Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga files sa kanilang kwarto ng mahagip ng tingin niya ang isang brown envelope. Agad niyang binuksan iyon at tumambad sa kanya ang ilang baby records ng Anak. Mataman niya iyong tiningnan isa-isa, ngayon lang siya nagkaroon ng oras na siyasatin ang mga ito dito. Maging ang birth certificate nito ay nandito
"Sophia Isabella,,", mahinang banggit niya pa ulit sa tunay na pangalan ng Anak, tuwing naririnig niya ang first name nito ay tila nag iiba ang pakiramdam niya, bigo parin naman siyang makaalala kaya agad na niyang iniligpit ang ilang mga records. Habang tulog ang bata ay nagkaroon siya ng oras na maglinis at mag ayos ng ilang mga gamit nila sa silid. Ibabalik na niya sana ulit ito sa cabinet ng mapansin niya ang isang itim na box sa pinakasulok. Ngayon niya lang ata ito napansin dito? Matapos niya mailapag ang brown envelope ay ito naman ang napagtuunan niya ng pansin para tingnan.
Don't touch it, Isabel Property
Ito ang nakalagay sa takip ng box, sa kanya pala ito naisip niya kung ano kayang nakalagay sa loob nito at may ganitong paandar siya. Agad na niya iyong binuksan, tumambad sa kanya ang ilang larawan na nagpalaki sa mata niya at nagpakaba sa dibdib niya. Larawan nung bata pa siya, kaakbay ang isa pang batang babae na kamukhang kamukha niya. Mabilis ang t***k ng puso niya habang tinititigan ang larawan, sa likod nito ay may nakasulat na pangalan.
Super Twins "Sophia&Isabel",
Nasapo niya ang dibdib,, may kapatid siyang kakambal na nag-ngangalang Sophia,, ngayon alam na niya kung bakit Sophia Isabella ang binigay niyang pangalan sa Anak. Ilang cards ang nakita niya pa na may mga sulat, sulat niya iyon para sa kanyang kakambal.
"Wait for me Sophia,, magkikita rin tayo",
Love, Isabel
"I can't wait to see you soon at miss na miss na kita kakambal ko",
-Isabel
"Where are you now Sophie?? hindi na kita matagpuan. Nasaan kana ba???",
Karamihan niyang mga sulat para sa kapatid ay bumabalik din sa kanya, nanikip ang dibdib niya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi siya nag iisa dahil may kapatid siya na pilit na hinahanap, ngayong napag-alaman na niya ito ay nagpasya siyang ipagpatuloy ang paghahanap dito. Isang address ang nakita niya sa likod ng sulat at agad niyang sinave iyon. Hindi mapapakali ang kalooban niya kung hindi niya mahahanap ang kapatid. Marami pa siyang sulat na nabasa at napag-alaman niya na pitong taong gulang siya ng maghiwalay ang landas nila nito. Sa sulat niya dinadaan ang lahat ng sama ng loob na naranasan sa pamilyang umampon sa kanya. Natuklasan niyang noong una ay maganda ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawa pero kalaunan ay naging malupit ang mga ito sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na nalugi ang negosyo ng mag-asawa at siya ang ginawang pambayad ng mga ito sa naiwang mga utang. Unti unti niyang nauunawaan kung bakit naging ganoon siya, hindi biro ang dinanas niya sa nakaraan. Hindi kompleto ang mga nabasa niya sa sulat tanging ang mga nawawala niyang alaala lamang ang makakabuo sa lahat ng katanungan niya kung ano pa ang mga nangyari. Tingin niya ay walang alam ang kanyang Asawa tungkol sa kanyang kakambal, ang hindi niya maintindihan ay bakit niya nagawang itago ito sa Asawa.
Narinig niya ang ugong ng sasakyan nito mula sa labas kaya dali dali niyang ibinalik ang lahat ng sulat sa box. Naisipan niyang itago ito sa ilalim ng kama, nagtatalo pa ang isip niya ngayon kung dapat niya bang ipaalam sa Asawa ang natuklasan o pansamantala na ilihim muna dito. Nagitla pa siya ng biglang bumukas ang silid nila.
"Isabel??",
Napahinga siya ng malalim matapos marinig ang tinig ng Asawa, nagkunwari siya na may inaayos sa kanilang drawer at nakangiti na humarap dito.
"Uhm, Hon nandyan kana pala. I'm sorry hindi na kita nasalubong nag aayos kase ko ng ilang gamit", nakangiti naman na lumapit ito sa gawi niya, bakas pa ang ilang alikabok sa damit niya, napaaga ata ang uwi nito dahil alas kwatro palang ng hapon. Mahimbing parin ang tulog ng kanilang anak sa kuna.
"I'll told you na wag ka masyadong magpapagod, nariyan naman sila Manang para maglinis",
"Wala naman akong ginagawa kanina at nabored ako kaya ako ng gumawa nito, sandali magbibihis lang ako at hahandaan kita ng coffee", aniya at madaling nagtungo sa closet para kumuha ng damit, agad rin siyang dumiretso sa banyo para makapagpalit.
Hindi parin mawala sa isip niya ang natuklasan at inuusig siya ng kalooban na mahanap ang kanyang kapatid. Napaimpit pa siya ng matapunan ng mainit na tubig ang kamay niya, nagtatakang napatingin naman sa kanya ang Asawa.
"Are you okay??", napatango naman siya dito at agad pinunasan ang napasong kamay,, agad na niyang hinalo ang kape sa tasa nito at inilagay sa harapan ng Asawa, nagtungo siyang lababo para banlawan ng malamig na tubig ang namumula niyang kamay. Napatayo naman ito at lumapit sa kanya, napatingin siya dito ng kunin nito ang kamay niya at lagyan ng toothpaste.
"I don't think you're okay, what's wrong Hon? tell me", saad nito, sandali naman siyang natigilan at nakatingin lang sa namumulang kamay niya na hawak hawak nito,
"Nothing Hon, iniisip ko lang ang mga preparations sa incoming birthday ni Bella. May imemeet akong plan organizer tomorrow can I use again the car?",
"Are you sure? pwede kitang samahan bukas",
"Kaya ko na Hon, ayokong lagi kang nag iiskip sa office para lang masamahan ako",
"Okay, maaga kabang aalis?",
"After lunch para tapos ko ng maasikaso si Bella, iiwan ko siya sandali kay Manang", napatango naman ito sa kanya pero bakas sa mukha nito ang kakaibang pag aalala, nginitian niya lang ito at hinaplos ang pisngi nito bago nagpaalam para balikan sa silid ang kanilang anak.
Nahahabag siya sa ginagawang pagsisinungaling ngayon sa Asawa, pero hindi mapapanatag ang kalooban niya kung hindi niya mapupuntahan ang address na nasa sulat. Kung noon niya pa sana nakita ang box na yon sana mas maaga niyang nagawa, sabik na siyang makita ang kakambal niya. Naghihintay parin kaya ito ngayon sa kanya??? hinahanap rin ba siya nito ngayon??? Sobrang dami ng katanungan na gumugulo sa isip niya, tulog pa ang anak nila pero mataman lang siyang nakatitig dito.
Kanina pa siya nakatayo sa silid nila pero hindi agad napansin ng Asawa ang pagdating niya. Kanina pa umahon sa dibdib niya ang kaba dahil sa kakaibang kinikilos nito. Tila malalim ang iniisip nito ngayon na siyang nagpapabahala sa kanya. Natatakot siyang may iniisip itong gawin na hindi pinapaalam sa kanya. Hindi naman siguro nito iniisip na umalis ulit at iwan sila diba??, nakamasid siya ngayon dito at patuloy itong tinitingnan, mukhang malalim ang iniisip nito at hindi niya alam kung ano.
Nagitla pa siya sa biglang pagsulpot ng Asawa na agad yumapos mula sa likuran niya.
"Kung may nagpapagulo sa isip mo, just tell me Hon, I'm here handa akong makinig", napakapit naman siya sa braso nito at napahinga ng malalim, pero hindi magawang magsalita ng bibig niya.
"Uhm may mga bagay lang akong gusto pang malaman sa nakaraan,, except from the family na kinalakihan ko",
"What it is??"
"I'll tell you pag nalaman ko na ang sagot Hon,, just trust me huh?", aniya saka humarap dito at pilit na ngumiti, napatitig lang ito sa kanya saka marahan na ngumiti. Nang magising ang anak niya ay agad itong bumangon sa pagkakahiga, nakangiti ang bungad nito sa kanila kaya sabik na kinarga niya ito.
"Daddy's here Bella,, come", hinagkan niya muna ito bago iniabot sa Asawa, alam niyang nagugutom ito pagkagising kaya agad na siyang nagtimpla ng gatas nito.
Kinabukasan ay maaga siyang nag-asikaso ng pagkain na babaunin ng Asawa maging almusal nito at ng anak nila. Excited na siyang mapuntahan ang address na nakuha sa sulat, balak niyang puntahan ito pagkatapos ng meet up nila ng kausap niyang Organizer. Nakapagpaalam naman na siya sa Asawa, maliban sa pupuntahan niyang address.
"Called me pag aalis kana okay??", tumango naman siya dito,
"Don't worry, mag uupdate ako sayo Hon para hindi ka mag-alala okay??", ngumiti naman ito saka tumango, hinagkan sila nito parehas bago sumakay ng sasakyan. Nang makaalis ito ay ginawa na niya ang iba pang gawain, ibinilin niya narin kay Manang at Nene ang bata. Sisiguraduhin niya namang hindi siya magtatagal.
Mahaba pa naman ang oras niya base sa naging usapan nila ng organizer kaya nasabayan niya pang maligo sa bath tab si Bella, gustong gusto nito ang magbabad sa paliligo. Isang oras din ang tinagal nila bago niya naisipan na awatin na ito, inuna niyang bihisan ito bago pinaalaga kay Nene. Madali narin siyang nag-asikaso ng sarili. Nagsuot lang siya ng simpleng blouse at jeans kasama ng sling bag niya. Nag-ayos rin siya sandali ng mukha para hindi siya magmukhang putla.
"Bye for now Bella, babalik din agad ang Mommy okay?", aniya at hinagkan sa Noo ang Anak,himikbi pa ito at humabol sa kanya kaya tila nahirapan tuloy siyabg umalis at iwan ito.
"Nene update me okay?", bilin niya pa dito kaya tumango lang ito. Narinig niya pa ang malakas na pag iyak ni Bella ng makalabas siya ng silid pero nagawa niyang tiisin iyon at humakbang na pababa ng hagdan. Kinukurot ang dibdib niya pero hindi siya mapapalagay kung hindi gagawin ang nasa isip.
"Manang alis na hoh ako",
"Mag iingat po kayo Mam Isabel, bumalik po kayo agad", ngumiti lang siya saka tumango dito, babalik naman agad siya may kailangan lang siyang puntahan para sa ikatatahimik ng kalooban niya. Pero alam niyang hindi matatahimik ang kalooban niya hanggat hindi nakikita ang kakambal. Nag send na siya ng message sa Asawa na aalis na siya, nakasakay na siya sa driver seat ng makatanggap naman ng message galing sa ka meet up niyang organizer. Nagka emergency raw ito kaya ni reschedule ang meet up nila, sandali pa siyang natigilan habang binabasa ang message nito. Pinasya niya nalang na tumuloy papunta sa Address na nakuha niya sa sulat.
Isang oras din ang binaybay niya bago natagpuan ang nasabing Address. Dito siya itinuro ng taong huling napagtanungan niya, isang abandonadong bahay na may gray na gate, nagtataasan narin ang mga damo sa paligid nito. Napahinga siya ng malalim at sandaling bumaba ng sasakyan niya. Lumakad pa siya palapit ng gate kung saan nakasulat ang numero ng bahay, ito nga ang address na yun pero parang wala ng nakatira dito. Naghanap siya ng pwedeng matanungan hanggang sa may dumaan na isang Ginang.
"Excuse me po, pwede po ba magtanong??", napatingin naman ito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa,,
"Ano yun??"
"Nasan napo ang taong nakatira dito? matagal ko na po kase siyang hinahanap,, Sophia Garcia ang pangalan", aniya sabay turo dun sa bahay, napatingin naman ito sa tinuro niya bago bumaling ng tingin sa kanya
"Matagal ng walang nakatira dyan, patay narin yung mag-asawa na nagmamay ari ng bahay na yan",
"Y-Yung anak po nila?? si Sophia?? nasan na po siya?",
"Wala akong balita sa batang yun, ng mamatay ang mga magulang niya bigla narin nawala yun at hindi na umuwi pa dyan", tuluyan siyang nawalan ng pag-asa matapos marinig ang sinabi nito,, paano na niya ngayon mahahanap ang kakambal
"G-Ganon po ba, may iba po bang kakilala dito si Sophia? matalik na kaibigan o kaanak ng magulang niya?",
"Yung mga Ramirez yun ang alam kong ka close ng pamilya niya, sa kabilang kanto ang bahay nila 085 number ng gate",
"T-Talaga po?? Maraming Salamat po", nakangiti niyang saad dito, muli siyang nabuhayan ng loob at hindi mapigilan ang galak na naramdaman. Matapos makapagpasalamat dito ay agad na siyang sumakay sa loob ng sasakyan, mabilis niyang binaybay ang tinuro nitong kanto di kalayuan sa kinaroroonan niya. Mabagal ang ginawa niyang pagpapatakbo habang iniisa isa ang number ng bahay. Hanggang sa tumigil siya sa malaking gate, muli umahon ang kaba sa dibdib niya. Ito na ang bahay na yun, ang sinasabi ng Ginang na kakilala ng kakambal niya. Agad siyang bumaba ng sasakyan, sandali niya pang pinagmasdan ang kalakihan ng bahay. Hiling niya ay sana may makuha na siyang link kung nasaan na ang kakambal niya. Oras na malaman niya ang kung nasan na ito hindi na niya ililihim pa ito sa Asawa, hindi man bumalik ang mga alaala niya ay masaya siya na may makilalang kapatid.
Isang pulang sasakyan ang tumigil mula sa harapan ng malaking bahay, doon nadako ang tingin niya. Isang mistisang babae na may mahaba at kulot na buhok ang bumaba at agad nagbaba ng shade matapos siyang makita. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito ng makita siya.
"S-Sophia???",