Part 16

2286 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, sa kabila ng lahat ay naging maayos naman ang naging samahan nila ng kanyang Asawa. Walang araw na hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya, tila sila bumalik sa unang bahagi ng kanilang relasyon. Tuwing uuwi ito galing trabaho ay lagi itong may dalang bulaklak at chocalates sa kanya, halos mapuno na tuloy ng pulang rosas ang vase niya. Kaya naman tuwing hapon ay sabik siyang sinasalubong ito, ginagawa niya naman ang lahat para maging maligaya din ito sa piling niya. Naalimpungatan pa siya ng makarinig ng ingay mula sa labas ng bintana, nagitla pa siya ng biglang may bumato dito. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas otso na, umahon na naman ang kaba sa dibdib niya ng hanggang ngayon ay wala parin ang Asawa. Muli siyang napatingin sa labas ng bintana ng may narinig na bumato na naman dito, dalawa lang sila ni Bella sa silid at mahimbing na itong natutulog. Marahan naman na lumapit siya dito saka sumilip, imposibleng may loko loko na nakapasok sa loob ng bahay nila. Bigla naman nakarinig siya ng tunog ng gitara kaya agad niyang binuksan ito. Overnight scenes, dinner and wine Saturdays girls,, Napamaang pa siya ng makita sa baba ang Asawa habang may bitbit na gitara at matamang kumakanta, nakangiti pa ito ngayon sa kanya. Hindi niya akalain na may maganda itong tinig I was never in love, never had the time In my hustle and hurry world Hindi niya mapigilang hindi magalak at matawa sa ginagawang panghaharana nito, kaya mataman niya lang itong pinagmasdan, hindi niya mapigilang hindi kiligin sa ginagawa nito Laughing my self to sleep Waking up lonely I needed someone to hold me, oh,, Girl, you're every woman in the world to me You're my fantasy, you're my reality Girl, you're every woman in the world to me You're everything I need, you're everything to me Oh girl Muli pa siyang natawa dito matapos nitong makapangharana sa kanya,, "Are you done??", "May second stanza pa yan Hon, wait lang", payak pa siyang natawa ulit dito, "Hon gabi na, baka batuhin kana ng kapitbahay,, ano bang naisipan mo at nanghaharana ka pa", "Nanliligaw, hindi mo pa kase ko sinasagot eh", "Uhm, I'll think about it", nagulat pa siya ng may ilagay itong hagdan mula sa bintana nila, "Common Hon, I have a surprised for you", wika pa nito saka umakyat ng hagdan kaya nanlalaki ang mata na napatingin siya dito, "Don't tell me papababain mo ko dyan??" "Yeah,, let's conquer the world together", nakangiti pang wika nito hanggang sa maakyat nito ang bintana nila, "Ayoko baka malaglag ako dyan!", "Sasaluhin kita don't worry, hindi ko hahayaan na masaktan ka", "Kalokohan mo Liam ah!, baka magising ang Anak natin", "Common," nakangiti pang saad nito saka iniabot ang kamay sa kanya, may takot man ay sumunod siya sa gustong mangyari nito, inalalayan siya nito na makababa ng hagdan,, "Masisilipan mo ko!", "I've already seen that", akmang hahampasin niya ito ng matawa lang ito, kabado pa siya habang binababa ang isang paa sa apakan ng hagdan, nakaagapay naman ito sa braso niya. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan na silang makababa, hindi niya akalain na magagawa niya ang bumaba ng hagdan mula sa ikalawang palapag. "That was exciting right?", nakangisi pang wika nito sa kanya matapos maitabi ang hagdan, naroon parin ang kaba niya kaya marahan na kinurot niya ito sa tagiliran, "Muntik tumalon ang puso ko sa ginagawa mo, okay na sana yung panghaharana eh kaso ginawa mo naman akong akyat bahay gang", natawa naman ito sa sinabi niya saka siya marahan na niyakap, "That was fun, at ako naman ang kasama mo maging akyat bahay gang", akmang kukurutin niya ulit ito ng agad na itong umilag habang tumatawa,, "Come, I'll show you something,," inaya naman nito ang isang kamay niya at nagtungo sila sa likod ng bahay, nagtatakang napatingin siya dito ng makita ang maliit na gate na agad binuksan nito, agad niya naman itong pinigilan, "Hon anong ginagawa mo? private property yan ng kapitbahay", "Hon it's our private property, come I'll show you,, I'm sure magugustuhan mo", "Baka magising si Bella?" "Nene is there, binilin ko na sa kanya ang baby natin", napanatag naman siya matapos marinig ang sinabi nito. Hindi niya akalain na sa kanila parin pala ang kabilang lote na may matataas na puno ng bamboo, buong akala niya ay iba parin ang may ari nito. Napasunod nalang siya dito habang hila hila nito ang isang kamay niya, bumungad sa kanya ang isang malawak na swimming pool, sa paligid nito ay may mga candle lights at puno ng pulang rosas ang tubig . Palapit sila sa table kung saan may naka prepared na wine at pagkain, may bulaklak at candle lights din. Nagtatakang napatingin naman siya dito, "Hon anong meron?", namamanghang saad niya habang nililibot ang tingin sa paligid, "It's our Anniversary hon", mahinang wika nito habang nakatitig sa kanya, natigilan naman siya at napatitig din sa mga mata nito. Nanlulumo na natakpan niya ang bibig, hindi niya alam na ito ang araw at petsa ng Anniversary nila. "I'm sorry Hon,, hindi ko alam", nahihiyang saad niya dito, pero ngumiti lang ito saka may kinuha sa loob ng bulsa nito, isang pulang box na agad nitong binuksan at bumungad sa kanya ang isang diamond ring. "It's alright Hon, from now on don't you ever forget this night. Tandaan mong mahal na mahal kita at sayo ko lang iaalay ang buong buhay ko", wika pa nito habang isinusuot sa daliri niya ang isang singsing, naluluha na napatitig naman siya dito,, yung itchura niya ay nakapantulog pa maging ang suot niyang tsinelas, wala siyang ideya na ito ang araw ng Anniversary nila. Agad siyang yumakap ng mahigpit sa Asawa,, "Thank you, you're always forgiving me", napangiti naman ito at agad siyang hinagkan sa labi, "Remember when we are a child, lagi kitang nadadatnan sa playground ng bahay ampunan. Kinukulit kita lagi tanungin kung anong pangalan mo pero sinisimangutan mo lang ako", natatawa pang saad nito kaya napamaang siya "Really I did that to you?", "Yeah until one day sinabi mo rin sakin ang pangalan mo, siguro nakulitan kana rin non sakin",, "That was amazing,, akalain mong ikaw rin pala ang magiging future ko", nakangiting saad niya dito, marahan naman itong napatango sa kanya "Unexpectedly happen na ibalik ka sakin ng tadhana,," nakatitig na wika nito sa kanya, napangiti lang siya dito saka pinisil ang pisngi nito,, "Let's enjoy this night together,, kahit na nakapantulog itong outfit ko", "That's fine, kahit ano pang maging suot mo maganda ka sa paningin ko", "Sobra na yang pambobola mo Liam ah, nang uuto kana", napatawa naman ito sa sinabi niya, "I'm not,, common Let's eat,,", inaya naman siya nito sa lamesa at magana silang kumain. Hindi pa siya kanina kumakain dahil gusto niya ay lagi silang sabay kumain nito. Pakiramdam niya ay perpekto na ang lahat sakanila ng Asawa, bahagi nalang ng nakaraan niya ang kulang para maalala niya pa ng husto ang pinagsamahan nila. Tiyak niyang marami pa sila nitong alaala na magkasama na gusto niyang maalala, kahit pa sabihin nito na hindi na mahalaga ang nakaraan ay gusto niya paring makuha ang alaala na yun kahit pa hindi iyon maganda. Dahil alam niyang ito ang bubuo at kukumpleto sa pagkatao niya. Ilang buwan nalang at mag iisang taon na ang anak nila, nagsisimula narin itong maglakad kaya madalas silang nakatambay nito sa labas. Mabuti nalang at bermuda grass ang paligid kaya doon niya nagagabayan sa paglalakad ang bata, habang lumalaki ito ay nagiging kamukha niya maging ang pagngiti nito at pagbungisngis. Minsan hindi niya tuloy mapigilang hindi maisip kung paano nagawa ng kanyang mga magulang na iwan siya noon sa bahay ampunan, hindi man lang ba nakonsensya ito sa naging desisyon nito na abandonahin siya. Agad siyang napatakbo palapit kay Bella ng bigla itong madapa, "Bella, are you alright??", sa halip na umiyak ay bumungisngis lang ang anak niya at muling humakbang lang palakad, natutuwang pinagmasdan niya lang ito at sinundan ng lakad. Malikot narin ito at hindi na mapigilan, sa susunod na buwan mamamalayan niya nalang na tumatakbo na ito,, napangiti pa siya ng makita ang sasakyan ng asawa habang papasok sa kanilang gate.. "Come Bella, nandyan na ang Daddy", agad niya kinuha ang isang kamay ng bata at inalalayan na makalakad papunta sa garahe. Malapad ang ngiti ng kanyang Asawa ng makalabas ito ng sasakyan, bumaba pa ito para salubungin ang paglakad ng bata. Nakangiti na pinagmasdan niya ang dalawa, pakiramdam niya ay nasa ulap siya sa ganda ng nakikita,, mabagal ang lakad ni Bella pero nagawa nitong makalapit papunta sa naghihintay na Ama, agad itong yumakap sa leeg ng Daddy nito. "You're learning so fast anak, sa susunod niyan tatakbuhan mo na kami ng Mommy", wika nito ng makatayo, nangingiti na lumapit naman siya dito at inayos ang sapatos ng bata,, "How's you're day Hon?, napagod kaba mag bantay kay Bella?", "I'm not, hindi ako nakakaramdam ng pagod pagdating sa anak natin,so how's you're day in office?", "Uhm, same as usual, I've prepared a out of town trip for us", napamaang naman siya dito habang papasok sila sa loob ng bahay,, "Really?", "Yeah, I think after na ng first birthday ni Bella,, I want to give you a unforgettable break of being a full time mom and housewife", wika pa nito saka siya hinagkan sa pisngi, natawa lang siya dito,, "Is that a reward?", "Probably," muli lang siyang natawa dito,, matagal tagal narin na hindi siya nakakapagbakasyon at namiss na ng presensya niya ang simoy ng dagat. Magiging abala pa sila pareho para sa nalalapit na kaarawan ng kanilang anak, gusto niyang maging maganda ang magiging set up ng party nito dahil noong bata pa siya isa iyon sa pangarap niya. Ang maranasan ang isang enggrandeng birthday party kung saan naroon ang lahat ng kaibigan at mga kamag-anak, bigla siya nalungkot na maging mga kaibigan ay hindi niya maalala ngayon, at wala rin siyang kilala ni isang kaanak. Ayaw niyang maranasan iyon ni Bella, gusto niyang maging masaya ang magisnan nitong buhay hindi kagaya ng namulatan niya. Tanging kaanak lang ng Asawa ang meron siya ngayon at kung gaano nito pinahalagahan ang mga kapamilya ay ganon din sa kanya, iisa na sila nito kaya kahit mahirap man sa sitwasyon niya at ng mga ito ang magulo nilang ugnayan kailangan niyang magpakumbaba. Handa naman siyang ibaba ang sarili makuha lang ang kapatawaran ng mga ito. "Bella is turning one, kailan niyo balak sundan ang apo ko", agad napaangat ang tingin niya sa Ama ni Liam, bumisita ito sa kanila kasama ang Mama nito at doon naghapunan. Hindi pa tuluyang maayos ang ugnayan sa kanila ng Mama nito pero gagawin niya ang lahat para makuha ang loob nito, "I don't think na makakaya ni Isabel ang mag-anak ulit, kay Bella pa nga lang noon ay napapabayaan na niya"-Mama nito "We're planning that soon Pa, ayoko ring mahirapan si Isabel lalo na't medyo makulit na ngayon si Bella", sagot naman ng Asawa niya, "Mahirap talaga yan sa simula, and nakikita ko naman na nakakapag adjust na kayong mag-asawa. I'm so glad that you changed a lot hija", wika naman ng papa nito kaya marahan siyang napatango dito, napansin niya naman ang pag irap pa ng Mama nito na tila hindi parin sang ayon at walang tiwala sa kanya,, "Hindi mo pa ko nacoconvince sa ginagawa mong yan Isabel, I don't think na agad agad naputol ang sungay at buntot mo", "Mama?", "What? I'm just telling the truth here,, what's wrong with that??", "Enough Sandra wag kang bastos sa harap ng pagkain, remember na wala ka sa pamamahay mo", may galit sa tono ng boses ng Ama nito kaya napalunok nalang siya, naramdaman niya nalang ang pagpisil ng Asawa sa kamay niya. "Whatever, let's just finished this food. Nawalan na ko ng gana kumain, magkita nalang ulit tayo sa birthday ng Apo ko", "Hindi ko pinipilit na mapatawad niyo agad si Isabel Mama, but please be nice to her she's trying her best to be good to you", wika ng asawa niya dito, napakunot noo naman ito at tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang Asawa. "Fine, Let's go Louis,, I can't stay here longer at baka lalo pang mapasama ang pag uusap namin ng Anak mo", saad nito saka mabilis na tumayo, napailing nalang dito ang Ama ng Asawa at nagpaalam narin sa kanila. Magkasamang hinatid nalang nila ito sa may garahe. "Thank you sa dinner mga anak, I enjoy the food. Gumagaling ka ng magluto Isabel", wika pa ng Ama nito habang nasa labas na sila, napangiti naman siya dito kahit papano ay gumaan ang kalooban niya. "Anytime ay pwede ko po ulit kayo pag lutuan Papa, Salamat po", ngumiti lang din ito saka tumango "We'll go ahead, mainit na naman ang ulo ng Mama niyo pagpasensyahan niyo na lalo kana Isabel", "Wala pong problema Papa", "Ingat kayo Pa", tumango lang ito at sumakay na sa loob ng sasakyan, sinundan nalang nila ito ng tingin hanggang sa makalabas ng gate. "Pagpasensyahan mo na ang Mama, soon magiging okay rin ang lahat sa pagitan niyo", "Oo naman, ngayon pa ba ko susuko na tinanggap na ko ng Papa mo", napangiti naman lalo ang Asawa sa kanya at agad siyang hinagkan sa noo, "Magiging maayos rin ang lahat, not now but soon", wika pa nito saka siya marahan na niyakap, gumagaan talaga ang pakiramdam niya tuwing nararamdaman ang yakap nito. Naniniwala siya dito na darating din ang araw na magiging maayos na ang lahat sa pagitan niya at ng Mama nito. At hindi rin siya susuko, papatunayan niya dito na nagbago na siya para sa kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD