"What are you doing here?? alam ba ni Xander na pupunta ka dito??", may irita sa tinig na wika nito na nagpadismaya sa kanya,
"Ah Mam Sam nandito kami para ihatid ang Lunch ni Sir Liam", saad naman ni Nene, bakit may pakiramdam siyang hindi maganda sa babaeng ito? sa way ng pag-asta nito ngayon sa harapan niya ay hindi na niya nagugustuhan. Tumaas pa ang kilay nito matapos marinig ang sinabi ni Nene
"Oh Really? hindi kana dapat nag-abala pa dahil nagdala nako ng food for Xander", maarteng saad pa nito, pilit niyang pinakalma ang sarili sa panlalamig saka ngumiti dito.
"You're so sweet Sam para dalhan ng foods ang Asawa ko, pero I don't think na kakainin niya yan cause he prepared what I cooked",
"So you know how to cooked na?? haha", sabay tawang wika pa nito na nakakainsulto,
"You don't know me that well, hindi lang pagluluto ang kaya kong gawin", siya naman ang ngumisi dito, hindi niya ito kilala pero hindi niya gusto kung umasta ito ngayon sa harapan niya.
"I know you very well Isabel, from being a careless housewife at sa marami mong bisyo. What else do I not know??", napika siya sa sinabi nito kaya payak siyang natawa saka tumitig dito,
"Don't interfere in lives of others, specially in Liam and I's Life Ms. Sam,, that's what you should know",
"Mam Isabel", nag-aalalang saad naman ni Nene sa tabi niya habang bitbit nito ang anak niya, bakas na sa mukha nito ang pagkabalisa dahil nagsusukatan na ang tingin nila ng babaeng kaharap, tila ayaw rin nitong magpadaig sa kanya at hindi siya santa para lumuhod dito kahit pa wala ang mga memorya niya.
"Don't worry Nene, hindi naman tayo nagpunta dito para makipag away. We will just wait for my Husband", aniya at idiin pa ang huling salita saka bumaling ng tingin dito, agad nasira ang mukha nito tingin niya ay may gusto nga ito sa Asawa niya at sa kaalaman na yun ay parang tinatarak ang puso niya.
"Do you need anything else Sam? If nothing else you can leave my husband's office", napamaang naman ito sa sinabi niya at nagtaas baba pa ang paghinga, naikuyom nito ang dalawang palad saka nagmartsa paalis, pero agad niya naman pinigilan
"Hey wait,,", inis na bumaling naman ito ng tingin sa kanya,
"You left you're food, I don't think na kakainin yan ni Liam so better just bring it for yourself",
"You're such a b***h Isabel", wika pa nito bago binalikan ang pagkain na dala, natawa naman siya dito hindi niya akalain na madaling asarin ito,
"Yeah, I'm a b***h Sam,, Beautiful individual that creates humanity,, what a beautiful b***h", patawa tawang saad niya pa dito habang papalabas ito ng opisina. Napamaang naman sa kanya si Nene ng makabalik siya ng upo sa sofa, muli pa siyang napahinga ng malalim sa kabila ng panlalamig at malakas na kaba.
"Ang cool niyo Mam, akala ko kanina sasabunutan niyo na naman siya",
"Kung nasabunutan ko man siya noon well I think she deserves it, the way she acts like that?? halata naman na may gusto kay Liam", napapanguso niya pang saad, napangisi naman ang bata sa kanya kaya kinuha niya ito kay Nene,,
"Pinagtatawanan mo ba ang Mommy hah Bella?", aniya dito na lalo naman bumungisngis, maging si Nene ay natawa lang din sa kanya
"Halata ngang nagseselos kayo Mam, pero kahit naman anong gawin na pacharming non hindi yun type ni Sir Liam",
"Pano mo naman nasabi? sa ganda non? tapos ang sexy pa. Imagine na araw araw yun nandito sa office ng Asawa ko", muli naman napahagikhik ito,,
"Ang cute niyo pala magselos Mam, kaya hindi talaga ako naniniwala noon na wala kayong pakialam kay Sir,, isa lang ang gusto ni Sir at alam kong kayo yun",
"Naku Nene, binobola mo lang ako", nagkatawanan lang sila nito hanggang sa muling bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin sa pagpasok ng Asawa at sa lalaking kasama nito. Agad tumalon ang puso niya pagkakita dito
"Isabel??",
Agad naman siyang napatayo bitbit ang bata, mabilis naman siyang sinalubong ng Asawa at niyakap.
"Glad you're here, and also my princess. What happened? How's the check up?", nakangiting saad nito matapos silang hagkan pareho,,
"Uhm Ok na Hon, dumaan lang kami dito para iabot ang Lunch mo. Makakalimutin kana talaga",
"Oh, I'm sorry. But you surprised me, kanina pa ba kayo? it's already lunch sabayan mo na kong kumain", napangiti nalang siya dito saka tumango, sa tuwing darating ito sa tabi niya ay kusa napapawi ang bigat ng kalooban niya,
"Ehem,, excuse me Director,, you might forget something", napatingin naman siya sa lalaking kasama nito,
"Oh yeah, by the way Hon. We just have to finish something, wait me in a minutes", wika nito kaya napatango lang siya,
"Okay", kumilos naman ito papunta sa main table nito kasunod ang lalaking kasama nito na ngumiti pa sa kanya.
"We need a new revision of this drawing na kailangan maipadala ngayon sa site, but the problem is naka leave ang naka assigned sa drawing na toh", simula ng kasama nito habang nakalatag sa table ng kanyang Asawa ang malapad na drawing,,
"Did you find someone else to do it?",
"I called Hector from other department, I don't think na maisingit niya sa schedule niya today", narinig niya ang pagbuntong hininga ng Asawa niya kaya napasulyap siya dito.
"Let's take a Lunch first, balikan mo ko after one o'clock",
"Okay it's already lunch narin naman and naghihintay na sayo ang mag ina mo", sabay ngisi pa ng lalaki ng tumingin sa gawi nila. Ilang sandali pa ay nagpaalam narin ito sa Asawa niya.
"Nice seeing you here Isabel, I'll go ahead", paalam pa nito bago lumabas ng opisina kaya napatango nalang siya. Bumaba naman si Nene para bumili ng sariling Lunch nito, habang hinahanda niya naman sa kabilang table ang pagkain ng Asawa. Nakangiti na lumapit naman ito sa kanya.
"Good thing you came here Hon, medyo nabawasan ang stressed ko", wika pa nito sabay yapos sa kanya,
"Good thing that you left your food", natawa lang ito sa sinabi niya, sandaling may kinuha ito sa main table kaya sumunod siya dito bitbit ang anak nila. Medyo na curious siya sa drawing na nakalatag sa table nito kaya tiningnan narin niya.
"Masyadong pasaway ang Architect na may handle ng planning and design sa facilitate execution na yan. And we don't have a choice kundi maghanap ng iba for revision", narinig niyang saad nito, tinitigan niya namang maigi ang drawing at pinag aralan ang bawat structures nito,
"Hmm, this area ang need ma revise?", sabay turo niya sa parte na tingin niya ay may technical error sa espasyo. Tiningnan naman ito ng Asawa saka tumango,
"Yeah, I'm hoping na makausap ni Lance si Hector for the revision bago maipadala sa site",
"No problem, I think I can do it", nakangiti niyang wika dito, nagtatakang napabaling naman sa kanya ang asawa
"From here, we can move this layout over here,, we need to look at something from fresh to this critical perspective,,", wika niya habang pinag aaralang maigi ang structures ng drawing, kusang may umaarko na linya sa isip niya para sa revisions ng lay out nito.
"Can I see the design software?", napatango lang sa kanya ang Asawa saka binuksan nito ang laptop, automatic naman na gumalaw ang mga daliri niya sandali pang kinuha nito ang bata na karga niya,, bigla naman siyang sumeryoso matapos makita ang drawing sa software, hindi niya alam pero kusang gumalaw ang mga kamay niya para marevised ito gaya ng nasa isip niya. Napamaang lang sa kanya ang Asawa habang pinapanuod ang seryosong ginagawa niya hanggang sa matapos.
"How did you learn that??",
"Maybe my memories are lost, but it's just called a stock knowledge Hon. I think trabaho ko ito dati", nakangiti niyang saad dito matapos niyang magawa ang revision sa designed,,
"I don't know about that,, but it's just,,," hindi parin makapaniwalang saad nito habang pinag-aaralan maigi ang ginawa niya sa computer,,
"Common let's eat,, mamaya mo na yan ipa-approved sa kasama mo", napangiti nalang ito saka sumunod sa kanya, habang kumakain sila ay bakas parin dito ang pagkamangha sa ginawa niya pakiramdam niya naman ay lagi niya itong ginagawa noon.
"Hindi mo lang inalis ang stress ko Hon, even my problem this day. Siguro uuwi ako ng maaga today", sabay ngisi pa nitong saad matapos nilang kumain,
"You better go home early baka maabutan kapa dito ni Sam",
"You met Sam?", napaiwas naman siya ng tingin dito, dapat pala ay hindi na niya binanggit pa ito dito
"Yeah, I've met that sarcastic woman na nasabunutan ko raw noon but don't worry Hon, hindi ko na yun gagawin. Ayokong bigyan ka ulit ng kahihiyan dito sa office", aniya dito, napangiti lang ito saka pinisil ang pisngi niya,
"Are you jealous?"
"Ofcourse not, why should I be jealous?", sabay iwas niya ng tingin dito agad umahon ang kaba sa dibdib niya hindi naman talaga siya nagseselos, lalo naman itong natawa kaya binalingan niya ng tingin,
"Anong nakakatawa?, masaya ka siguro na lagi kang dinadalhan ng pagkain non",
"How did you know that??", patawa tawa pang saad ulit nito, napipika na talaga siya ibig sabihin ay madalas nga ang pagbigay nito ng pagkain sa Asawa at mukhang masaya pa ito,
"She just said earlier, so I don't have to bother cooked for you anymore",
"What??? hahaha,,, she's bringing a food but I prepared yours,, akala ko ba hindi ka nagseselos?", nanunuksong pang wika nito habang tumatawa
"I'm not,, Liam,, we better go" agad naman pinigilan nito ang braso niya, nag iinit na ang pisngi niya at ayaw na niyang makipagbiruan pa dito
"You don't have to worry Hon, I love you okay? Let's go ihahatid ko na kayo sa parking", napatango nalang siya dito saka nito binalingan ang bata at kinarga, hawak pa nito ang isang kamay niya habang palabas sila ng opisina. Nakamasid lang sa kanila ang tingin ng mga staff nito na nginitian lang ng binata hanggang sa maihatid sila nito sa parking area.
"Drive safety okay? I'll go home early",
"Okay,,", ngumiti lang ang Asawa sa kanya at mabilis siyang hinagkan nito sa labi,, napangiti lang siya dito bago pumasok sa loob ng sa sasakyan.
Matapos maihatid ang kanyang mag ina ay mataman niyang tinitigan ang ginawang revision ng Asawa sa drawing na nakalay out ngayon sa computer niya, hindi niya lubos maisip na may kakayahan ito sa ganong bagay. Napahinga pa siya ng malalim bago pumasok sa loob ng office niya si Lance,
"I'll show you something, Lance",
"What it is? did you revised it on your own?", wika pa nito bago tumingin sa harap ng computer niya, naroon parin sa isip niya kung paano ito nagawa ng Asawa,,
"You did this?, so problem solve,, signature nalang ng Architect para ma print at mapadala sa site", nakangiti pang wika nito,
"Made by Isabel", mahinang saad niya saka ito di makapaniwalang tumingin sa kanya,
"What?, Isabel did this? whoaa hindi mo sinasabi na may pagka Architect pala itong si Isabel, hindi na tayo mamomoblema maghanap ng substitute",
"I don't know how she did that,, it's a strange..",,
"Haha!, ano kaba pare,, be proud you're wife have a special skills,, it's look like a work of professional,, dati ba siyang architect?",
"She's not,,", saka naman ito napatingin rin ng kakaiba sa kanya,
"T-That's amazing, baka napag-aralan niya noon", wika nalang nito, napakibit balikat lang siya, sa pagkakaalam niya ay Tourism ang kinukuhang kurso noon ng Asawa na hindi nito natapos dahil mas nagfocus ito sa pagmomodelo. Hindi na nito pinapatuloy pa ang pag-aaral dahil mas ginusto na nito ang magtrabaho at kung san san na lugar nakakapunta kung saan wala ang mga lesson na naghahabol sa kanya. Hindi niya ngayon maisip kung paano nito natutunan ang ganitong kaalaman,, kaya hindi niya maiwasan ang hindi magtaka.
Mula ng nakita niya ang structures sa computer ng Asawa ay tila hindi na mapakali ang mga kamay niya, tila may naiisip na iguhit ang mga ito kaya agad siyang naghanap ng blankong notebook at lapis. Kasalukuyang tulog si Bella ng maisipan niyang iguhit ang isang bahay na nasa kanyang isip. Kailangan niyang subukan dahil malakas ang kutob niya na may koneksyon ito sa mga nawala niyang ala-ala, dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng maaksidente siya at ni isang ala-ala ay walang bumalik sa kanya. Ngayon lang may tila lumitaw sa isip niya na isang imahe ng isang bahay, kaya gamit ang blankong papel at lapis ay mabilis na kumilos ang kamay niya para iguhit ito,, napamaang pa siya matapos niyang maiguhit ang kinalabasan ng bahay na nasa kanyang isip. Hindi ito ang bahay nila ngayon, pero kaninong bahay itong nasa isip niya???, kahit anong gawin niyang pag iisip ay hindi niya parin maalala hanggang sa sumakit nalang ang ulo niya. Itinabi niya nalang muna ang notebook sa drawer, sa tuwing may maaalala siya ay naisipan niyang dito iguguhit ng sa ganon ay malikom niya ang mga ala-ala niya na hanggang ngayon ay malaking palaisipan parin sa kanya.