Part 19

2196 Words
Katatapos lang nilang mag meeting ng nakausap niyang organizer para sa nalalapit na kaarawan ni Bella. Sa mall lang sila nito nagkita at naging maayos naman ang kanilang naging usapan mula sa preparation's ng invitation cards, program, set up decorations at ng cater services na provided narin ng package nito. Dadalo ang ilang staff sa company ng Asawa maging ang ilang ka business partner nito kaya maraming bisita silang inaasahan kabilang ang kaanak nito. May usapan naman sila Max na magkita sa Mall para makapag gala narin, sabik pang sinalubong nito ng karga ang anak niya. "Ang cute talaga ng baby na yan, Let's go gusto kong iadvance shopping ngayon ang maganda kong inaanak", natawa pa siya dito habang naglalakad sila papasok ng supermarket "I'm sure magiging spoiled si Bella pagdating sayo Max", "No worries, Bella is my favorite lil girl now. It reminds me a lot of my crazy best friend Sophia", napangiti lang siya dito, alam niyang nangungulila parin ito sa kanyang kakambal at parehas lang sila ng nararamdaman nito. Marami silang napagkwentuhan nito, napag-alaman niyang parehas na Architecto ang dalawa at sabay rin na grumaduate. Namamangha siya dito sa tuwing nagkukwento ito ng mga karanasan kasama ang kanyang kakambal at nalaman niya rin kung gaano kamahal nito ang lalaking sumira sa buhay nito. Iyon ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Sa narinig niyang mga kwento ni Max tila napakabuting tao ng kanyang kakambal para maranasan ang ganong bagay. Hindi niya ito mapigilan sa dami ng mga damit na binili para sa bata maging mga laruan. Ang dami tuloy nilang bitbit paglabas ng supermarket. Nang makaramdam sila ng gutom ay nagtungo naman sila sa isang chinese restaurant. Parehas nilang natripan dito kumain kaya ito na ang pinuntahan nila matapos makapamili. Habang hinihintay ang kanilang order ay abala naman siya sa pagpapadede sa bata. "Pauwi nako ng Cavite ngayon kaya sinulit ko na ang ilang araw ko dito sa Manila", "Mabuti nalang at naisipan mo mag aya sa mall, pero sinulit mo naman ang mga pinamili dito sa bata", natatawang wika niya dito, "Minsan lang naman kami magkita niyan ni Bella, sisikapin kong makaattend ng birthday niya dahil next month may out of town business trip ako", "Wow, mukhang matatagalan pala ulit tayong magkikita", "Yeah, kung nandito lang sana si Sophia siya ang kasama ko sa mga ganoong business trip. She's really a workaholic woman na hindi titigilan ang trabaho hanggat hindi maging perfect sa paningin niya and gustong gusto niya rin ang makapunta sa iba't ibang lugar", napangiti nalang siya dito, kanina pa siya humahanga sa mga naririnig tungkol sa kakambal at natutuwa siyang malaman ang mga iyon, kahit papano meron siyang nalalaman sa naging buhay nito. "Isabel ang balat mo", puna sa kanya ni Max matapos nilang kumain, saka niya napansin ang ilang pamamantal sa balat niya. Kaya pala bigla siyang nakaramdam ng pangangati sa leeg at ilang parte ng katawan. "May allergy ka rin sa sea foods???", gulantang na wika nito, napailing nalang siya. Nag iinit na ang pakiramdam niya at nangangati narin siya, naparami ang pagkain niya ng sea foods at hindi niya alam na magrereak ng ganito ang katawan niya. Nang minsan naman na nakakain siya ay hindi ganito kalala. "Uhm, minsan talaga naatake tong allergy ko Max,, don't worry mawawala din toh agad", "Are you sure?? Sophia also have allergy in sea foods, minsan ng mapasobra kami kain non ay muntik siyang mag collapse", "I'm fine Max, minsan narin tong nangyari sakin", nakangiti niyang wika, hindi lang mawala ang pag-aalala sa mukha nito. Sandali lang silang nagpahinga bago nakatanggap ng tawag mula sa Asawa. May usapan silang susunduin sila nito bago mag five. "I'm sorry Isabel, sana tinanong ko muna pala kung pwede sayo ang mga ganong pagkain", "Ano kaba? ayos lang. Nag-enjoy naman tayo pareho eh at ang sarap kaya", payak na natawa naman ito sa kanya "Para karing si Sophia eh, may pagkamatigas rin ang ulo kung ano yung bawal yun ang gustong gagawin", napangiti lang siya dito, ito ang may karga sandali ng anak niya dahil nangangati na siya at mainit parin ang pakiramdam niya. Bakas pa ang ilang pantal na namumuo sa mukha niya. "Isabel??", sabay silang napalingon sa pagdating ng Asawa niya, napangiti pa siya ng makita ito,, "Liam!!", agad itong napalapit sa gawi nila saka nito napansin ang mukha niya "What happened to your face? may sakit kaba?? are you alright??", "Okay lang ako Liam, I want you to meet Maxine Ramirez", aniya, saka ito bumaling sa babaeng kasama niya, "Oh Hi", "Hello Liam, I'm Max,, ako ang may sala ng pamamantal ni Isabel. I didn't know na may allergy rin siya sa sea foods", napamaang naman ang Asawa dito, "Oh? are you okay?", "Yeah I'm fine, Max is a best friend of Sophia", wika niya naman dito, "Sophia??", "I think you should buy cetirizine Isabel, iyon ang kadalasang ginagamot ni Sophia sa allergy niya", napatango nalang siya dito saka ngumiti at kinuha na dito ang bata. "Thank you Max, you're really a good friend. Magkita ulit tayo after ng business trip mo hah? and kwentuhan mo ko", lalo namang lumapad ang pagkakangiti nito sa kanya, "I will do that, mag iingat kayo okay?? Bye for now baby Bella. See you on you're birthday", "Aasahan ko ang pagpunta mo Max", "Of course ayokong magtampo ka sakin at baka magalit sakin si Sophia", nagkatawanan nalang sila nito, "Thanks again Max", wika naman ng Asawa niya dito, "No problem Liam, mauna na ko see you guys mag-iingat kayo", napatango lang siya dito saka kumaway, masaya siya na nakabonding ulit ito. Napansin niya naman ang sandaling pananahimik ng kanyang asawa kaya napatingin siya dito. "Hon Let's go? I think kailangan kong bumili ng gamot na sinabi ni Max", "Okay, I'll buy it,, you sure na kaya mo pa??", ngumiti naman siya dito saka nito kinuha sa kanya ang kanilang Anak, "Yeah, nag enjoy naman akong kasama si Max sobrang gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya. Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa kapatid ko at marami rin akong napag-alaman sa kanya", napasulyap lang sa kanya ang Asawa saka ngumiti at kinuha ang isang kamay niya,, "Sophia is an License Architect too, isn't it amazing na parehas ang skills namin ng kapatid? kung tinapos ko siguro ang pag aaral ko noon ay parehas na kami ng narating", may galak niya pang wika dito, "I'm sure of that cause you're amazing too", napangiti naman siya sa Asawa saka sinandal ang ulo dito habang naglalakad sila, "Pero mas gusto ko parin na kayo ang inaasikaso ni Bella,, kayo na ang most priority ko ngayon", "Really?," "Yes", "Thank you Hon,,", "Bilisan na natin Hon, makati na talaga", natawa naman ito sa kanya kaya nagmadali na sila para makauwi at makainom siya ng gamot. Sobrang aliw na pinagmamasdan niya ang Anak habang binibihisan ito ng susuotin para sa pictorial nito. Ngayong araw naka schedule ang photo shoot nito para sa una nitong kaarawan at gusto niya talagang maging special ito para sa anak. Hanggang sa silang tatlo naman ang kinuhanan ng litrato, "Ready one,, two,, three,, smile baby", wika ng photographer,, napabungisngis naman ng mga ito ang kanilang anak pero nagitla pa siya ng bigla siyang hagkan ng Asawa sa pisngi kasabay ng pag flash ng camera. "Nice Shot! Ang sweet ni Daddy,, isang shot pa tayo Mami pagbigyan mo na si Daddy Liam", nakangiting saad pa nito kaya nilakihan niya lang ng mata ang Asawa na ngiting ngiti sa kanya. Iba't ibang klase ng gown ang pinasuot sa Anak nila kaya sobrang na'excite siya makita ang mga nakuhang larawan nito. Nang matapos ang pictorial nila ay natigil ang tingin niya sa kuha nilang tatlo, larawan sila ng masayang pamilya. "That was a perfect shot Hon, gusto kong palakihan natin yan", narinig niyang wika ng Asawa sa tabi niya kaya ngumiti at tumango siya dito. Bukas na ang kaarawan ng kanilang Anak kaya tiyak niyang magiging abala ang buong araw na yun. Sa kabilang bahay nila ginanap ang Party ng bata kung saan abala ang lahat sa paghahanda at pagdedekorasyon ng paligid. Dumating narin ang ilang kaanak ng kanyang Asawa at masaya siya na naging maayos ang unang paghaharap nila. Kilala siya ng mga ito pero dahil sa amnesia niya ay wala siyang makilala sa mga ito. Sa umpisa ay tila nailang pa ang mga ito sa kanya pero kalaunan ay mabilis din silang nakapagpalagayan ng loob. Mababait naman pala ang mga ito at madali lang pakisamahan. Nagawa pa nilang makapagsimba ng umaga kasama ang kanilang anak, lubos siyang nagpapasalamat na sa kabila ng lahat ay naging maayos ang kanyang pamilya. Kaya pinangako niya na gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mag ama. Nang masulyapan niya ang Asawa habang karga nito ang kanilang anak ay labis labis ang kanyang pagpapasalamat na ito ang pinagkaloob sa kanya ng diyos. Magbalik man ang mapait niyang alaala sa nakaraan ay hindi na niya ulit pa gagawin ang kamalian noon. "Peace be with you", narinig niya pang wika ng Pari, agad naman napasulyap sa kanya ang Asawa at ngumiti "I love you", saad nito at mabilis na sinalubong ng halik ang labi niya, napangiti lang siya dito "I love you too, I love you baby Bella", aniya at hinagkan din ang bata na agad lumapit at nagpakarga sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa dahil sa piling ng kanyang mag-ama ay sobra na ang kaligayahan niya. Magkahawak kamay na lumabas sila ng simbahan na may ngiti sa labi. Sobrang gaan ng pakiramdam niya na tila ngayon lang nakalaya sa bigat ang kalooban niya. "Let's go Hon, magiging abala tayo this day", tumango lang siya sa Asawa habang pinagbuksan siya nito ng pinto. Nagsimula ang program pagdating nila at marami naring bisita ang mga dumating. Ito ang unang beses na makikilala niya ang mga katrabaho ng Asawa kahit pa tingin niya ay kilala na siya ng mga ito. Hindi lang mga katrabaho nito ang nakilala niya kundi ang ilan pang kabusiness partner nito. Napangiti siya habang nakatanaw sa loob ng kasiyahan kung saan maraming mga tao at puno ng galak sa paligid. Kasabay ng pagkirot ng kanyang dibdib ay ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi. Agad niya namang pinunasan iyon. "I've told you na wag na tayong magpunta, hindi mo rin naman malalapitan yung bata", narinig niya pang saad ni Mark "Sapat na saking matanaw sila dito sa malayo, Sophia did her best for my daughter,,", "Hindi parin bumabalik ang mga alaala niya kaya nagdidiwang ka ngayon", "Sort of, ibigay mo na ang gift ko kay Bella para makaalis na tayo", "Tsk, ang tigas talaga ng puso mo. Pero ito ang tatandaan mo Isabel, it's no turning back. Bumalik man o hindi ang alaala ng kakambal mo wala ka ng mababalikan na Asawa at anak", "I know and I'm ready for that. I knew it from the start Mark", malumanay niyang sagot dito habang ang mga mata ay naroon sa loob. Mula sa loob ng sasakyan at tanaw niya ang kanyang Anak habang bitbit ng kanyang kakambal. Sobrang saya ng mga ito kasama ng kanyang Asawa, may kirot man sa dibdib niya pero masaya siya na maligaya ang kanyang mag-ama sa piling ng kanyang kapatid. Sinundan niya lang ng tingin si Mark habang bitbit ang malaking box ng regalo para sa Anak. "Yeah, it's no turning back", mahinang bulong niya sa sarili. Wala naman siyang pinagsisihan sa ginawang desisyon, unti unti ng nagiging masaya ang buhay niya at ito ang pinili niyang tahakin sa simula pa lang. Alam niyang darating ang araw na magtatagpo ulit ang landas nila ng kakambal at saka niya lang dito ipapaunawa ang lahat. Nang makita niya na pabalik na sa kanilang sasakyan ang kasama ay madali niyang inayos ang sarili at isinuot ang sun glasses niya. "Let's go Mark, masaya nakong makita sila", narinig niya lang ang pagbuntong hininga nito bago inistart ang makina. Napangiti nalang siya dito, sa kabila ng lahat masaya parin siya at hindi siya nagagawang iwan ng lalaking ito na patuloy siyang sinasamahan sa lahat ng kabaliwan niya sa buhay. Mark is her boy best friend and simula noong bata pa siya ay minahal na niya ito. Sandali silang nagkahiwalay ng mag aral ito sa ibang bansa, nang bumalik naman ito ay nakatakda na siyang ikasal sa kasintahan na si Liam. Huli na ng magtapat ito ng pag ibig sa kanya dahil ikakasal na siya at nagbunga na ang pagmamahalan nila ni Liam. Minahal niya rin naman ang Asawa pero mas lamang ang pagmamahal niya kay Mark. Hindi niya akalain na magagawa niyang sirain ang binuong pamilya para sa sariling kagustuhan, naging makasarili siya. Upang makalimutan ang nararamdaman sa lalaki ay pinili niya ang barkada at bisyo pero ito lang ang nagtulak sa kanya para masira ang lahat pero patuloy niya paring minamahal ito. Hanggang sa nakapagdesisyon na siya, gusto niyang maging malaya sa Asawa. Naging matigas ang puso niya at nagawa niyang abandonahin ang kanyang anak, magsisi man siya ngayon ay huli na. Nagpapasalamat parin siya na naging blessing in disguise ang muling pagtatagpo nila ng kakambal. Alam niyang malaking kasalanan ang nagawa niya dito, ang ipalit sa buhay na kanyang tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD