Part 13

2076 Words
Napahinga siya ng malalim matapos makaalis ang sasakyan ng kanyang Ina, agad niyang natanggap kanina ang tawag ni Nene na biglang dumating ang kanyang Ina. Hindi siya nagkamali na hindi makakapagpigil ito na hindi mapagbuhatan ng kamay ang Asawa, alam niyang matagal rin itong nagtimpi sa ugali noon ni Isabel ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Nakikita niya ang pagbabagong ginagawa ng Asawa at mas lalo niyang minahal ang katangian nito ngayon. "Nasa taas na Sir si Mam Isabel, kayo na po magdala nito sa kanya", wika ni Manang Tess at iniabot sa kanya ang isang basong tubig, "Salamat Manang", aniya at umakyat na ng hagdan papanhik sa kanilang silid, nadatnan niyang nakahiga na ito sa kama katabi ang anak nila na mataman ng natutulog. Marahan siyang lumapit dito at tinabihan ito. "Isabel,", napalingon naman ito sa gawi niya, namamasa parin ang mga mata nito at bakas pa ang pamumula ng pisngi nito,, agad niyang inalalayan ito para makaupo saka iniabot dito ang baso ng tubig,, "T-Thanks", "I'm Sorry,,", parang pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan ito ngayon maging ang namumulang kalmot nito sa pisngi, agad niya itinabi ang hawak ng baso ng muli itong mapaluha sa harapan niya,, "Deserved ko naman yun eh, yung galit ng Mommy mo dahil sa mga kasalanan na pinag gagawa ko noon,," "Nakaraan na yun, at diba may usapan na tayo? mas mahalaga sakin ngayon ang pinangako natin sa isa't isa at wala na kong pakialam pa sa nakaraan", aniya at marahan na pinunasan ang luha sa pisngi nito, niyakap niya rin ito para maibsan ang bigat ng kalooban nito. "Sinabi ng Mama mo na nagpafile kana ng annulment, hindi kita masisisi kung yun ang magiging desisyon mo", "Isabel, ayokong i-give up ang pamilya na parehas nating binuo,, hindi tayo maghihiwalay,, hindi ngayon", Muli siyang napaluha matapos marinig ang sinabi ng Asawa, agad nawala ang paninikip ng dibdib niya sa narinig,buong akala niya ay may plano na itong hiwalayan siya. Agad siyang yumakap dito, hindi makakaya ng kalooban niya kung hihiwalayan siya ulit nito pakiramdam niya ay mamamatay siya kung malalayo ito kasama ng anak nila. "Tahan na, I'll promise hindi na pupunta dito ang Mama , itinakwil na niya ako bilang anak niya", agad naman napaangat ang tingin niya dito "Hah?", napangiti naman ito at inayos ang ilang hibla ng buhok niya "Mas tatanggapin ko ang itakwil niya ko bilang anak niya kesa ang mahiwalay sayo, hindi nako papayag na masaktan ka niya ulit. Hindi na", "Pero nanay mo parin siya Liam,, ako ang may malaking kasalanan sa kanya at handa ko yun pagbayaran lahat", "Sa tamang panahon Isabel, masyado pang sariwa ang sugat sa ugnayan niyo ni Mama,, darating din yung araw na mapapatawad karin niya", "Pero-" "No but's okay?", saad nito saka hinagkan ang labi niya, hinaplos niya lang ang pisngi nito at muling yumakap dito. Laking pasasalamat niya na magkaroon ng sobrang bait na asawa, "Bakit ka nga pala biglang napauwi? may pasok ka pa diba?", "That doesn't matter, mabuti nalang at nakauwi ako agad", narinig pa niya ang pagbuntong hininga nito,, "Okay na ko,, pwede ka ng bumalik sa trabaho", "Gusto mo ba ng ice cream?", napamaang naman siya sa biglang saad nito, "Liam naman eh, ano ako bata??", nasinghot na saad niya, napatawa naman ito at muli siyang niyakap, "Bata lang ba ang pwedeng kumain ng Ice Cream?, hindi bat favorite mo yun kainin after mo umiyak?", sandali naman siyang napaisip sa sinabi nito, pero parang ganon nga ang ginagawa niya dati, sa tuwing masama ang loob niya kakain siya ng malamig na pagkain para medyo guminhawa ang kalooban niya. "May naalala ka?", nangingiting saad pa nito, napailing lang siya dito wala siyang maalala pero ganon ang pakiramdam niya, "Saka na tayo mag ice cream pag uwi mo galing trabaho", "Pwede naman ngayon at hindi narin siguro ako babalik ng office", "Huh? bakit naman???" "Gusto ko mag stay dito, kasama kayo ni Bella", wika nito saka siya marahan na hinila pahiga, nakayapos pa sa bewang niya ang isang braso nito. "Akala ko ba mag a'ice cream tayo?", "Uhm, buksan nalang natin ang