Part 8

1732 Words
"Huy Isabel? bat nakatanga kapa dyan?? kinikilabutan nako sayo ah, lalo dyan sa itsura mo ang putla mo", muling untag sa kanya ng Isa, "Hindi ako makakasama ngayon guys so please, makakaalis na kayo", nagitla pa siya sa biglang pagtayo nung isa at seryoso ang tingin sa kanya, "Wag mong sabihin na umaayaw kana? alalahanin mo malaki pa ang atraso mo kay Big Boss, ikaw ang kailangan non ngayon", napailing lang siya dito, hindi niya alam kung ano ba ang atraso niya sa sinasabing Boss nito pero ngayon palang ay kinakabahan na siya. "Tara na! wala ata sa mood ngayon magbihis si Isabel, keri na niya ganyang porma", wika naman nung isa at tumayo narin saka lumapit sa kanya, agad siya nitong hinawakan sa braso, "Let's go girl, sandali lang naman toh. After nito babalik kana din sa pagiging b***h mo", "Hindi nga ko sasama! ano ba!", piglas niyang saad dito, nagtataka na napatingin pa ito sa kanya at bakas na ang pagkainis, "Nakakapanibago ka talaga Isabel pero hindi mo kami madadaan sa ganyan, sa ayaw mo at sa gusto isasama ka namin. Ikaw naman parang hindi tropa", wika ng isa at muling kinuha ang braso niya pahila, "Ano ba!! hindi ko pwede iwan ang anak ko!! ayoko sumama sainyo" "Hawakan niyo guys sasama rin yan, Let's go", muli siyang hinawakan sa magkabilaang braso ng dalawa, masyadong malakas ang mga ito at hindi siya makawala. "Sabing hindi ako sasama! ano ba!!!", Natigilan naman ang mga ito ng makita ang pagdating ng Asawa niya kasama ang isa pang lalaki. "Liam??", naluluha na napatingin siya dito habang masama ang tingin nito sa tatlo niyang kasama. "Uy si Mr. Husband! sama lang namin si Isabel hah? lam mo na konteng jamming lang", "Hindi sasama sainyo si Isabel kaya makakaalis na kayo", madiin at may galit sa tono ng boses nito, napansin din niya ang pagkuyom ng mga kamao nito, "Si Isabel ang magdedesisyon niyan, tsaka hindi ka naman niya asawa diba?", "Aalis kayo o tatawag ako ng pulis??", nagkatinginan naman ang dalawa na may hawak sa magkabilaan niyang braso, "Isabel pagsabihan mo nga ang lalaking toh, nakikialam na naman", "Sinabi ko ng hindi ako sasama sainyo! kaya makakaalis na kayo at wag ng pupunta pa dito", may diin ding saad niya at agad hinila ang braso na hawak ng mga ito, puno ng pagtataka na napatingin lang ang tatlo sa kanya, halos hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi niya. "Narinig niyo ang sinabi niya girls?? alis na bago pa dumating ang chief officer na tinawagan ko", wika naman ng lalaking kasama ng asawa niya, naikuyom lang ng isa ang kamao nito at masama ang tingin na ipinukol sa kanya, "Hindi pa tayo tapos Isabel, malaki pa atraso mo tandaan mo yan, tara na!", saad nung isa at nauna ng humakbang paalis, masama rin ang tingin sa kanya nung dalawa bago ito sumunod sa kasama,, saka lang siya nakahinga ng maluwag ng makaalis na ang mga ito. Agad naman siya binalingan ng asawa, "Are you okay??", maluha luha na napatango lang siya dito kaya marahan na hinila na siya nito papasok ng sala, kung hindi siya naabutan nito ay baka tuluyan na siyang natangay ng tatlong yun, "Kaibigan ko ba talaga ang mga yun?", hindi makapaniwalang tanong niya dito, napahinga naman ito saka marahan na tumango, "Yeah, palagi ka nilang sinusundo dito para gumimik ", "At hinayaan mo lang akong sumama sa kanila?", "Kung pipigilan kita ay mauuwi lang sa away ang lahat then ilang araw kang maglalayas kaya hinayaan kitang gawin kung ano ang gusto mo noon", napailing nalang siya at naipikit ang mga mata, anong klase siyang ina at asawa, "You also know I use drugs???", ito ang hindi niya lubos na mapaniwalaan, ang pasukin ang ganitong bagay, "Lately ko lang nalaman", "God!!", inis na sinuntok niya ang ulo, bakit siya ganon?? paano niya nagawa ang mga bagay na yun??? hindi niya man lang naisip ang anak niya. "Isabel please", awat nito sa braso niya, sobrang bigat na ng dibdib niya sa mga nalaman, kaya agad siyang tumayo at umakyat ng hagdan. Gusto niya munang mapag isa dahil pakiramdam niya anumang oras ay sasabog siya "Isabel!", narinig niya pang tawag nito sa kanya pero dumiretso lang siya sa kanilang silid at agad pumasok sa loob ng CR. Naglocked siya ng pinto at humagulhol ng iyak sa lapag, ilang beses niyang inuntog untog ang ulo sa pader, bakit hindi niya maalala kung sino ba talaga siya sa nakaraan. Habang lumilipas ang mga araw palala ng palala ang mga natutuklasan niya sa sarili at hindi na yun kinakaya ng kanyang kalooban. Agad niya sinundan ang Asawa sa kanilang silid, mabilis itong pumasok sa loob ng C.R at naglocked ng pinto. "Isabel open this door", aniya habang kinakatok ito sa pinto, naririnig niya lang ang pag iyak nito sa loob , ilang kalabog din ang narinig niya kaya kinabahan na siya baka kung ano na naman ang gawin nito,, "Isabel please??", napalingon pa siya ng bigla ang pag impit na iyak ng kanilang anak, tila nakaramdam ito sa nangyayari sa paligid at hindi magawang patahanin ni Nene, hindi na niya alam kung ano ang uunahin na gawin, ang puntahan ang anak o ang Asawa,, Natigilan siya ng bigla marinig ang pag iyak ni Bella, lalo siyang napaiyak, maging ang musmos na bata at apektado dahil sa kanya. Sobrang sakit sa dibdib niya na marinig ang pag iyak nito na tila nasasaktan, hindi niya matiis at agad iniayos ang sarili. Mas kailangan siya nito at hindi makakaya ng kalooban niya na tiisin ito, agad niya binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ng Asawa. Hindi niya magawang makatingin dito kaya nilampasan niya lang at agad nilapitan ang anak. "Sshh, Don't cry Bella,, mommy's here hindi na kita iiwan", aniya at kinuha ito kay Nene, niyakap niya ito at hinagkan sa noo saka inalo alo ito lang ngayon ang nagpapagaan ng kalooban niya. Kalaunan ay napatigil rin ito sa pag iyak, naiwan sila ng Asawa sa silid na kapwa tahimik. Hanggang kailan siya magdurusa sa nakaraan niya na hindi niya maalala. Nang makatulog ang bata ay marahan na niya itong inilapag sa kuna. Wala siyang ibang ginawa kundi pagmasdan lang ito, "Isabel", mahinang tawag sa kanya ng Asawa, naramdaman niya ang pag upo nito sa tabi niya, "Hindi ko na alam ang gagawin ko Liam, napakawalang kwenta ko", "Shh, don't say that okay??, hindi na mahalaga ang nangyari sa nakaraan, magsimula ulit tayo ng panibago", muli lang na nagbagsakan ang mga luha niya na agad pinunasan nito, "Hindi ko matanggap kung bakit ko yun nagawa, gusto kong malaman ang rason alam kong may matinding dahilan pero pano ko malalaman kung wala ang mga alaala na yun?", "Listen to me Isabel, sa lahat ng nagawa mo ay napatawad na kita at handa akong tanggapin ka at magsimula tayo ulit,," "Liam??", "Wala ng mas mahalaga sakin kundi ang makasama ka namin ni Bella, kaya nagpapasalamat ako kanina na hindi ka sumama sa kanila, sa unang pagkakataon ay pinili mong manatili dito", napatitig lang siya dito, sa kabila ng lahat ay nakaya parin siyang tanggapin nito kahit na tingin niya ay sobrang lala ng mga pinag gagawa niya. Agad siyang niyakap nito kaya isinandal niya nalang ang ulo sa malapad na dibdib nito. "Huy Isabel!!!!!", "Nak nam pucha si Isabel oh?", "Ang bilis naman niyang makarating dito", Natigilan siya sa paglakad ng makita ang tatlo niyang kaibigan na papalapit sa gawi niya, naiirita na talaga siya makita ang mga ito dahil pare-parehas na ang paningin niya sa mga ito. "What? ano na namang kailangan niyo?", taas kilay na saad niya, "Parang kanina lang mala anghel yang itchura mo ngayon para ka ng tinubuan ng sungay at buntot, anong drama yung kanina mo hah?", wika sa kanya ni Angie, "Oo nga, drama ba yun sa harap ng Asawa kuno mo para kunyare mabait kana?", sabat naman ni Jelay, sinamaan niya lang ng tingin ang mga ito mga boba talaga. "Don't tell me na nanggaling kayo sa bahay??", "Para karing sira e noh? galing nga kami dun at pinadaanan ka ni Big Boss,,", "Tsk, wag na kayong babalik pa sa lugar na yun naintindihan niyo?", "Teka, naguguluhan na kami sayo ah? sino ba yung babae na nandun sa bahay niyo at bakit kamukha mo?", nabaling naman ang tingin niya kay Olga, "Ako yun, ang sinasabi ko wag na kayong babalik pa sa lugar na yun kung ayaw niyong magkagulo tayo", "Napaka mo naman, gumagawa ka na naman ng bagong kashitan noh", "Hindi ikaw yun, sabihin mo sino yun?", biglang wika naman ni Olga kaya pinaningkitan niya ito ng mata, kahit papano nagana rin pala minsan ang utak ng isang ito "Fine, it's my twin sister,, happy???",halos mapanganga ang mga ito sa sinabi niya kaya napahalukipkip lang siya, tatapusin niya muna ang atraso sa Amo nila para tuluyan na siyang makaalis papuntang Singapore, ayaw niyang magkaroon ng problema ang kakambal bago siya tuluyang umalis, dahil tiyak ito ang hahabulin ng mga taong higit na nakakakilala sa kanya at uunahin niya yun dito tatlong makukulit na toh, "Sabi ko na eh!, pero teka-" "Shut up!!, leave my twin sister alone or ipapasalvage ko kayong tatlo, get's?" "Napaka b***h mo, pakialam ba namin sa kapatid mo", -sabat naman sa kanya ni Angie "Good that's it, don't mind her or I will kill all of you", wika niya lang saka inunahan maglakad ang mga ito, "Napakasama ng ugali, malamang ginamit niya na naman yun para sa sarili niya", bulong pa ni Olga na umabot hanggang sa pandinig niya, napangisi lang siya. Tama naman ito, ginamit niya ang kapatid para sa sarili niyang kalayaan pero anong magagawa niya, umaayon ang tadhana sa kanya. Kung hindi nawalan ng memorya ito ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataon, pero kahit pa hindi nawala ang alaala nito ay buo na ang loob niyang iwan ang Asawa at Anak, alam niya narin naman ang plano ng Asawa na magpa file ng annulment sa kanya. Ngayong ang kapatid ang nagpapatuloy sa buhay na iniwan niya ay malabo ng makipaghiwalay si Liam dito, malaki ang pagkakaiba nila ng kakambal at ang katangian nito ang mamahalin ng Asawa. Mas gugustuhin niya pa na ang kapatid ang makilalang Ina ng kanyang anak kesa ang magkaroon ito ng panibagong magulang kung sakaling mag aasawa ng iba si Liam. Hindi yun matatanggap ng kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD