Halos mapatalon siya sa tuwa matapos makita ang kinalabasan ng designed na pinaghirapan niya ng ilang taon at ngayon ay nakatayo na sa harapan niya. Sobrang saya niya at sinalubong ng yakap ang lalaki, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito dahil malabo.
Nagising siya na naninikip ang dibdib, nakatulog pala siya habang ang bata ay gising na sa kuna nito, napanaginipan niya ang bahay na naguhit kanina at ang lalaki sa panaginip niya,, muli bumilis ang t***k ng puso niya na parang may milyong milyong krayom na tumutusok,, agad siyang tumayo para uminom ng tubig ng maibsan ang paninikip ng dibdib niya. Bigla siyang inatake ng kakaibang lungkot matapos maalala ang panaginip na yun, bakit pakiramdam niya ay parang totoo pero hindi niya kilala at maaninag ang mukha ng lalaki at nasisiguro niyang hindi ito ang Asawa. Kinarga niya nalang ang bata saka niyakap, nangangati na ang gilagid nito dahil nagngingipin kaya napatawa siya ng panggigilan nito ang pisngi niya. Kahit papano ay napapawi nito ang alalahanin sa dibdib niya,
Maaga siyang umuwi galing trabaho, excited siya habang bitbit ang paboritong pagkain ng Asawa, tiyak niyang magugustuhan nito ang dessert na dala niya. Nagtataka pa siya ng makailang busina siya pero wala parin ito sa labas ng garahe, kadalasan kase ay naroon na ito kasama ng kanilang anak at nakangiti na sasalubong sa kanya. Pagbaba niya palang ng sasakyan ay may narinig na siyang tumutugtog ng piano, sandali pa siyang natigilan at muling pinakinggan ang magandang kanta na tinutugtog nito, galing ito sa loob ng kanilang bahay. Agad na siyang kumilos papasok sa loob papunta sa kanilang sala. Natigilan siya ng makita ang Asawa na nakaupo sa harap ng piano habang bitbit nito sa kabilang braso ang kanilang anak. Ang isang kamay nito ay abala sa pagtugtog ng piano.
Nang mapansin niya ang lumang piano sa loob ng stock room ay nagpatulong siya kay Manang Tess na malinisan ito at mailagay sa sala nila, ilang ala-ala ang bumalik sa isip niya habang nilalapat niya ang mga daliri sa pyesa ng piano, isang kanta ang natandaan niya na matamang tinuturo sa kanya noon ng isang madre,, nawala man ang kanyang mga alaala sa nakaraan pero unti unti niyang natuklasan ang kakayahan ng pagkatao niya na nanatili parin sa kayang katauhan. Napangiti pa siya nang matapos niyang tugtugin ang kantang "First Love", saka nabaling ang tingin niya sa nakamasid sa kanya na asawa, napangiti pa ito sa kanya.
"I Did'nt know you knew that, you're amazing Hon", wika nito ng makalapit sa kanya at hinagkan siya sa noo,
"I'm sorry Hon, nakialam ako sa Stock Room,, gumagana pa kase itong lumang piano kaya naisipan kong ilagay dito",
"It's fine, no problem and that is yours "
"Guess what, I remembered something", malapad ang pagkakangiting wika niya dito,
"Really?, what it is??",
"Lumaki ako sa bahay ampunan right??, isang madre ang nagturo sakin tumugtog ng piano, ,I really love this song nung bata pa ko, it reminds me for my parent's who left me sa bahay ampunan", napatango naman ito saka ngumiti sa kanya,,
"Pero hanggang don lang,, blangko parin ang ilan. Pero natutuwa ako na hindi parin nakakalimutan ng mga kamay ko ang tumugtog ng piano,, "
"Babalik din ang alaala mo Hon, hindi mo kailangan pilitin. Atleast now may mga bumabalik na paunti unti", lalo siyang napangiti sa Asawa maging sa anak nila na pilit inaabot ang keyboard ng piano,,,
"Soon I'll teach you Bella,, you will also love playing this piano", wika niya sa anak habang nilalapat lapat nito ang mga kamay sa piano, natawa nalang siya dito na tila nagugustuhan ng bata ang ginagawa
"She seemed to like it too,"
"Ofcourse, like mother like daughter", namamangha at natatawang saad niya saka hinagkan ang pisngi ng anak, kakaibang saya ang nararamdaman niya na may paunti unting alaala ang bumabalik sa kanya. Mas lalo siyang hindi nawalan ng pag-asa na makaalala ulit
"Let's eat, I have something for you", napatingin naman siya sa bitbit na paperbag ng asawa, nasabik siya ng makita ang favorite cup cakes niya,,
"Thank's Hon", aniya at mabilis na hinagkan sa pisngi ang asawa, gagawa siya ng kape dahil ito ang masarap ipartner sa matamis na cup cake, sandali namang kinuha nito ang anak nila para maihanda niya ang meryenda nila.
Nakangiti na sinundan niya lang ng tingin ang asawa, kahit pa sa loob loob niya ay puno ng pagtataka sa kakaibang pinapakita nito. Sandali siyang napasulyap sa piano na binili niya ilang taon ng nakakalipas, regalo niya ito noon dito dahil nung makilala niya ito sa bahay ampunan ay mahilig itong tumugtog ng piano. Pero nagulat siya ng ayawan ito ng Asawa at pinalagay sa stock room, hindi raw ito mahilig sa piano at hindi marunong tumugtog, upang hindi na nila pag-awayan ay hinayaan na niya. Pero ngayon palaisipan na naman sa kanya ang lahat, bakit bumabalik ang katangian nito ng una niya itong nakilala ng mga bata palang sila?
"Hon let's go, mas masarap kung sa garden tayo kakain", nakangiti pang saad nito habang bitbit ang tray ng kape, ngumiti nalang siya saka tumungo at sumunod dito. Bigla naman tumunog ang cellphone niya,, sandaling kinuha niya ito tiningnan ang tumatawag,, sinilip niya pa ang asawa bago sinagot ang tawag
"Yes detective?,, alright,, please discuss it tommorrow.. Thank you", aniya bago pinutol ang tawag dito, agad umahon ang kaba sa dibdib niya. Labag sa kalooban niya ang gagawing pag iimbistiga sa Asawa pero gusto niyang balikan at alamin ang tunay na nangyari dito, maging ang mga nakaraan na ginawa nito. Hindi mapalagay ang kalooban niya hangga't hindi nalalaman ang katotohanan sa pagiging kakaiba nito.
"Hon what if let's take a vacation? out of country or out of town?", saad ng Asawa niya habang nakahiga na sila sa kama, napasulyap naman siya dito
"That's a good idea Hon, but inaalala ko pa si Bella,, nagiging sakitin siya lately dahil sa pag ngingipin niya",
"Thank you for taking good care of our bella",
"Ofcourse, she's eight months now and soon turning one year old na ang baby natin,, excited na ko", nangingiting saad niya kaya napangiti rin ang asawa sa kanya,
"And soon were getting a baby boy naman", wika pa nito sabay yakap sa kanya, natawa lang siya dito,, ayun na naman ang tila mga paru paro sa tiyan niya,,
"I will not do what my parents did to me before, ang iwan ako sa bahay ampunan. It really change my life,, at ayokong maranasan yun ni Bella. I regret what I did before,, hindi ko alam kung paano at bakit ko yun nagawa",
"I know you do everything para makabawi Hon, and I'm happy for that," wika pa nito at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito, isiniksik niya lang ang ulo sa leeg nito saka ipinikit ang mga mata.
Gabi na ng maalimpungatan siya ng gising, pagtingin niya sa orasan ay pasado alas onse na ng gabi, agad umahon ang kaba sa dibdib niya ng makita na wala parin ang Asawa, mahimbing ng natutulog ang kanilang anak pero hanggang ngayon ay wala parin siyang natatanggap na tawag o message galing dito. Hindi rin sinasagot nito ang tawag niya kaya labis na siyang nag alala, hindi naman ito umuuwi ng ganitong oras, o kung male late man ay nagsasabi sa kanya. Nagitla pa siya ng makarinig ng ugong ng sasakyan, nagising pa ang anak niya kaya ito muna ang inasikaso niya para timplahan ng gatas, nang muling nakatulog ito ay saka siya kumilos para labasin ang asawa pero pagbukas niya palang ng pinto ay bumungad na ito sa harapan niya.
"Isabel??",
"Liam??", langhap niya pa ang amoy ng alak pagpasok nito at maisara ang pinto, nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa magkabilaang braso at titigan ng maigi
"Is that really you, Isabel???", tila nahihirapan pang wika nito habang nakatitig sa kanya, hindi niya mabasa ang saloobin nito pero nanatiling nakahawak ito sa magkabilaan niyang braso,, pakiramdam niya ay matutunaw siya sa paraan ng pagtitig nito
"Anong nangyari??, bakit ka naglasing??", mahinahon niyang saad, hindi naman nito ugali ang pag lalasing simula ng bumalik siya sa bahay nila at magsama,,
"I'm confused Isabel,, what will I do???,, I ,,, I can't loose you now", namamasa ang mga matang saad nito sa kanya,, kaya maging siya ay nahabag narin dito,
"Liam??",
"What happened??? tell me what really happened???", sabay yugyog pa nito sa kanya kaya napamaang siya,
"Liam, lasing ka. Ano bang mga sinasabi mo??", naguguluhan niyang wika dito, hindi lang ito agad umimik at nanatili lang na nakatitig sa kanya sobrang lakas na ng t***k ng puso niya, bakit parang may kakaiba dito ngayon?? ngayon lang ito umakto ng kakaiba sa kanya
"Why do you always torture me Isabel?? nahihirapan na ko", para siyang nanigas sa kinatatayuan matapos marinig ang sinabi nito, naguguluhan siya sa inaakto nito ngayon, alam niyang may koneksyon ito sa nakaraan niya kung bakit ito umaakto ng ganito ngayon, agad umahon ang kirot sa dibdib niya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Nahihirapan siyang makita na nagdurusa ang kalooban nito dahil sa kanya,
"I'm sorry Liam,, hindi ko naman sinasadya", mahinang saad niya dito sa pagitan ng pag iyak, naalarma naman ito at agad siyang niyakap
"I can't loose you now Isabel,, I,, can't", narinig niya pang saad nito kaya lalo siyang napayakap dito,,hindi niya alam kung paano pagagaanin ang bigat ng kalooban nito, agad niyang inalalayan ito para makaupo sila sa kama. Naaawa na pinagmasdan niya ang mukha nito marahil bumalik sa alaala nito ang mga nagawa niyang kasalanan noon na labis na niyang pinagsisihan ngayon. Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat na gawin para mapawi ang lahat ng hinanakit nito sa kanya.
"Handa akong pagbayaran ang lahat Liam mapatawad mo lang ako,, alam kong ako ang dahilan ng pagdurusa ng kalooban mo", naluluha niyang saad dito,
"That's not true So-,, Isabel", nahihirapang wika nito sabay iwas ng tingin sa kanya, kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya kaya agad niyang kinuha ang dalawang kamay nito saka muling bumaling ang tingin nito sa kanya.
"Hinding hindi ko na gagawin ang mga pagkakamali na ginawa ko noon,, yun ang maipapangako ko sayo Liam",
Napamaang pa ito sa kanya kaya sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, sandali siyang tinitigan nito at bakas sa mukha nito ang pagkamangha, tila hindi parin ito makapaniwala sa mga sinabi niya,, nagitla nalang siya ng agad siyang sunggaban ng halik ng Asawa at hindi niya nagawang magprotesta dito, sabik na siniil siya nito ng halik, hindi naman siya tumutol at tumugon din sa mainit na labi nito. Kung kaya lang pawiin ng kanyang halik at pagmamahal ang lahat ng mga nagawa niya noon ng hindi na ito mahirapan . Kapwa habol nila ang hininga ng sandaling bitawan nito ang labi niya, nahihiya na napatingin lang siya dito pero muling sinakop nito ang labi niya. Marahil ay nakalimot ang isip niya sa kanyang nakaraan pero muling binuhay ng kakaibang pakiramdam ang puso niya, ang nararamdamang pagmamahal para sa Asawa at anak, hindi niya kakayanin kung sa pangalawang pagkakataon ay mawawala ito sa kanya maging ang pamilya na pilit nilang inaayos ngayon. Mabilis na natanggal nito ang saplot nila sa katawan hanggang sa maihiga siya nito sa kama, walang pagtutol sa kalooban niya at gagawin niya ang lahat upang mapatawad lang siya nito at matugunan niya ang lahat ng kanyang pagkukulang. Napaimpit pa siya ng maramdaman ang bahagi nito na pumasok sa kanyang kalooban, pero ang kirot na yun ay mabilis na pinawi ng masusuyong halik nito. Kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit wag lang ulit mawala sa buhay niya si Liam.
Narinig na niya ang payapang pagtulog nito mula sa tabi niya, nanatiling nakayapos parin ang bisig nito sa bewang niya kaya napahinga lang siya ng malalim at muling yumapos dito. Hindi siya agad dinalaw ng antok, patuloy parin siyang napapaisip sa mga alaala niyang hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik,, muli niyang pinasadahan ng tingin ang maamong mukha ng Asawa na mahimbing ng natutulog ngayon. Bahagya niya pang inangat ang mukha para mahagkan ito sa labi, sa tuwing nalalapit at natititigan niya ito ay kusang bumibilis ng t***k ang puso niya,, sa ilang buwan nilang pagsasama ay hindi siya binigo nito at pinatunayan nito ang labis na pagmamahal sa kanya. Kaya hindi siya nahirapan na tugunin at suklian ng higit pa ang pagmamahal nito.