Part 9

2219 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakasanayan na niya ang panibagong buhay kasama ng kanyang mag-ama. Sinisikap niyang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya sa mga ito. Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng almusal si Liam, hindi niya hinahayaan na papasok ito na walang laman ang sikmura kaya naman mas lalong napamahal sa kanya ang Asawa. Hands on din siya pagdating sa pag aalaga sa kanilang anak na ngayon ay nagsisimula ng kumain ng mga solid foods, mas dito niya itinuon ang atensyon upang maalagaan ito ng mabuti. Sa kabila ng lahat ay hindi parin bumabalik ang kanyang alaala pero habang kasama niya ang dalawa ay panibagong simula ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay isinilang ulit ang pagkatao niya. "Manang?,", "Yes Mam??", agad na napalapit sa kanya ang ginang habang abala siya sa paghahalungkat sa ref ng pwedeng mailuto, "Wala na tayong stocks ng groceries at mga gulay, pwede mo ba kong samahan mag groceries?", "Ako nalang Mam, ilista niyo nalang po ang kailangan niyo", "Samahan niyo nalang ako Manang para maipasyal ko rin si Bella, sige na please??", aniya dito, matagal tagal narin kase siyang hindi nakakapunta ng supermarket at gusto niya naman maranasan na mag groceries, "Ah eh, sige po. Hindi po ba kayo mahihirapan kung isasama pa natin si Baby Bella?", "Hindi po Manang, Let's go? magpapaalam lang ako kay Liam na sa groceries lang ang punta natin", napatango nalang sa kanya ang Ginang at agad na siyang umakyat sa taas para makapag palit ng damit. Inuna niyang bihisan ang bata, tuwang tuwa talaga siya tuwing nadadamitan niya ito ng dress na kaparehas ng sa kanya. Sandali niya pang pinahawak ito kay Manang bago nag asikaso ng sarili. Matagal tagal narin na hindi siya nakakapag ayos ng mukha, ganito pala kapag naging isang ina kana wala ka ng oras pa sa sarili. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya sa Asawa, bihira sa isang araw siya makapanalamin hindi kaya masagwaan na ito sa kanya?? sandali pa siyang nagtungo sa silid niya na puro palamuti. Naglagay siya ng cream sa mukha at powder saka nag aplay din siya ng lip tint. Nang masiguro niyang ok na ay nagmadali na siyang bumaba at baka naiinip na ang Ginang. Nagulat pa siya ng makita sa sala ang Asawa bitbit ang kanilang anak. "Liam? bakit umuwi ka?", takang tanong niya sa Asawa, kakasend niya lang ng message dito kanina na aalis sila para mag groceries. "I'm on my way ng magmessage ka, sakto lang para maipagdrive ko kayo papuntang mall,, let's go?", napangiti nalang siya dito saka tumango, kinuha niya narin dito ang bata at nagtungo na sila sa sasakyan. Kakaibang saya ang naramdaman niya habang lulan sila ng byahe, ito yata ang unang beses na makakasama niya itong mag groceries. "Hindi kaba hahanapin sa office,?", "Nope, my secretary will take care of it. Gusto ko ring samahan na mag groceries ka, hindi pa ata natin nagagawa mag groceries ng magkasama". "Oo nga Sir, hindi pa talaga", saad naman ni Manang mula sa likuran nila, napangiti pa siya dito at binalingan ang anak na karga karga nito, sabagay ay tama ito. Hanggang sa narating na nila ang Mall, siya na ulit ang nagkarga sa anak habang nakaalalay naman sa bewang niya ang bisig ng Asawa, sa tuwing nalalapit siya dito ay kakaiba ang nararamdaman niya may kung anong kaba sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag pero panatag siya tuwing kasama ito. Hindi niya lang maiwasan ang minsan na masabik na makita ito lalo pag pauwi na ito galing trabaho. Nang marating nila ang supermarket ay pinahawak niya sandali sa Asawa ang kanilang Anak habang tag isa naman sila ni Manang na may tulak tulak na cart. Nakasunod lang ito sa kanya habang nakuha siya ng ilan nilang kailangan, pero maging ito ay tumulong narin sa pagdampot ng kung ano ano, yung iba hindi naman kailangan kaya napapatingin nalang siya dito, "Here, mukang masarap na flavor to ng pancake", pagtingin niya nito ay kagaya ito ng naroon sa cabinet nila, mga tatlong box pa ata ang napansin niya kanina doon ng magcheck siya, "Meron pa tayong stock neto, yung mga importante lang Hon", aniya, kakaibang ngiti naman ang sumilay sa labi nito, medyo nagulat pa siya sa huling sinabi kaya pakiramdam niya ay ang init ng pisngi niya, "Atlast tinawag mo rin ako sa endearment natin,, Let's go Hon marami pa dun", nakangiting akbay pa nito sa kanya, lalo tuloy nag init ang mukha niya kaya ibinaling niya lang ang atensyon sa malayo na pwedeng mahagip ng paningin niya, ito kase ang madalas na tawag nito sa kanya at hindi pa siya masyado makapag adjust na ganon rin ang itawag dito hanggang sa kanina parang tila nakiayon ang sarili niya. Ipinilig niya nalang ang ulo at dinampot ang ilang mga delata, sinuyod niya isa isa para wala siyang makaligtaan na kailangan hanggang sa dun naman sila sa milk station. Napangiti pa siya ng damputin ng Asawa ang malaking karton ng gatas, may stock pa naman sila sa bahay pero gusto niya lang manigurado ayaw niyang magkulang sa pangangailangan pagdating sa bata. Namili rin siya ng ilang flavor ng gerber at cerelac, baka kase magsawa ito kung laging patatas, kalabasa at carrots ang ipapakain niya kahit pa alam niyang mas masustansya ang natural na pagkain. Napansin niyang wala sa tabi niya ang mag-ama kaya agad hinanap ng paningin niya, naroon ito sa pwesto na puro laruan at abala na namimili, napangiti nalang siya at muling binalik ang atensyon sa hawak hawak, dinampot narin siya ng iba pang flavor para marami siyang pagpilian na ipakain dito, excited pa naman siya na subuan ang bata dahil mukhang tuwang tuwa ito pag nakakatikim ng ibang lasa. May nalaglag sa bandang likuran niya na ilang diaper kaya agad siyang napalingon at tinulungan ang babae sa pagdampot. "Ow, thanks!", wika nito kaya ngumiti lang siya, pero napatitig naman ang babae sa kanya "Isabel?", "Ria, tingnan mo nga kung ito ba yung pinapabili ni cheska", saad naman ng babaeng kakalapit lang dito at napaangat din ang tingin sa kanya, napatingin lang din siya sa mga ito dahil hindi niya kilala ang mga ito, "Oh si Isabel pala, himala ata at nagawi ka dito para mag groceries", sabay ngisi na wika ng isa habang nakatingin sa puno niyang cart, napatango lang siya dito "Sinong kasama mo?, kailan ka pa nakauwi sa bahay niyo?", tanong naman sa kanya nung isa "Ah nung isang buwan pa", "Aba, puro kay Bella lahat ito ah?, mabuti naman at nabigyan mo na ng oras at atensyon ang anak mo hindi yung puro barkada at bisyo ang inatupag mo" "Ano kaba Tricia!,", saway ng kasama nito sabay siko dito "Nagsasabi lang ako ng totoo Ria, atleast ngayon medyo nauuntog na sa katotohanan itong si Isabel kundi baka tuluyan lang siyang hiwalayan ni Kuya Liam", agad umahon ang kaba sa dibdib niya ng marinig ang pangalan ng Asawa, "Hon okay kana ba dyan?", sabay silang napalingon sa pagdating ng Asawa sa gawi niya, bakas din ang pagkabigla sa dalawang kaharap niya ng makita ang Asawa, "Tricia? Ria??" "Kuya Liam!!", nakangiting bati dito ng isa at agad yumakap sa kanyang Asawa, pinagmasdan niya lang ang mga ito, "Magkasama kayo ni Isabel?", hindi makapaniwalang saad naman nung Tricia sabay tingin pa sa kanya, "Yeah, sinamahan ko siyang mag groceries, wala ba kayong pasok at naligaw kayo dito?", "Kami ang inutusan ni Mama at Cheska na magpunta dito, nakauwi na pala itong si Isabel kuya kailan kayo papasyal sa bahay ni Tiya?", -Ria "Uhm, pag nakausap ko na ang Mama and isa pa nagpapagaling pa kase si Isabel from trauma na nakuha niya sa accident", paliwanag ng Asawa saka umakbay sa kanya, medyo napanatag ang kalooban niya ngayong nandito ito sa tabi niya, "Ah talaga ba??" parang hindi pa naniniwala na saad nung tricia sa kanya, "So pano girls? mauna na kami sainyo hah?, Let's go Hon", aya sa kanya nito, siya na ang kumarga kay Bella at ito na ang nagtulak ng puno niyang cart, yumuko lang siya sa dalawa bilang paalam, "Mga pinsan ko yun sa side ng mother ko, hindi nila alam ang tungkol sa pagkawala ng alaala mo", "Hindi rin siguro maganda ang encounter namin ng mga pinsan mo", "Uhm medyo, pero hindi na yun mahalaga. Nagugutom kana ba? Let's take a lunch after this", tumango lang siya dito saka ngumiti, natanaw niya pa di kalayuan si Manang na nakapila na, masyadong mahaba ang pila kaya naghintay nalang sila ni Bella sa isang tabi. Tatlong malalaking cart din ang napuno nila, at tingin niya ay medyo matatagalan sila nakakaramdam pa man din siya ng pamimigat ng puson at naiihi narin siya. Naupo muna sila ni Bella sa upuan na nasa gilid habang pinapadede ito sa bote, maging ang bata ay nagutom narin mahirap nga talaga mag groceries ng mag isa, maigi nalang at nandito ang Asawa niya, nakasuot pa ito ng business attire kaya palihim siyang natawa. Pero hindi na niya talaga kayang pigilan, masakit na ang puson niya kailangan na niyang magpunta ng CR, hinintay niyang mapatingin sa kanya ang Asawa bago siya sumenyas dito. Nag-tataka na agad itong napalapit sa kanya. "What is is?", "Kailangan ko magbanyo, sandali lang ako", nagmamadaling saad niya saka iniabot dito ang bata, napatango lang ito sa kanya. Sinundan niya lang ng tingin ang Asawa habang papalayo, medyo matatagalan pa sila dahil sa haba ng pila kaya kay Manang niya muna ito pinaubaya habang siya ang may karga sa anak. Hanggang sa cart na nila ang nakasalang, nakatulog narin ang bata na karga niya pero hindi parin bumabalik ang Asawa. Nagtataka na napatingin na siya sa suot na relo, bakit ang tagal naman ata neto sa C.R?? hanggang sa natapos nalang ang lahat ng groceries nila ipunch, lumapit na siya kay Manang para sandaling ipasa dito ang bata dahil siya na ang magbabayad. Nagtataka na hinanap pa nito ang Asawa pero wala parin ito. "Nasan na si Mam Isabel??", muling tanong nito, tapos na niyang bayaran ang lahat ng napamili nila at nilalagay na ng bagger sa cart. Ayaw niyang mag isip ng iba pero bigla siyang nag-alala, mahigit kalahating oras na at hindi parin ito bumabalik. "Wait me here Manang,", sandaling paalam niya sa Ginang, hindi naman siya tinakasan nito diba?? baka may nangyari lang. Agad siya nagtungo sa malapit na C.R, sandali siyang nag abang sa labas nun pero walang Isabel na lumabas hanggang hindi na siya nakatiis at agad siyang pumasok sa loob. "Isabel???", bakas tuloy ang pagkagulat ng mga babaeng naroon sa bigla niyang pagpasok, pero wala doon ang taong hinahanap. Hanggang sa binundol na siya ng kaba, wala itong dala na telepono kaya hindi niya rin matatawagan. Pagdating niya sa malapit na CR ay sobrang haba ng pila, wala siyang choice kundi magpunta ng 2nd floor, don siya nakakuha ng bakanteng cubicle. Kukuha pa sana siya ng sanitary pads pero empty na ang laman ng box, dumiretso na agad siya sa cubicle at baka maunahan pa siya ng bagong paparating. Napaamang pa siya ng pagtingin niya sa underwear niya ay may dugo, ngayon pa siya dinatnan ng buwanang dalaw niya at saka niya rin napansin na may tagos na ang puti niyang dress. Napailing nalang siya at napakagat labi, pano siya lalabas ngayon? matapos niyang umihi ay lumalabas narin ang dugo niya. Hanggang sa nagtagal na siya sa loob ng cubicle, hindi niya alam kung pano lalabas. Tiyak niyang hinahanap na siya ngayon ng Asawa at baka nag aalala na ito. Labis niyang pinag-alala ay baka iwan pa siya ng mga ito sa pag-aakalang nakauwi na siya, "Isabel???", napamaang siya ng marinig ang tinig ng asawa mula sa labas, agad bumilis ang t***k ng puso niya,, "Liam???", "Oh God! Isabel are you here???", puno ng pag aalala sa tinig nito, marahan niyang binuksan ang pinto ng cubicle at sumilip dito, "Uhm, nandito ako. Nag ka emergency lang kaya-" "Are you okay?? bakit hindi kapa lumalabas dyan?? kanina pa ko nag-aalala sayo akala ko iniwan mo na naman kami", "H-Hindi, ano kase", nahihiyang saad niya dito, paano niya ba sasabihin na kailangan niya ng sanitary pads. "Isabel??", "I have my period, k-kailangan ko ng Sanitary Pads, ibili mo ko non Liam please??", bakas naman dito ang pagtataka sa sinabi niya, "W-What again?", "Napkin Liam!", nahihiya niyang wika dito kagat ang labi, nakatitig pa kase ito sa kanya bago nakuha ang sinabi niya. "A-Alright, wait me here okay?? wag kang aalis dyan", saad pa nito kaya tumango lang siya, paano naman siya makakaalis na ganito ang sitwasyon diba?? napahinga lang siya ng malalim, pero nahihiya talaga siya na ito pa ang nautusan niya. Sana lang ay alam nito ang pinapabili niya, "Anong hanap Sir?", untag sa kanya ng babae kaya agad siyang napalingon dito, sa dami ng Sanitary pands na nandito ay hindi niya alam kung ano ang dadamputin. Wala siyang ideya sa ginagamit ng Asawa, "Ano ang best brand ng Sanitary pads niyo dito??", "P-Po??", namamanghang wika nito, napailing nalang siya nalilito siya kung ano ang kukunin dahil iba't ibang klase ang nandito, pero kailangan niyang mabalikan agad ang Asawa kaya kung ano ang makita ay pinagdadampot na niya. Isang basket din ang napuno niya at dali dali na siyang pumila dun sa cashier. Matapos makapagbayad ay mabilis siyang dumiretso sa kinaroroonan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD