gumawa ito ng ingay, pero ramdam kong mas malakas pa dito ang pintig ng aking puso dahil hindi ko inaasahan na pati pala ito ay alam na rin ni Blake. “P-paano mo nalaman ang tungkol diyan, Blake?” Nautal ako dahil napakalakas ng pintig ng puso ko. Para bang sasabog ang dibdib ko, kaya mabilis itong nagtataas-baba at hingal pa ako. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang tingnan ako ni Blake ng diretso sa aking mga mata at nakipagtitigan siya sa akin na para bang nakikipagsukatan ng tingin at binabasa ang laman ng isipan ko. “May paraan ako para malaman ang lahat tungkol sa iyo dahil gusto kitang makilala—ang totoong ikaw at hindi ang kapirasong impormasyon lang na gusto mong sabihin sa akin.” Ramdam ko ang biglang pagpitik ng ugat sa aking sentido. Dumating na nga ang kinatatakutan ko. May isang tao na ang nakakakilala sa akin at sa tunay kong pagkatao. Sana hanggang dito lang ang alam ni Blake dahil panganib ang hatid sa kaniya ng mga nalalaman niya at hawak na impormasyon tungkol sa akin. Pulis siya, kaya mas lalo lamang itong mapanganib dahil siguradong kapag nalaman niya ang kaugnayan ko sa organisasyon, siya ang maaaring unang magpapakulong sa akin at maghahatid sa kulungan. Matino siyang pulis at may paninindigan. Siguradong pipiliin niya ang batas kumpara sa akin, kaya nakaramdam ako ng sakit na gumuhit sa aking puso. Nakipagtitigan ako kay Blake, at hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil ayaw kong isipin niya na may itinatago ako sa kaniya. I masked my expression in front of him. Nagkunwari akong hindi apektado sa mga sinabi niya, pero ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko. “You already knew,” mahina kong sabi kay Blake matapos makabawi. “Oo,” tipid niyang sagot. Tumango lang ako at hindi na sumagot dahil pakiramdam ko, nasa dulo na ako ng bangin at kaunti na lang ay mahuhulog na ako sa panganib. Pinilit kong kumalma at ngumiti kay Blake. Tinapos ko rin ang pagkain ko, pero sa gilid ng aking mga mata, lihim akong nakikiramdam sa kilos niya. Nang matapos kaming kumain, nagpaalam si Blake na maliligo. Naiwan akong nakaupo at tulala habang nakatingin sa pinto ng banyo. Magulo ang isipan ko at pakiramdam ko ay para akong gamo-gamo na lumapit sa apoy at unti-unting nasusunog. Napabuntonghininga ako nang marinig kong bumukas ang shower at sinundan ito ng malakas na lagaslas ng tubig sa loob. Naliligo na si Blake, pero hindi pa rin nawawala ang malakas na pintig ng aking puso. Natigil lamang ang pag-iisip ko nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Kaya tumayo ako at lumapit sa kabinet at binuksan ito. Tumatawag pala si Draven sa akin, kaya sumulyap ako sa pintuan ng banyo bago pinindot ang button at sinagot ito. “Draven.” Mahina lang ang tinig ko dahil ayaw kong marinig ni Blake ang sasabihin ko. “Tres, kailangan mong maging alerto sa loob ng campus. May inside information akong nakuha galing sa mga CCTV footage na nakuha ni Aidan na lihim na lumalapit sa kaniya ang mga kalaban natin. My hands are tied right now. Hindi ako makakilos ng harapan dahil alam kong kaunting maling galaw ko lang ay gagamitin ng mga kalaban ko ang makukuha nilang impormasyon laban sa akin, at ngayon, si Agatha ang target nila. “Copy!” tipid kong sagot. “Akong bahala sa kaniya.” “Ikaw ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko kay Agatha, Tres. Be ready and stay hidden. Mapanganib ang mga kalaban natin ngayon, at ang gusto nila ay siraan ang pamununo ko sa council at mapabagsak ang leadership ko.” “I understand. Don't worry, nakasunod ako sa kaniya at nakabantay sa bawat kilos niya. “Good,” narinig kong sabi ni Draven. “But don't say anything to her. Ayaw kong magkaroon ng ideya si Agatha tungkol dito. She's innocent, too pure para makapasok sa organisasyon natin. Let's protect her at all costs.” “You have my word, Draven. Trust me, she's safe with me.” “I know,” mahina niyang sagot. Narinig kong nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Draven mula sa kabilang linya. Para bang hirap ang kaniyang kalooban ngayon, bagay na nauunawaan ko dahil mabigat ang responsibilidad niya bilang pinuno ng council at ng Magna El Cajon. “Just take care of her, Tres. Kahit anong mangyari. She's my everything.” “I will, Draven.” Alam kong hindi niya ako pababalikin agad dito sa Pilipinas kung hindi mahalaga o confidential ang trabahong ibinigay niya sa akin, dahil puwede naman niyang ibigay ito sa iba. Pero sa akin niya inatas ang pangangalaga sa babaeng mahal niya. Narinig kong tumigil na ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo, kaya nagpaalam na ako kay Draven at mabilis na pinutol ang tawag. Hindi nagtagal, bumukas ang pintuan at lumabas siyang nakatapis ng tuwalya. Nag-iwas ako ng tingin dahil napalunok ako nang makita ko ang pagpatak ng butil ng tubig sa kaniyang balat at naglandas ito pababa, dahilan kaya nakaramdam ako ng pagbabago sa aking pakiramdam. Nagkunwari akong hindi apektado sa presensya ni Blake kahit nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng ginamit niyang sabon sa pagligo. Minabuti kong umupo sa gilid ng kama at inabot ang remote ng telebisyon para maging abala dahil nakaramdam ako ng panlalambot ng mga tuhod at panghihina kasabay ng malakas na pintig ng aking puso. Naghahanap ako ng magandang palabas nang umupo sa tabi ko si Blake at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Bumaon sa leeg ko ang kaniyang mukha at malambing na hinalikan-halikán, kaya lalo lamang nag-init ang aking pakiramdam. “Anong gusto mong panoorin natin, Lara?” malambing niyang bulong at tanong sa akin, kaya napalunok ako at napaupo ng tuwid. “Naghahanap ako ng magandang palabas.” Hindi ako mahilig manood ng pelikula at balita, pero sa tingin ko, tanging ito lamang ang magagawa ko ngayon para kahit paano ay mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko. Mahigpit kong hawak ang remote at napindot ko ang sumunod na channel nang sipsipin ni Blake ang balat sa leeg ko, pero nanlaki ang aking mga mata nang napindot ko ang isang channel at bumungad sa mga mata ko ang mainit na tagpo sa pagitan ng isang babae at lalaki sa ibabaw ng kama habang pareho silang walang saplot at malakas na umuungol. “Gusto mo bang manood tayo niyan, Lara?” mapanuksong tanong niya sa akin. “Hindi!” Biglang nanginig ang aking mga kamay at dali-daling pinindot ang button ng remote, pero nabitawan ko ito at bumagsak sa sahig nang hindi ko pa nailipat ang channel. Napangiti naman si Blake at senswal na hinagod ng dila ang aking leeg. Gusto ko sanang pulutin ang remote sa sahig, pero hindi ko na ito nagawa dahil hinatak niya ako pahiga sa kama at hindi binigyan ng pagkakataon na magprotesta. “Gayahin natin sila,” bulong ni Blake. Bigla niya akong siniil ng halik sa mga labi at mabilis siyang pumatong sa ibabaw ko. Nakatapis lang siya ng tuwalya, at tingin ko, nakalas na ang pagkabuhol nito sa kaniyang bewang nang gumalaw siya at nalaglag na rin sa sahig, pero wala na siyang pakialam dito. “Sobrang na-miss kita,” narinig kong bulong ni Blake nang sandali niyang pinakawalan ang aking mga labi para sumagap ng hangin. “Hindi mo alam kung paano ako halos mabaliw nang umalis ka sa Zambales at hindi ka na bumalik doon, Lara.” Magsasalita sana ako nang muli niya akong siniil ng halik. Mas mapangahas, mas agresibo, at para bang sabik na sabik siya sa akin ngayon. Naririnig ko ang malakas na ungol mula sa telebisyon ng babae sa kama sa screen, kasabay ng ingay na likha ng partner niya. Pero bigla akong nawalan ng pakialam dito, at ang tanging naging mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang masarap na pakiramdam at sensasyong hatid ng magkalapat naming mga labi ni Blake. Kahit ako, na-miss ko rin siya. May bahagi ng isipan ko ang paulit-ulit na nagsasabi sa akin na putulin ko na nang tuluyan ang koneksyon ko sa kaniya, pero ngayong kasama ko siya, nahihirapan akong gawin ito at ayaw nang papigil ng tangang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD