Part 18

2480 Words
Dali dali na lumapit sa gawi niya ang babae, natitigan niya ang mukha nito pero hindi niya kilala. "Sophia ikaw ba yan???", namamasa ang mga mata nito ng makalapit sa kanya at agad hinawakan ang mga kamay niya,, nakangiti ito na tila maiiyak,, "Kilala mo si Sophia??", napamaang naman ito at marahang nabitawan ang mga kamay niya,, agad nagkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakatitig sa kanya,, "Isabel??", marahan siyang napatango dito, tuluyan ng bumagsak ang luha nito na agad nitong pinunasan saka nag iwas ng tingin. "Kilala mo ang kakambal ko si Sophia??? nasaan siya??", "So ikaw nga yan Isabel?? bakit ngayon ka lang nagpakita??", biglang asik nito sa kanya,, "Naaksidente ako nitong mga nakaraang buwan at nawala ang mga alaala ko, ngayon ko lang natuklasan ang tungkol sa kakambal kong si Sophia", hindi makapaniwalang napatitig naman ito sa kanya, "Nawala ang alaala mo??", marahan siyang tumango dito, "Hindi mo rin maalala kung sino ako??", muli siyang napatango dito, "Maxine Ramirez, ako ang best friend ni Sophia", "Max? nasaan na si Sophia? hinihintay niya ko, sa mga sulat ko matagal ko na siyang hinahanap", "Let's go, dadalhin kita sa kanya", napamaang naman siya sa sinabi nito, agad siyang napangiti "T-Talaga?? malapit lang ba siya?? hinahanap niya rin ba ko??", "Follow me", wika lang nito bago bumalik sa sasakyan nito, napalunok lang siya habang nakatingin dito. Mabilis siyang kumilos papunta sa sasakyan niya para makasunod dito. Magkasunod lang ang sasakyan nila at ilang minuto rin ang binaybay nila sa daan hanggang sa papunta sila sa isang Memorial Park. Umahon na ang kaba sa dibdib niya, hindi kaya nagkamali lang ito ng daan?? bakit sila nandito sa lugar na toh?? Sinundan niya nalang ito, may ideya ng nabubuo sa kanyang isip pero ayaw niya yung tanggapin. Hanggang sa makapag park sila pareho at sabay na nakababa ng sasakyan. "Anong ginagawa natin dito??", "Kay Sophia, hindi bat gusto mo makita si Sophia??", saad nito saka nauna sa kanya maglakad, halos mapako siya sa kinatatayuan, tila pinipiga ang puso niya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Kumilos narin siya para sundan ito, ayaw tanggapin ng kalooban niya ang pinapahiwatig nito hanggang sa marating nila ang isang puntod. Agad nagbagsakan ang mga luha niya ng mabasa ang pangalan ng kakambal sa lapida. "She died 7months ago, nagpakamatay siya matapos siyang lokohin at hindi siputin sa araw ng kasal nila", tila may punyal na sumaksak sa dibdib niya matapos marinig ang sinabi nito, nanginginig na napaluhod siya sa harapan ng lapida ng kapatid kasabay ng pag agos ng masagana niyang luha. Sobrang sakit ng dibdib niya sa napag-alaman, wala man lang siyang nagawa para dito,, "Hindi!!! Sophia!!,", humahagulhol niyang iyak, muling gumuho ang mundo niya habang nasa harapan ng puntod ng kanyang kakambal, "Wala akong nagawa para pigilan siya, pero nang araw na yun ay hinintay ka niya Isabel,, inasahan niyang magkikita kayo sa espesyal na araw niya", lalo siyang napaiyak sa sinabi nito,, halos mapapikit na siya sa kakaiyak parang pinupunit sa sakit ang dibdib niya. "Ilang araw bago namin natagpuan ang katawan niya at hindi na yun makilala. Nakita nalang ng mga pulis ang identification card niya at napatunayan na siya yun", napaluha narin ito matapos ang sinabi, pakiramdam niya ay naubusan siya ng lakas sa napag-alaman. Huli na ang lahat, dahil tuluyan ng nawala ang kapatid sa kanya. Ngayon alam na niya kung bakit niya rin tinangka na wakasan ang buhay, dahil nawala sa kanya ang kapatid. Walang patid ang pagluha niya sa harap ng puntod nito, hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi ng kamay nito sa balikat niya. "Sobrang sakit din sakin ng ginawa ni Sophia at hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko dahil napabayaan ko siya,, kung sana nabantayan ko siya,, hindi niya magagawang magpakamatay", muling nagbagsakan ang mga luha niya sa sinabi nito, nang araw na tinangka niyang magpakamatay at tumalon ng tulay iyak rin siya ng iyak ng mga oras na yun. Pero hindi niya parin maisip ang kabuuan ng nangyari,, "Kailangan nating maging matatag pareho Isabel, hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero masaya akong makita ka ulit", napaangat naman ang tingin niya dito at sa namumula nitong mga mata, tila pamilyar sa kanya ang mga titig na nito "Pakiramdam ko ngayon ay nakasama ko ulit si Sophia", hindi agad siya nakaimik dito, nagbagsakan lang ulit ang masagana niyang luha kasabay ng muling paninikip ng kanyang dibdib. Hindi niya parin matanggap ang nangyari sa kakambal,, mas malupit ang nangyari sa buhay nito para magawa nitong wakasan ang sariling buhay at wala man lang siyang nagawa para dito. "Magkita tayong muli Isabel, mauuna na ko sayo", "Maraming Salamat Max,,", napatitig naman ito sa kanya na tila pinag-aralan pang maigi ang kabuuan niya. Ayaw niya pang umalis sa harap ng puntod nito, hindi niya pa magawang iwan ang kapatid. "Okay kalang ba na maiwan mag isa dito?", muli lang siyang tumango dito, "Alright, here's my number. Anytime pwede mo kong tawagan kung kailangan mo ng makakausap", kinuha niya lang dito ang iniabot nitong calling card, isa pala itong Architect. "Thanks Max,", tumango lang ito sa kanya "Wag kang magpapadilim sa daan, wala masyadong street's light ang poste dito", "Yeah, hindi rin naman ako magtatagal dahil malayo pa ang uuwian ko. May anak ring naghihintay sakin", "You have a child?", tumango naman siya dito at malungkot na ngumiti,, "I named her Sophia Isabella,", "Wow,, mahilig sa bata si Sophia,, kung nandito lang siya tiyak na sobrang saya non malaman na may pamangkin siya", may galak na saad rin nito kaya napangiti siya,, "She's turning one next month Max, and I hope you'd come", "Alright, excited narin akong ma meet ang pamangkin ni Sophia. Namiss ko tuloy lalo ang bruha na yun", naiiyak na saad ulit nito, ramdam niya ang hinagpis ng kalooban nito kagaya ng nararamdaman niya. Pero masaya siya na makilala ang isa sa matalik na kaibigan ng kakambal. "We will see you again Max,, gusto kong maging malapit sa taong naging malapit sa kakambal ko", "Same here Isabel, matagal ko naring gustong makita ka. You have a same version and attitude like Sophia", napangiti lang siya dito, hindi niya maipagkakaila na kakambal niya talaga ito. "I have to go, one time bibisitahin kita kahit malayo", "Hihintayin ko yun, Itetext ko sayo ang address,", ngumiti lang ito sa kanya saka muling nagpaalam, sinundan niya lang ito ng tingin habang papalayo. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala at mabilis niyang makagaanan ng loob, pero hindi parin lingat sa kanya ang paghihinagpis sa napag-alaman. Papalubog na ang araw ng maisipan niyang magpaalam na sa puntod ng kakambal. Nangako siyang bibisita ulit dito, sobrang bilis niyang matagpuan ito pero hindi niya akalain na ganito ang madadatnan niya. Pagbalik niya sa loob ng sasakyan ay saka niya napansin ang pagtunog ng kanyang telepono, marami ng missed calls galing sa kanyang Asawa. Tiyak niyang nag-aalala na ito ngayon sa kanya, malayo pa ang byahe niya pauwi at natitiyak niyang gagabihin na siya. "Isabel where are you??", bungad nito na bakas ang labis na pag-aalala, "I'm sorry,," "Hon what happened?? nag-aalala na ko,, hindi mo naman kami iiwan ulit diba??", puno ng kaba sa tinig nito, lalo tuloy siya nakaramdam ng habag para dito. Nangako siyang hindi na gagawa ng anumang pagkakamali pero heto siya at pinag-aalala ang Asawa, "I'm on my way Hon, I'm sorry. I will explain later, pauwi na ko",, "God Isabel, you worried me akala ko-", "I love you okay??,", sandaling natigilan naman ito mula sa kabilang linya, umahon lang sa dibdib niya ang kirot ng maalala ang sinapit ng kakambal. "I love you too, drive safety,, hihintayin kita", "Okay", Mabilis niyang tinahak ang daan pauwi sa kanilang bahay, gabi na ng makarating siya. Agad naman nagbukas ng gate ang guard nila kaya nakapasok siya agad sa garahe, tanaw niya mula sa labas ang nag-aalalang mukha ng Asawa. Napahinga pa siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan, nagbabadya na narin sa pagbagsak ang mga luha niya. Walang salita ang namutawi sa bibig niya, pagkakita niya sa asawa ay mabilis siyang yumakap dito at humagulhol ng iyak. "Hey what happened?? Isabel??", nag-aalalang saad nito habang yakap yakap siya, dito niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Agad naman siyang inalalayn ng asawa para makapanhik sa loob ng silid nila. "I already found her Liam,, I found my sister, my twin sister", napamaang naman ito sa sinabi niya at bakas sa mukha ang pagkabigla,, "Did you're memories back??", umiling siya dito kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha,, "She's already dead Liam,, Sophia is dead,, matagal ko na siyang hinahanap, buong akala ko kanina ay matatagpuan ko na siya pero wala na,, wala na yung kapatid ko Liam!", muli naman siyang niyakap ng Asawa at napahinga ito ng malalim,, "I'm sorry to hear that Isabel, I didn't know about you're twin", "Nagsinungaling ako sayo, nang makita ko ang box na naglalaman ng mga sulat ko sa kanya nakuha ko ang address niya at pinuntahan ko kanina,, pero huli na ko wala na siya, matagal na siyang nawala", hinaplos naman nito ang likod niya at buhok upang mapakalma siya, nanatili lang siyang nakasubsob sa dibdib nito habang umiiyak. "Sshh,, I don't know how to ease you're pain,, but I'm really really sorry", mahinang saad nito,, ilang sandali pa bago siya kumalma, naalala niya ang anak nila na naiwan niya. "I'm sorry sa pagsisinungaling ko, I intend to left our daughter again,, hindi natuloy ang meet up namin ng organizer pero pinili ko parin ang umalis", "It's alright, but next time you have to tell me para matulungan kita. Pinag-alala mo ko, akala ko ay iiwan mo na naman ulit kami", "I won't do that again Liam, kayo nalang ang pamilya ko ngayon ni Bella. hindi ko kakayanin kung pati kayo ay mawawala sakin", napaluha niya uling wika dito, agad namang pinunasan nito ang luha niya, "And I won't let that happen,,", wika nito saka siya hinagkan ng halik sa noo,, sandaling napawi nito ang hinanakit ng kalooban niya. Naroon parin ang pagdadalamhati niya para sa yumaong kakambal at nagpapasalamat siya na nandito ang bisig ng Asawa para damayan siya. Ilang araw ang lumipas at nalalapit na ang kaarawan ng kanilang Anak, pinipilit niyang maging okay sa harap ng kanyang Asawa upang hindi ito mag-alala. Itinuon niyang muli ang oras at atensyon sa kanyang mag-ama, kahit na naroon parin ang kirot sa pagkawala ng kanyang kakambal. "Yes hello speaking?", "Isabel? this is Max, Sophia's best friend pwede bang pumasyal ngayon sainyo? medyo malapit kase ang address mo dito sa meeting area ko", nagalak naman siya sa narinig kaya napangiti siya, "Of course Max, I'll wait you here,, nandito lang naman ako sa bahay at nag-aalaga kay Bella", "I'm excited to meet your daughter, maybe in 10mins makakarating na ko", "Okay see yah,,", nakangiti niyang saad bago tuluyang binaba ang tawag nito. Na'excite siyang makita ulit at makakwentuhan ang kaibigan ng kakambal. Tiyak niyang makakasundo niya rin ito,, bago dumating ito ay nakapaghanda na siya ng cookies at juice na pwede nilang mameryenda habang nagkukwentuhan. Bitbit niya ang anak habang hinihintay ang pagbaba nito sa pulang sasakyan. "Isabel!", masayang salubong nito sa kanya, "Max!, glad you came", lalong lumapad naman ang pagkakangiti nito ng makita ang karga karga niyang bata "Is this Bella?? oh my god, same features niyong magkapatid, Hi Bella,, come to tita Max", magiliw na kinuha naman nito ang Anak niya at kinarga,, napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang mga ito, "I have something for you Bella,, you're so adorable alam mo bang parehas kaming mahilig sa bata ni Sophia?", napangiti naman siya dito, "Common Max, I prepared some cookies and juice habang nagkukwentuhan tayo", aya niya dito, napaspasyahan nilang pumuwesto sa may bermuda grass at doon maupo habang abala ang bata sa paglalakad lakad nito. "Time so past, parang kailan lang ng umuwi ako dito from hospital,, even my own daughter ay hindi ko maalala", "I'm sorry to hear that Isabel, I'm glad na okay kana ngayon sa pamilya mo",, "Yeah, sobrang hirap tanggapin ang mga pagkakamali na nagawa ko noon sa kanila. Pero alam kong may dahilan lahat ng yun na unti unti kong natutuklasan", "You have a same talent like Sophia sa pagbebake nitong cookies, ito ang laging prepared niya tuwing magkasama kami", napangiti naman siya dito, "Really??, wala ako masyadong alam sa kapatid ko lalo na ngayon na wala ang mga alaala ko. But I'm still hoping na isang araw ay bumalik lahat yon", "Walang ibang hinangad si Sophia noon kundi ang makita ka, saksi ako non kung pano niya ginusto na mahanap ka. Taon rin ang lumipas bago kayo nagkaroon ng komunikasyon gamit ang sulat, ang alam ko may usapan kayong magkikita at sa araw iyon ng mismong kasal niya", "Pero hindi ako nakarating?", "Yeah, wala rin namang kasalang naganap. Nandon ako ng araw na gumuho ang buhay at pagkatao niya dahil sa walang kwentang lalaki na yun, hindi ko akalain na magagawa niyang wakasan ang buhay niya", tila pinipiga sa sakit ang dibdib niya matapos muling marinig ang sinabi nito. "I don't know what really happen to me that day, but according to the accident I try to kill myself too", "What??", hindi makapaniwalang saad nito na nanlalaki ang mga mata, napangiti nalang siya dito "Maswerte parin na nabuhay ako Max, but I guess that day binalak kong sumunod kay Sophia", "Gosh! kawawa naman si Bella kung nangyari yun", "Hindi ko alam ang mga kasagutan kung bakit hanggat hindi bumabalik ang mga alaala ko. But I'm glad na nabuhay ulit ako para sa mag ama ko", "You still have a chance Isabel, wag mong biguin sa pagkakataong ito ang mag Ama mo", napangiti lang siya dito saka marahan na tumango, kahit papano ay naibsan nito ang bigat ng kalooban niya. "Until now I can't belive it na wala na ang bruhang yon, iwanan ba naman ako sa ere?? but I'm happy na nameet ko ang kakambal niya. It's the same feeling, pakiramdam ko nandito lang siya", "Pwede rin tayong maging magkaibigan Max, just like you and Sophia", "Yeah, I'd like that too Isabel,, lalo pa ngayon na nakilala ko si Bella. So friend's?", sabay lahad ng palad nito sa kanya na agad niyang iniabot saka ngumiti dito. "Masaya akong magkaroon ng bagong kaibigan,,", "Mas masaya ako Isabel, we'll hindi narin ako magtatagal. Papasyalan ko ulit kayo ni Bella,,", ngumiti naman siya at sinabayan itong tumayo, nilapitan nila si Bella at magkahawak kamay na tinungo ang garahe para maihatid ito. "Bye for now baby Bella, magkikita ulit tayo okay", wika pa nito saka hinagkan ang bata, napangiti lang siya at nagpaalam na dito. Sinundan niya lang ng tingin ang sasakyan nito habang papalabas ng kanilang gate. Mukhang marami pa silang mapagkakasunduan at mapag-uusapan ni Max at gusto niyang mameet ulit ito. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa kakambal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD