Part 12

2179 Words
Paulit ulit na nagrerewind sa isip niya ang gabing pinagsaluhan nila ng Asawa, kasabay ng mumunting kaba sa dibdib niya. Pakiramdam niya tuloy ito ang unang beses na nakaniig niya ito, pero maligaya siya. Nagitla pa siya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran niya, "Bakit bumangon ka agad?", mahinang bulong nito habang nakasiksik ang mukha sa leeg niya, maaga siyang gumising para makapagluto ng almusal nila. Hindi na siya masyado naasa sa Ginang dahil gusto niyang bumawi sa pag aasikaso sa kanyang mag ama. Lalo sa kanyang Asawa, nakangiti na hinarap niya naman ito. "Maaga ka pang papasok diba? may meeting ka before eight kaya hindi ka pwede ma late. Sige na umupo kana don ihahanda ko na itong kape mo", aniya dito, ngumiti naman ito at muli pang yumakap sandali sa kanya bago sinunod ang sinabi niya. Tapos naman na siya sa pagluluto at agad ng naghain sa lamesa, hindi naman mawala ang ngiti ng kanyang Asawa habang pinagmamasdan ang pagkilos niya. "What?? kumain kana, babalikan ko lang si Bella at baka nagising na", "Masaya lang ako Hon na gumigising akong ganito, ako ng aakyat para icheck si Bella", nakangiting sagot nito saka tumayo, siya naman ang napatulala. Marahil mahirap parin paniwalaan para dito ang pagbabagong ginagawa niya, napapailing nalang siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya maalala ang nakaraan. Napangiti pa siya ng makita na karga na ng Asawa ang anak nila habang papunta sa gawi niya, agad siyang naghugas ng kamay at chineck kung okay na ang gatas nito. "Gising narin ang baby ko", aniya at kinuha sa Asawa ang bata na agad lumapit sa kanya at yumakap, napakalambing talaga ng batang ito sa kanya kaya mahal na mahal niya. Naupo naman agad siya para mapadede na ito, "Hon kumain kana, tama na yang pangiti ngiti mo at baka malate ka pa", "Sabay na tayong kumain para mas lalo akong ganahan", "Mamaya nako kakain after ni Bella", aniya dahil nadede sa kandungan niya ang bata, "Ako ng bahala, susubuan nalang kita", wika pa nito habang naglalagay ng pagkain sa plato, napailing nalang siya dito "I'm fine, matatagalan ka lang niyan sa-" "Say ah,,", wala siyang nagawa ng itapat nito sa bibig niya ang kutsara na may kanin at ulam, nakangisi pa ito sa kanya kaya sinunod niya nalang. Mukhang natuwa pa ito sa ginagawa na pagsubo sa kanya kaya hinayaan niya nalang. Nadatnan pa sila ng ganon ni Manang at nawili pa silang pagmasdan nito. "Nakakatuwa naman kayo Mam, Sir ang aga aga niyo kong pinapakilig", "Kumain narin kayo Manang masarap itong luto ni Isabel", "Tocino lang yan Liam!", saway niya dito dahil nahihiya siya kay Manang na bigla naman natawa, "Naku Mam, wala namang hindi masarap kay Sir Liam pag luto niyo, kahit nga nilagang itlog pasado sa panlasa niyan e basta luto niyo", "Manang??", natawa pa siya ng makita ang reaksyon ng Asawa, "Ay siya, babalik na nga ko sa labahan ko. Kain lang po kayo Mam, Sir", sabay alis nito sa harapan nila, akmang susubuan pa siya nito ng pigilan niya "Busog na ko Hon, mas marami pa yata akong nakain kesa sayo", "Nakakailang subo palang ako sayo Hon,", "Ikaw na umubos niyan, masarap kamo diba?", nakangisi niyang saad dito, naubos narin ng anak nila ang gatas nito kaya pinatayo niya naman ito,, ngiting ngiti na humarap sa kanya ang bata kaya pinanggigilan niya na naman ito. "Alright, ako ng bahala magligpit dito", "Wag mo ng hugasan hah? ako ng bahala dyan mamaya. Umakyat kana para maligo", "Yes Master", natawa pa siya dito, pinasya niya naman lumabas para makapag paaraw sila ng bata. Matapos makapag asikaso ng kanyang Asawa ay hinatid niya naman ito sa may garahe bitbit ang Anak nila. "I'll go ahead, wag kang masyado magpapagod okay??", tumango naman siya dito. "Mag iingat ka, Drive safety", "I will", wika nito saka hinagkan ng halik sa noo ang anak nila, ginawaran rin siya ng mabilis na halik nito sa labi kaya napatulala na naman siya dito. "I love you", Sinundan lang niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng sasakyan, naroon parin ang mumunting kaba sa dibdib niya. Bumusina pa ito bago tuluyang nakaalis, nakamata din ang tingin ng kanilang anak dito kaya hinagkan niya lang ito sa pisngi. Nang tuluyan ng nakaalis ang sasakyan ng Asawa ay pinasya na niyang pumasok sa loob, parehas silang inaantok ni Bella kaya naisipan niya munang umakyat ng silid para muling patulugin ito. Hindi naman ito mahirap patulugin kaya ng makatulog ito ay sinabayan niya nalang din. Naalimpungatan siya sa ilang pagkatok na narinig mula sa kanilang pinto, maingat naman siyang bumangon upang hindi magising ang bata. Tinabihan niya muna ng unan ang gilid nito bago tuluyang umalis ng kama, agad niya naman binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Nene. "Mam Isabel,," "Ano yon Ne?", "N-Nasa baba po ang Nanay ni Sir Liam at hinahanap kayo", sandaling napatitig naman siya dito, ang nanay ni Liam? ibig sabihin ang byenan niya??, napatango naman siya dito at agad inayos ang sarili, bigla umahon ang kaba sa dibdib niya. Wala siyang ideya kung paano pakikiharapan ito ngayon dahil wala siyang maalala pero bahala na dahil kailangan niyang humarap dito. "Osige bababa nako, pakibantayan muna sa Bella Ne, pag nagising na siya saka natin paliguan okay?", "Sige po Mam", tumango na siya at kumilos palabas ng silid, napahinga pa siya ng malalim bago humakbang pababa ng hagdan, iniisip niya kung anong gagawing pagbati dito. Hiling niya lang ay maging maayos ang paghaharap nila, isang ginang ang nadatnan niyang nakaupo sa sofa nila at matamang nagpapaypay, hindi pa masyado maedad ang itchura nito, maputi at blonde ang buhok. Naninilaw din ang leeg at kamay nito sa suot na alahas. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng magtama ang tingin nila, bakas na agad sa mukha nito ang pagkairita ng makita siya. "Oh it's true na nakabalik kana pala sa pamamahay na to, Isabel", simula nito ng makalapit siya, napansin din niya sa gilid nila si Manang Tess na bakas ang pag-aalala sa mukha, akmang magmamano siya dito ng agad nitong iiwas ang kamay sa kanya "No need for that, ayokong makipag plastikan sayo", nakairap na wika nito, "M-Magandang araw po Mam", aniya dito sabay yuko, tumaas lang ang kilay nito sa kanya, "Bigla yata naputol ang sungay mo ngayon Isabel at para ka ngayong maamong tupa sa harapan ko, and look at yourself, wala yata ang mga palamuti mo sa mukha", sabay ngisi nito hindi lang siya agad nakaimik dito sa halip ay ibinaba niya lang ang tingin, nanlalamig ang buong kamay niya dahil sa sobrang kaba, "Maiba tayo, ano pa nga palang ginagawa mo dito? bakit kapa bumalik? hindi ba't matagal mo ng inabandona ang mag-ama mo?", agad napaangat ang tingin niya dito, kitang kita niya ang kakaibang pagkamuhi sa mga mata nito, "N-Nagkausap na po kami ni Liam at-", "At tingin mo papayag ako na papaikutin mo ulit ang ulo ng anak ko??, matagal na siyang nagtitiis sa pang gagago at panloloko mo Isabel, matagal narin akong nagtitimpi sayo!!, Ang gusto ko ay umalis kana sa pamamahay na to!", agad namasa ang mga mata niya sa luha, nangako na siyang hindi na muling papabayaan ang mag-ama niya. "Bigyan niyo ko ng isa pang pagkakataon Mam para itama ang-", nagitla pa siya ng biglang lumapat ang palad nito sa pisngi niya, tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha niya,, "Ang kapal talaga ng mukha mo!!!, tingin mo mapapatawad kita sa lahat ng kasalanan mo??? wag kang magpapanggap na mabait dahil kilala kita impakta ka,,", "Mam Sandra tama na po, nagbago na si Isabel", awat dito ni Manang Tess pero tinulak naman agad ito ng Ginang "Wag kang makikialam Tess, binibilog lang ng babaeng yan ang mga ulo natin. Hindi ako naniniwala na nawala ang memorya niyan!!!, pakulo mo lang ito Isabel para maawa sayo si Liam hindi ba??", nanlilisik ang mga matang baling nito sa kanya, napaiyak lang siya sa isang tabi "Gusto mong ipaalala ko sayo ang lahat ng kasalanan mo? mula sa pagiging pabaya mong Ina?? gimikera lasinggera at pokpok!!!, isa kang pokpok na kung kani-kaninong lalaki sumasama!!!, hindi mo deserved ang anak ko Isabel,, Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya namin!!!", muling duro nito sa kanya kaya halos mapapikit siya, "Hinding hindi ko makakalimutan ang pambabastos mo noon sa akin kaya hindi kita mapapatawad, tingin mo okay na ang lahat?? lumayas ka sa bahay na ito ako ng bahala sa apo ko", akmang aakyat ito sa taas ng pigilan niya ang braso nito, "Mam,, wag po please,, nagsisisi na ko sa lahat ng ginawa ko noon,, hayaan niyo kong bumawi sa mag ama ko", umiiyak niyang saad dito pero tinulak lang siya nito, "Wag mo nga akong malapit lapitan!!, Manang Tess, ibaba mo dito ang Apo ko, matagal ko na dapat ginawa ito. Hindi ko na hahayaan na may balakin na namang masama ang babaeng toh", "Hindi ako papayag na kukunin niyo ang anak ko!", mariin na saad niya dito, naningkit naman ang mga mata nito sa kanya at muli siyang hinarap "Wala kang kwentang Ina Isabel kaya hindi ako papayag na papabayaan mo ulit ang Apo ko, marami akong witness sa pagpapabaya mo at pag aabandona sa bata kaya wala kang laban. Magkita nalang tayo sa korte,", "Wag po Mam please,,, nakikiusap ako", umiiyak niyang saad dito,, "Lumayas ka sa pamamahay na toh dahil nabwibwisit ako sa pagmumukha mo, nagfile na ng annulment ang asawa mo para hiwalayan ka kaya wala ng dahilan para manatili kapa sa bahay na toh", bigla siyang natigilan sa sinabi nito, hihiwalayan na siya ni Liam? nagulat pa siya ng bigla siyang kaladkarin nito palabas ng pinto,, "Lumayas ka!!, at wag na wag ka ng babalik pa dito,, pumunta ka don sa mga lalaki mo,, dahil putol na ang ugnayan mo sa pamilyang ito!!", "Mam please,, wag niyong gawin sakin toh,, ang anak ko!!!, Bella!!!", lalo siyang napahagulhol ng makita itong karga karga ng katulong na kasama ng Ginang,, akmang pupuntahan niya ito ng hablutin ng ginang ang buhok niya,, "Noon ko pa dapat ginawa ito, sa dami ng kasalanan at kahihiyan na ginawa mo sa pamilya namin!!!", napaimpit siya sa sakit ng hablutin nito ang buhok niya at ingudngod siya sa lupa, wala siyang magawa kundi ang mapaluha habang pigil pigil ang mga kamay nito, ang mas inaalala niya ay ang anak na hawak ng iba. Bandang huli ay hinahapo na binitawan siya nito kaya napalugmok siya sa lupa, "Tatanggapin ko lahat ng pananakit niyo sakin, pero hindi ako papayag na ilayo niyo sakin ang anak ko", "Walang hiya ka talaga!!!!", akmang sasampalin siya ulit nito ng bigla ang pagdating ng Asawa niya at agad inawat ang galit na galit ng Ginang. "Ma what are you doing??? bakit mo sinasaktan si Isabel??", may galit sa tinig nito at agad siyang dinaluhan para maitayo, muli siyang napaluha ng maramdaman ang pagyakap ng Asawa sa kanya. "Hah???, deserve ng babaeng yan ang masaktan after what she have done!!!!, nakalimutan mo na ba ang kawalanghiyaan na ginawa niyan??? palayasin mo yan dito Liam!!! hindi ko matatanggap yan!!! sabi ko naman sayo hiwalayan mo na yan!!!", "Tama naa!!!, sinabi kong wag kayong pupunta dito kung guguluhin niyo lang kami!!!,", natigagal naman ito sa narinig at hindi makapaniwala na tumingin sa anak "Anong sabi mo??? kinakampihan mo ngayon ang babaeng yan??? my god Liam hanggang kailan ka magbubulagbulagan at magpapaikot sa impaktang yan???", "Stop it Ma,, tumigil na kayo at umalis na kayo sa bahay namin,, hindi ako papayag na sasaktan mo ulit ang Asawa ko", "Pinapaikot ka lang ng babaeng hitad na yan!!!!, nakalimutan mo na ba na minsan ka ng pinagpalit niyan?? my god Liam!!", "Please Ma!, tumigil kana. Dahil kung hindi baka makalimutan ko na magulang ko kayo", "What????, kasalanan mo tong babae ka!!!! pinapaikot mo na naman ang Anak ko", akmang susugurin siya nito ng agad humarang sa kanya ang Asawa, "Ano ba Ma?????", malakas na sigaw nito na nagpanginig sa kanya at nagpatigil din sa Ginang, "Sinabi ko ng Tama na diba???? umalis na kayo please lang", muling saad nito, agad namasa ang mga mata ng Ginang at galit na bumaling sa kanya,, "I won't forget this,, at the end uuwi karin sa bahay dahil iiwan ka ulit ng babaeng yan!!!", durong saad nito bago nagmartsa paalis papunta sa naghihintay na sasakyan,, napahinga lang siya ng malalim ng makalayo ito, naramdaman niya naman ang pag ayos ng Asawa sa buhok niya. "Okay kalang ba?,, nasaktan ka ba?", umiling naman siya dito kasabay ng muling pagtulo ng mga luha niya,, agad lang siyang niyakap nito. Nagpapasalamat parin siya at dumating ang Asawa para ipagtanggol siya, naaalala niya si Bella kaya agad siyang humiwalay ng yakap dito at nilapitan ang bata. Agad niya itong kinuha sa katulong,, maging ang bata ay umiyak narin habang yakap yakap niya. Madali niyang inakyat ito sa kanilang silid, "Ssshh, tahan na nak,, hindi kana iiwan ni Mommy,, I'm so sorry,, I'm sorry Bella", umiiyak niyang saad sa bata habang yakap yakap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD