bc

Blooms of Butterfly

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
heir/heiress
drama
tragedy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng paru-paro'y may layang lumipad at pumili ng bulalak na gusto nila. But for her, that was the biggest mistakes she does. Pano niya malalampasan ang bagay na ito kung patuloy siyang hinahabol ng mga taong gusto na niyang kalimutan.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Hello everyone, itong librong ito ay kauna unahan kong book. gusto kong magbigay inspirasyon at buhay sa bawat pahina at kabanatang aking bubuuin. I am not professional writer but I'll do my best to reach your expectations. No hate, just spread loveeeee.a so please support me guys. A/N: Good day, please forgive me for some typographical errors dahil di pa po ito na edit. Disclaimer This is a work of fiction, characters, business, some places, events, incidents are from author's ideation or invention. any resemblance to actual person's living or dead, or actual event are just coincidental. name of brand things and school that are mentioned in this story are not related to them. all the scence, situations of this books are from author's imagination. Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create the same works from the contents of this story in any way. Please obtain permissions. Amara Pov Ang daming bagay na gusto kong makita at marating pero talagang hanggang dito lang ata ako. Gusto kong lumipad papalayo kung saan makikita ko ang lahat. Lahat lahat ng gusto kong makita at matuklasan gamit ang aking pakpak. Gamit ang sarili kong paglipad. Gusto kong ipakita sa lahat na kaya ko. Kaya kong mag isa at tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya kong dalhin ang sarili ko sa isang lugar na mas maganda pa sa hardin. Isang paru-paro na handang ipakita sa lahat kung gaano ako kataas at kaganda. Gusto kong makita nila na hindi lang ako isang paru-parong palamuti kundi isang magandang paru-paro na hahangaan at titingalain nilang lahat. Natauhan ako sa pagtapik saaking braso ng aking bunsong kapatid. Nakatulala pala akong pinagmamasdan ang aming halaman. Mayroon doong isang maliit na paru- paro na tila naglalaro sa karamihan ng bulaklak. "Pinapatawag ka ni mama" saad nito saakin. "Sige susunod ako" sambit ko naman " Ate okay ka lang naman di ba?" Dagdag pa niya "Oo naman, handang handa na ako" matapang kong hinarap ang mga mata niya. Alam kong mahirap pero kakayanin ko. Kakayanin ko dahil matagal ko ng inasam ito. Matagal kong kinimkim at tinago dahil sa takot ako. Takot akong humarap sa bangungot na noon ko pang tinatakbuhan. Bangungot na gusto ko ng ibaon sa limot pero hindi ko magawang ibaon dahil sa kanila. "Kaya mo ba talaga ito?" Nag aalalang tanong ni mama "Kaya ko mama" lumingon ako sa kanya ng buong tapang Kailangan kong maging matapang. Para sa sarili ko. "Nandito lang ako para sayo anak, aalalalayan kita" nakangiti niyang sabi saakin. Sumakay na ako sa aking sasakyan. Napatingin ako sa kanila at napangiti. Napatingin ako sa mata ng nanay ko na halatang nag aalala at hindi mapakali. "Wag ka ng mag aalala sakin mama, kaya ko naman po ito" nakangiti kong sabi sa kanya. "Fighting" tinaas ko pa ang braso ko na tila pinapalakas ang loob nilang dalawa. "Bakit ba kase ayaw mong samahan ka namin?" Mataray na sabi ni ross "Buong buhay ko nakasandal na lang ako palagi sa inyong dalawa" nakangiti kong sabi " Gusto kong umpisahan ang buhay ko sa pagpapalaya ng nakaraan" dagdag ko pa "Mag-iingat ka ha" ngumiti ulit muna sila saka pumasok na sa bahay. Tinaas ko na ang bintana ng sasakyan ko. Kaya ko ba? Kaya ko na ba talaga? Kaya ko na ba silang harapin pagkatapos ng lahat lahat? Pagkatapos ng lahat lahat saamin. Kaya ko ba talaga silang kalimutan? Kaya ko ba talagang magpatuloy? "Kaya mo Meryl" pagkukumbinse ko pa sa sarili ko "Kaya mo simula noong umalis ka" napangiti ako ng mapait habang inaalis ang luhang nagbabadya ng pumatak. Gusto ko ng lumaya. Gusto ko ng lumaya sa lahat lahat. Gusto ko ng maging isang kagaya noon. Kagaya ng isang inosenteng paru-paro na lumilipad at naglalaro sa isang hardin. Isang paru- paro na hindi nakikita ang ibang problema na kakaharapin niya. Isang paru- parong sanay mag isa sa libo libong mga bulaklak. Napawi ang aking pag iisip ng makarating sa isang pamilyar na pinto. Isang pihit ng seradora ay makikita kong muli sila. Isang pihit ng seradora ay makikita ko ulit ang mukha ng mga taong bumura ng aking pagkainosente. Mga taong akala koy kakapitan ako at kakampi ko. Pero kagaya nga sa isang hardin, isa lang din sila sa libo libong bulaklak na pinangarap ko. Pinangarap ko na kahit kailan ay hindi ko na uulitin pa. Buong lakas kong pinihit ang seradora ng pinto. Doon ay bumungad saakin ang isang matandang lalaki na na nasa edad 50 na dahil sa bakas sa mukha nito. Mapapansin mo ang panghihina ng katawan niya dahil sa mga nakakabit sa katawan niya. Kulubot na rin ang kanyang mukha at ngayon ay maputla na ang labi. Bumalik saakin ang gabing huli kaming nag usap. Pero hindi ako nagpatinag. Napalingon ako sa babaeng nakaupo ngayon sa isang upuan katabi ng lalaking nakahiga sa kama. Halatang halata mo sa mukha niya ang kaelegantehan. Ngumiti siya saakin at tumayo. Kasunod na nabaling ang tingin ko ay sa lalaking nasa may sofa ng kwarto. Nakatingin siya saakin at alam kong nag aalala ang mga mata nito. Malayo sa kung anong tingin niya saakin noon. Malayo sa tingin na nakita ko noong nagmamakaawa ako sa kanya. Malayong malayo. "Hija" nakangiting sambit saakin ni tita dolce "Magandang gabi po" saad ko "Halika maupo ka" sambit niya sabay gaya saakin sa isang upuan. "Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa dahil bukod ho sa gusto ko na agad matapos ito'y gusto ko ring magpaalam na, sana ay ito na po ang huling pagpunta ko sa bahay niyo" matapang kong sabi. Nanatiling tahimik si Craim at nakamasid lamang saamin ng kanyang ina. "Hija, pasensya ka na kung naistorbo ka pa namin" saad niya Nagmulat ang asawa nitong si Senyor Aien ng marinig ang aking boses. "Meryl anak" malalim ngunit nakakakilabot Bagamat hirap ito sa pagsasalita ay malinaw kong narinig ang bigkas niya sa pangalan ko. "Salamat at dumating ka" dagdag pa niya "Patawarin mo ako anak, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo" dagdag pa niya "Wag ka munang bumangon, tutulungan na kita" tumakbo papalapit sa kanya si Tita dolce "Wala na ho iyon saakin" sambit ko "Sana po ay kalimutan na lang natin ang lahat lahat" dagdag ko pa "Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo, patawarin mo ako" naiiyak niyang sabi "Iniatras ko na po ang kaso laban sa inyo at kung ano man po ang nangyari sa ating lahat ay kalimutan na natin" naiiyak kong sabi "Hindi ko pa po kayo lubos na napapatawad at alam kong matagal na panahon pa ang gugugulin ko para dun, dahil ang ginawa niyo ay hinding hindi masisikmura ng kahit na sino man" tumulo na ng tuluyan ang aking mga luha. "Sanay gumaling na kayo sa ano mang karamdamang meron kayo, hindi ako natutuwa at yan ang kinahantungan niyo. Nawa'y kaawaan pa rin kayo ng diyos." Sambit ko "Pero dahil gusto ko na mag- umpisa na wala ng sakit sa dibdib ko, gusto ko ng palayain ang sarili ko mula sa inyong lahat." Nakangiti kong sabi. "Sana ay ito na ang huling araw na babalik ako sa bahay niyo at makikita ko kayo." Tumalikod na ako at pinahid ang luha na dumaloy na pala sa pisngi ko. Tumalikod na ako dahil gusto ko ng umalis at lumayo sa mga taong akala ko noon ay kakampi ko. Humakbang ako at nang marating ko ang pinto ay lumingon ako ulit sa taong ilang beses kong minahal. Lalaking akala ko ay mahal din ako. Lalaking akala ko ipapakita sakin ang tunay na mundo. Ngunit dinala niya ako sa isang talahiban. Talahiban na malayong malayo sa hardin na aking kinasanayan. Ngumiti ako sa kanya dahil sa huling pagkakataon Sa huling pagkakataon, hinding hindi ko hahayaang magkita ulit ang ating landas. Paalam Craim. Paalam sa lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
812.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.6K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook