Napamaang pa siya matapos maiabot nito sa kanya ang malaking supot na ang laman ay iba't ibang klase ng Napkin. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano, isang piraso lang naman ang kailangan niya pero halos lahat ng brand ay binili nito. Matapos makapagpalit ay lumabas narin siya ng cubicle bitbit ang malaking supot, napansin niya pa ito na matamang naghihintay sa labas buti nalang at wala masyadong tao. Naghugas muna siya ng kamay bago ito nilapitan, hindi pa siya makatingin ng diretso dito.
"Are you okay?, pinag-alala mo ko", saad nito kaya napaangat ang tingin niya dito,
"I'm sorry, pero Thank you", ngumiti lang ito sa kanya at kinuha na ang kamay niya,
"Let's go? alam ko nagugutom kana",
"P-Pero, wait lang", aniya sabay pigil dito, muntik niyang makalimutan na may red stain ang dress niya kaya palihim na kinapa niya ito sa likuran, nagtataka naman na napatingin ito sa kanya,,
"Pwedeng sa bahay nalang tayo??? kase ano", akmang titingnan nito ang bandang likuran niya ng muli niyang pigilan,
"It's alright, that's normal", nagulat pa siya ng hubarin nito ang suot na coat at agad na itinapis sa bewang niya, napatulala nalang siya sa ginawa nito hindi ba ito nandidiri sa dugo niya??
"Let's go, naghihintay na satin si Manang at Bella", napatango nalang siya dito, palihim pa siyang napangiti ng kunin nito ang isang kamay niya at sabay na silang naglakad papunta sa escalator. Mabuti nalang talaga at nahanap siya nito kundi hindi niya alam ang gagawin niya kanina.
Pinasya nalang nila magtake out ng pagkain dahil lumalala na ang pananakit ng puson niya, umaatake ang dysmenorrhea niya kaya maging ang pagkarga sa bata ay hindi na niya magawa pinasa niya muna ito sa Asawa habang si Manang ang nag aasikaso ng mga pinamili nila sa baba.
"Here take this, sabi ni Manang makakatulong toh para mabawasan ang sakit", sabay abot sakanya nito ng mainit init na bote, agad naman siyang tumalima at kinuha ito,
"Thank you, ipapaalaga ko muna kay Manang si Bella hah?",
"I'll take care of it, hindi na muna ako papasok sa office para maalagaan ko kayo",
"Huh? pero??", ngumiti lang ito at iniayos siya ng higa habang nakalagay ang mainit na bote sa puson niya. Kumilos pa ito sa tabi niya at marahan siyang niyakap,
"Dito muna ako para mabantayan kita, pag hindi mo kaya ang sakit magpacheck up na tayo okay?", napatingala naman siya dito, sobrang bait talaga nito kaya labis siyang nagpapasalamat na sa kabila ng nagawa niya ay tinanggap parin siya nito.
"Mawawala din toh, kung hindi ka dumating kanina hindi ko na alam ang gagawin ko, nakakahiya",
"Akala ko kanina ay iniwan mo na naman ulit kami, kaya nag-alala ako ng hindi agad kita nakita", hinawakan niya naman ang isang kamay nito saka ito tiningnan,
"Hindi ko na kayo iiwan okay?? wala ng dahilan para umalis pa ko, sainyo na umiikot ni Bella ang buhay ko", napangiti naman ito sa sinabi niya, kahit hindi pa bumabalik ang mga alaala niya malaki na ang puwang ng mag ama sa puso niya at hindi na niya gagawin pang iwan ang mga ito. Naipikit niya nalang ang mga mata ng kusang bumaba ang mukha ng Asawa sa kanya, masuyo siyang dinampian ng halik nito sa labi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, bakit pakiramdam niya ngayon lang siya nagawang hagkan nito?? Hinagkan rin siya nito sa noo ay muling niyakap.
"Hindi mo alam kung gaano mo ko pinaligaya Isabel,, ito lang ang pinangarap ko noon", ipinikit niya lang ang mga mata habang nakayakap dito, unti unting naiibsan ang pananakit ng puson niya sa pakiramdam na nandito ito sa tabi niya. Sobrang tanga niya noon na nagawa niyang iwanan ito maging anak nila kaya sa pangalawang pagkakataon na binigay sa kanya ay hindi na niya bibiguin pa ang kanyang mag ama.
"Are you sure na kaya mo na?? pwede naman akong hindi muna pumasok", wika nito habang nasa garahe sila, nawala na ang dysmenorrhea niya ilang araw kaya kinabukasan ay maaga siyang gumising para mag asikaso ng almusal bago pumasok ang Asawa,
"Okay na ko Hon, pumasok kana at baka ma late kapa", lumapad naman ang pagkakangiti nito at nagulat pa siya ng bigla siyang hagkan ng mabilis nito sa labi,
"Let's have a dinner date, matagal tagal na nating hindi yun nagagawa",
"Huh? dinner date?",
"Yeah, dun sa favorite mong restaurant", sandali naman siyang napaisip, maging un ay hindi niya maalala,,
"Uhm,, may naisip ako para maiba naman",
"What it is?", napapangiti na tanong nito, inayos niya naman ang neck tie nito maging ang coat ng asawa,,
"Dito nalang tayo mag dinner date , ako ng bahala okay?? umuwi ka before 8 o'clock",
"Okay then, I'll go ahead",
"Mag iingat ka, drive safety okay??",
"Okay", nakangiting sagot nito kaya ngumiti rin siya, hinagkan siya ulit nito sa labi bago sumakay sa loob ng sasakyan, natulala nalang siya habang papaalis ito. Di niya minsan maiwasan mapatulala dito sa tuwing hahagkan siya sa labi, parang bago lagi sa pakiramdam niya at hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib niya.
"Mommy gising na ang baby bella", narinig niyang wika ni Manang kaya napangiti siya ng makita ang dalawa sa bungad ng pinto. Sabik na nilapitan niya ito at agad kinuha ang anak dito,,
"Goodmorning, napasarap ang tulog ng bella ko ah? hindi mo na naabutan pag alis ni Daddy", humikab pa ito kaya gigil na hinagkan niya ang maumbok nitong pisngi, bakas naman sa mukha ni manang ang pagkamangha habang pinagmamasdan silang dalawa,,
"Ihanda ko lang ang kakainin ni Bella Mam,,",
"Sige po Manang, dito nalang siguro kami pupuwesto sa may garden para relaxing",
"Sige po Mam",
Matapos niyang pakainin ng almusal ang bata ay inisip na niya ang gagawin mamaya sa dinner nila ng asawa. Habang nasa kama sila ni Bella at nagpapahinga ay nagresearch na siya ng mga pagkain na pwedeng lutuin. Naghalungkat din siya ng mga gamit na pwede niyang gamitin para maging romantic naman ang dinner nila, hindi na nila kailangang lumayo pa.
"Manang gumagana pa ba ang mga ito?", aniya dun sa hawak na christmas light, naghalungkat kase siya ng mga gamit sa stock room at nakakita naman siya ng pwede niyang magamit mamaya.
"Opo Mam, matagal lang po yan na istock sa bodega",
"Manang pabantay muna kay Nene si Bella sa taas at may susubukan lang ako",
"P-Po?", ngumiti lang siya dito saka nagtungo sa garden bitbit ang ilang gamit na nakuha niya sa stock room. Madali naman siyang nakakita ng extension kaya doon niya sinubukan ito paganahin, at natuwa siya ng umilaw ang mga iyon. Pakiramdam niya ay nagawa na niya ito noon sa isang espesyal na tao sa buhay niya, pero hindi niya maalala basta ang alam niya lang ay pamilyar ito.
Sandali niyang tiningnan ang pwesto na pag lalagyan niya ng table setting, agad siyang nakaisip ng diskarte na pagandahin ito. Malaking tulong ang ilang puno sa paligid ng garden at nalagyan niya ng tali na pagsasabitan ng mga pailaw. Naipwesto niya narin sa gitna ang lamesa, sapin nalang ang kulang nito at ipinuwesto narin niya ang dalawang upuan na magkaharap.
"Anong meron Mam?", takang tanong naman sa kanya ng Ginang kaya napangiti siya dito
"Maghahanda ako ng simpleng dinner date namin mamaya manang. Kesa lumayo pa kami at maiwan si Bella ay dito nalang",
"Wow naman, hindi ko akalain na maiisipan niyo yan Mam Isabel", ngumiti lang siya dito saka dinampot ang ilang christmas light, isinabit niya ito palibot sa tali.
"Parang nagawa ko na rin ito noon, pero hindi ko lang maalala",
"Huh? pero ngayon niyo lang po ito nagawa ngayon kay Sir Liam, tiyak matutuwa yun", napangiti nalang siya dito at pinagpatuloy ang ginagawa, nang matapos na niya set up ang lamesa at upuan ay tinulungan naman siya nito lagyan ng sapin ang lamesa. Hiling niya lang ay wag umulan mamayang gabi para hindi masira ang dinner date nila dito sa garden. Naayos niya rin pagdugtungin ang dalawang extension para umabot sa saksakan ng christmas light, kinabahan pa sa kanya ang Ginang dahil baka raw sumabog sila pero madali niya lang naman iyon nagawa. Tingin niya nga ay bihasa siya sa trabahong ganon, nang gumagana na ang christmas light aa paligid ay nagpatulong naman siya magpaluto sa ginang, ilang mga pag restaurant food ang pinagtulungan nilang lutuin.
Tatlong putahe lang ito na tiyak niyang magugustuhan ng Asawa, hindi naman pihikan ito sa pagkain kaya wala siyang pinag-alala. Hapon narin ng matapos sila ng Ginang at ang bata naman ang pinagtuunan niya ng pansin asikasuhin. May oras pa naman siya mamaya para makapili ng damit na susuotin.
Panay ang sulyap niya sa orasan habang nasa harap ng Laptop niya, excited na siyang umuwi para sa dinner date nila ng Asawa niya, hindi niya mapigilang hindi mapangiti tuwing naaalala ito. Maaga sana siyang uuwi pero ang bilin nito ay before eight. Sobrang ligaya niya dahil sa unang pagkakataon ay naisipan ito ng Asawa na maghanda ng dinner date para sa kanilang dalawa, samantalang noon ay sapilitan pa ito sa tuwing aayain niyang kumain sa labas.
"Sir dumating na ang inorder niyong mobile phone", saad ng Secretary niya,
"Let me see", kumilos naman ito papunta sa gawi niya at inilagay ang paper bag sa table niya, naisipan niyang bilhan ng cellphone ang asawa. Simula ng umuwi ito ay hindi niya ito nakitaan na gumagamit ng cellphone. Akala niya nung una ay tinatago lang nito sa kanya pero kalaunan ay napatunayan niyang wala itong gamit na cellphone na siyang pinagtatakahan niya. Ang nakita niyang cellphone nito na basagbasag ay nakatago sa drawer nila, hindi rin naman ito nagdedemand sa kanya na magpabili.
"For pick up narin sa shop ang pinareserved niyong flowers Sir, before eight ang pick up",
"Okay thanks", nakangiti niyang sagot dito bago ito tumalikod sa kanya, alas sais palang ng hapon at gusto na niyang hilahin ang oras para makauwi na.
Pagdating ng alas siete ay kumilos na siya, dinampot na niya ang coat na nakasabit sa gilid. Baka abutan pa siya ng traffic kung magpapatagal pa siya ng uwi. Nadatnan pa siya ng kaibigan habang papaalis ng kanyang opisina.
"Oh himala OT ka??",
"Pauwi narin ako I'll go ahead", nakangiti niyang saad dito,
"Akala ko ba hanggang eight ka pa??"
"Ayokong ma late sa dinner date namin ni Isabel",
"Wow?? sang restaurant sama ako", natawa lang siya dito,
"Sa bahay lang siya nagprepared ng dinner date namin",
"Aba isang malaking himala nga yan bro,, ang sweet ngayon ng Asawa mo hah? nakakapanibago", naiiling na wika nito kaya natawa lang siya at nagpaalam na dito. Mabilis niyang tinungo ang parking area at sumakay sa loob ng sasakyan, hindi niya pwedeng makalimutan ang bulaklak para dito.