aircon para malamig", sabay tawang saad pa nito, "Hindi pwede, baka sipunin pa si Bella", "Kung pumunta nalang tayong mall? doon tayo kakain ng ice cream kasama si Bella", "Para kang bata", natatawang saad niya dito "We're still young Isabel, common mag shopping tayo para mawala ang lungkot mo", "Uhm treat mo ko?", "Ofcourse, maligo kana at ako ng bahala kay Bella", "Sabay na kaming maliligo ni Bella pagkagising niya", "Naiinggit nako senyo ni Bella, lagi kayong sabay maligo, ako kailan mo sasabayan?", nilakihan niya naman ito ng mata kaya napatawa ito saka yumakap sa kanya. Nang magising ang kanilang anak ay agad na niya itong inasikaso para mabihisan. Hindi rin siya nagtagal sa banyo dahil naghihintay na sa kanya ang mag ama niya, matapos ang hindi niya malilimutang paghaharap nila ng Ina nito ay sandali silang naglibang ng Asawa sa mall. Nagpapasalamat parin siya sa kabila ng lahat ay hindi parin siya nagagawang iwanan nito kahit pa tingin niya ay walang kapatawaran ang mga nagawa niyang kasalanan noon. Ilang araw ang lumipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon, laking pasalamat niya na hindi na ulit sumugod sa bahay nila ang magulang nito. Kung magtatagpo man ulit ang landas nila ay hindi niya alam kung paano ulit ito haharapin ng hindi sila magkakasakitan. Gusto niya parin personal na humingi ng tawad dito para matapos na ang hidwaan sa pagitan nila dahil gusto niya parin na magkaroon ng magandang samahan sa pamilya ng Asawa. "Hello Hon? napatawag ka??", nagalak siya ng marinig ang boses ng Asawa sa kabilang linya, "Hon may check up today si Bella, can I use the other car para hindi na kita maabala??", aniya, sandali namang hindi ito nakakibo, hindi niya alam kung papayagan ba siya nitong magmaneho,, "Are you sure na kaya mo ng mag drive? okay lang naman sakin na sunduin kayo dyan ni Bella", "Hon wag na, may meeting kapa before 10 right?? kasama ko si Nene and promise I'll take care of it, mag iingat ako", "Uhm, okay. I trust you, tawagan mo ko pag paalis na kayo", natuwa naman siya ng marinig ang pagpayag nito, nakagayak na sila ni Nene at ng Anak, approval nalang ng Asawa ang hinintay niya "Actually nakabihis na kami Hon, approval mo lang ang hinintay ko", "Alright, ayoko namang tanggihan ka. Drive safety okay??", "Okay Thanks,, bye for now. I'll called you pag dating namin sa Hospital", "Okay,, take care.. I love you",, "I love you too", nakangiti niyang sagot dito, pakiramdam niya ay bumalik siya sa teen ager na kinikilig. "Okay napo ba Mam? pumayag na si Sir Liam??", untag sa kanya ni Nene habang karga nito si Bella, napatango naman siya dito saka ngumiti, "Okay na, aalis na tayo", "Mam Isabel sandali lang", muli pa siyang napalingon kay Manang Tess mula sa kusina, bitbit pa nito ang lagayan ng pagkain na hinanda niya kanina sa Asawa. "Naiwan po ata ni Sir Liam itong pagkain niya?", "Ay Oo nga,, makakalimutin na talaga ang isang yun", naiiling niyang saad, sayang naman kung hindi nito makakakain ang hinanda niya. "Ihatid nalang natin sa office ni Sir Mam?? malapit lapit lang naman yun sa Hospital", biglang wika naman ni Nene, "Uhm talaga?? aabot pa naman siguro tayo dun before lunch noh?", "Oo naman Mam, tara na po?", "Okay Sige, akin na yan Manang. Ihahatid ko nalang sa Asawa kong makakalimutin", nakangisi niyang saad "Ay mabuti pa Mam, sayang naman ito at pinaghirapan niyo pa naman ihanda", natawa nalang siya dito saka nagpaalam sa ginang. Mabuti nalang at naitabi ng Asawa ang lisensya niya kaya makakapagmaneho siya ngayon. Dahan dahan lang ang pagpapatakbo niya at maingat dahil kasama niya ang kanyang anak. Pagdating nila sa Hospital ay nakatanggap agad siya ng tawag sa Asawa, bakas pa sa tinig nito ang pag-aalala. Hindi niya sinabi dito na ihahatid niya ang naiwan nitong pagkain dahil balak niyang surpresahin ito. After ng check up ni Bella ay nagpasya na silang magtungo sa opisina ng Asawa, buti nalang at alam ni Nene ang way papunta doon at ito ang nagtuturo sa kanya. Hanggang sa makapag parking sila sa kabilang building. "Let's go Bella, isurprise natin ang Daddy,, ulyanin na kase eh", aniya, napabungisngis naman si Nene habang bitbit nito ang paper bag. Papasok narin sila sa lobby ng malaking building. "Goodafternoon Mam", bati pa sa kanya ng mga guard kaya yumuko lang siya sa mga ito, hanggang sa makarating sila sa tapat ng elevator. "Nene alam mo ba kung anong floor ang office ni Liam?", bulong niya pa dito, "Sa 30th floor Mam,", napatango na lang siya dito, buti nalang at wala masyadong tao at pila sa elevator. Karga karga niya ang bata habang nasa tabi nila si Nene, medyo nawindang pa sandali ang bata pag akyat ng elevator sa mataas na palapag. Paglabas nila ay sinundan niya lang si Nene, sandali silang tumigil dun sa may guard ulit. "Yes po Mam? may appointment po ba sila?", wika pa nito kay Nene bago siya napalapit sa gawi nito, bumaling naman ang tingin sa kanya ng guard saka nanlaki ang mata. "M-Mam Isabel?? k-Kayo po pala", "Yes kuya, may ihahatid lang ako kay Liam", nakangiti niyang saad dito "Ah p-pasok napo kayo Mam,", aligaga pang wika nito, kaya tumango lang siya at ngumiti, pagpasok nila sa loob ay bumungad sa kanya ang malawak na opisina kung saan maraming cubicle per department. Napansin ng ilang staff ang pagdating niya kaya napatingin ang mga ito sa kanya at bakas sa mukha ang labis na pagtataka. "Wife ni Sir Liam!", narinig niya pang wika ng isa bago bumalik sa table nito,, "Bakit siya nandito??", "Don't know, pero himala na nandito yan at kasama ang bata", "Ang cute nung baby", Hindi niya lang pinansin ang narinig na bulungan ng mga ito, mataman lang siyang nakasunod kay Nene, mabuti at alam nito ang papunta sa Opisina ng Asawa, hanggang sa makarating sila sa palikong pasilyo. "Oh Nene, napasyal ka sino kasama mo?", bungad dito ng isang babae na nakangiti saka bumaling sa kanya,, "Hi??", "M-Mam Isabel,,, kayo po pala,, uy Hi baby bella", nakangiting bati nito maging sa anak nila,, "May iaabot lang ako kay Liam, naiwan niya kase sa bahay ang lunch niya", "P-Po?, pasok muna kayo sa loob Mam, patapos narin in 10mins ang meeting ni Sir", "Okay,", aniya at sumunod dito ng buksan nito ang pinto ng opisina ng Asawa. Bumungad sa kanya ang malawak na espasyo ng opisina nito kung saan may set ng sofa, seperate meeting area, coffee area at ang main table nito na tanaw ang kabilang naglalakihang building. Napahanga siya sa set up ng opisina nito lahat ng nahahagip ng paningin niya ay nakafinalize at pasado sa kanya. Maganda rin pala ang taste ng asawa pagdating sa arrangement ng mga stuffs. "Nagtataka siguro ang mga staff ni Sir Mam sa biglang pagpunta niyo dito", narinig niyang saad ni Nene kaya napalingon siya dito, "Hindi ba ko masyadong napunta dito?", "Huling punta niyo dito kase Mam e sinugod niyo yung ka business partner ni Sir Liam at nagsabunutan kayo dun sa kabilang department", naiiling na kwento nito kaya napamaang siya, hindi siya makapaniwala na ginawa niya ang bagay na yun, "Ginawa ko talaga yun?", sunod sunod na tumango naman ito, "Pinagmumura niyo rin Mam yung ibang staff, kaya sobrang takot nila sainyo", "Gosh nakakahiya, pero may dahilan naman siguro ako kung bakit ko yun nagawa??", "Uhm parang pinagseselosan niyo yung babae na laging nakadikit kay Sir,", "G-Ganon ba,, wala naman na siguro siya dito ngayon noh?", sabay tawang saad nalang niya, sana lang ay wala dahil hindi niya alam ang gagawin, ngayon pa na wala ang alaala niya kung ano ba talaga nangyari noon. O kaya magpapatay malisya nalang siya ihahatid niya lang naman ang pagkain ng Asawa at uuwi narin agad. Sabay pa silang napatingin ni Nene sa biglang pagbukas ng pinto, pumasok doon ang isang babae na nakapink na dress at black coat. May bitbit itong ilang supot at dire diretso sa coffee area. "Siya yun Mam Isabel!", narinig niya pang bulong ni Nene sa tabi niya, nagtataka lang ulit siyang pinagmasdan ang babae na napabaling na ngayon ang tingin sa kanila. "Oh, is that you Isabel??", napatitig lang siya sa magandang mukha nito, hindi agad siya nakareak kaya marahan lang siyang tumango, napalapit naman ito sa gawi nila saka tinitigan ang kabuuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD