Nang magising siya ay wala na ang asawa sa tabi niya, agad na siyang napabangon at sinilip din ang anak sa kuna maging ito ay wala rin. Agad siyang binundol ng kaba at nagmadali na lumabas ng kanilang kwarto. Mabilis siyang pumanhik pababa ng hagdan, nadatnan niya pa si Manang sa kusina na abalang nagluluto.
"Manang?? si Isabel at Bella??",
"Sir Goodmorning, maaga po gumising si Mam Isabel at nagpapaaraw sila ngayon ni Bella dun sa garden", nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito kaya napangiti ito sa kanya,
"Kakaiba ngayon si Mam Isabel Sir, ngayon lang siya gumising ng maaga tapos si Bella agad ang inaasikaso,, nakakatuwa naman", ngumiti lang siya sa Ginang at nagpaalam na sandali dito para puntahan ang mag ina niya, tuluyan na nga talagang nagbago ang asawa at natutuwa siya sa bagay na yun.
Lalo siyang natuwa ng makita ito sa garden nila bitbit ang kanilang anak, aliw na aliw ito habang pinagmamasdan ang mga tanim nilang bulaklak. Ito ang unang beses na dinala nito ang bata sa garden para makapag paaraw dahil kadalasan nadadatnan niya ito dito kung hindi yosi ang hawak ay alak. Agad naman ito napatingin sa gawi niya kaya nakita niya ang pagngiti nito.
"Goodmorning Daddy!", saad nito at iniharap sa kanya ang bata, nagalak naman siya na lumapit kanyang mag ina.
"Goodmorning Hon", aniya at hinagkan ito sa noo, bumakas ang pagkagulat sa mukha nito pero napangiti din naman agad sa kanya, hinagkan niya rin sa pisngi ang kanilang anak,
"Goodmorning baby,, ang aga niyong gumising ni Mommy huh?", wika niya at sandaling kinuha dito ang bata,
"Masarap magpaaraw dito ng maaga, nakakarelax din pagmasdan ang mga tanim mong bulaklak",
"Nagustuhan mo ba??",
"Yeah ang gaganda,",
"I'm glad na may nagustuhan karing parte ng bahay", natutuwang saad niya dito, pakiramdam niya kase noon ay ayaw nitong manatili sa bahay nila dahil panay ang alis nito at hindi pumipirmi.
"Let's get inside, papasok ka pa diba? I cooked breakfast for us",
"You cooked??", namamanghang wika niya habang pabalik sila sa loob, marahan naman na tumango ito,
"Oo naman, I've told you maalam ako magluto, simpleng sinangag lang and fried egg"
"Bigla akong na excite matikman ang luto ng asawa ko, for the first time",
"From now on ako ng magluluto para makabawi man lang ako sayo", nakangiting saad pa nito na lalong nagpalapad sa pagkakangiti niya, pakiramdam niya pa ay lumundag sa pagka excite ang puso niya.
"Nariyan na pala kayo Sir, kain na po kayo ni Mam ihahanda ko lang po ang mga plato", saad naman ni Manang ng makapasok sila sa kusina,
"Wait lang manang, initin ko lang sandali sa microwave yung sinangag ko", sinundan niya lang ng tingin ang asawa habang kumikilos ito sa pag iinit ng pagkain,
"Si Mam Isabel nagluto niyan Sir, hindi ko na napigilan kase baka magalit e hehe,",
"Just let her do what she want's Manang,", napangiti naman ang ginang sa kanya
"Magandang sign ito Sir, at masaya ako para sainyo ni Bella", saad pa nito bago tinulungan ang Asawa sa paglagay ng kanilang mga plato.
Magana siyang kumain ng almusal kasama ang Asawa, ito yata ang unang beses na kumain sila ng sabay. Madalas kase pagkagising niya ay diretso na agad pasok, hindi rin naman ito nagpapakita sa kanya sa umaga dahil tanghali na ito magising. Pero iba na sa ngayon, kaya lalong nagdidiwang sa saya ang kalooban niya. Pakiramdam niya ay may kulay na ulit ang buhay niya ngayong nakikita ang pagbabago ng Asawa.
"Papasok na ko okay? wag kang masyadong magpapagod", wika nito ng ihatid niya sa may garahe bitbit ang kanilang anak,
"Si Bella lang naman ang aasikasuhin ko kaya hindi yun nakakapagod, mag iingat ka",
"I will try to get home early",
"Okay magluluto ako ng gusto mong ulam", aniya na lalong nagpangiti dito, nagitla pa siya ng gawaran siya nito ng halik sa pisngi maging ang kanilang anak. Nahihiya na napangiti lang siya dito,
"I'll go ahead", tumango lang siya dito at agad na itong sumakay sa loob ng sasakyan. Hinatid niya lang ito ng tanaw hanggang sa makarating sa tapat ng kanilang gate. Kakaibang kaba ang umaahon sa dibdib niya tuwing hahagkan siya nito, asawa niya ito pero hindi niya maiwasang hindi mahiya dito.
"Let's go baby, maliligo na tayo okay??", aniya sa bata at pinanggilan na halikan pa ito, bumingisngis lang ito sa kanya kaya lalo siyang natuwa dito,
"Nakakatuwa naman kayong pagmasdan Mam, sana magtuloy tuloy na ang maganda niyong samahan ni Sir", napangiti lang siya kay Manang habang nasa labas sila, bigla niya naalala itanong dito ang paboritong ulam ng Asawa,
"Uhm Manang? alam niyo ba kung ano ang paboritong ulam ni Liam?",
"Bakit po Mam?",
"Gusto ko kase siyang lutuan mamayang Dinner",
"Talaga ba Mam?? gusto niyong ipagluto si Sir??", napatango naman siya dito, halatang gulat na naman ito,
"Bakit Manang? hindi ko ba siya noon madalas nalulutuan??",
"Oo Mam, pinakaayaw niyong trabaho ang kusina lalo sa pagluluto. Uhm sorry po", saad nito na bigla pang nahiya sa kanya,
"Okay lang yun Manang, nabanggit narin yan sakin ni Liam pero hindi lang ako makapaniwala na kahit isang beses ay hindi ko yun nagawa".
"Makakabawi pa naman kayo kay Sir Mam, simple lang naman ang paborito niyan ni Sir, adobong baboy o kaya Manok", napangiti naman siya dito, madali lang naman pala lutuin ang paborito nitong ulam,
"Salamat Manang, aakyat po muna kami ni Bella para mapaliguan ko siya",
"Pasunurin ko po don si Nene para may katuwang kayo kay Bella magpaligo",
"Sige po, medyo natatakot kase ko liguan mag isa si Bella at baka mabitawan ko",
"Walang problema Mam", ngumiti lang siya dito at umakyat na ng silid nila, kailangan na niyang paliguan ang bata dahil medyo inaantok na ito.
"Have a nice smile huh??", napaangat ang tingin niya sa pagdating ng kaibigan,
"Oh Zach!, so how's the proposal to Mr. Javier?",
"Success, you don't have to worry bro. Everything is under my control". natawa lang siya dito at muling binalik ang tingin sa binabasang folder,
"So what's up? how's you're wife? balita ko naiuwi mo na siya sa bahay niyo", simula nito ng makaupo sa harapan ng table niya,
"She's perfectly fine,",
"Have her memories back?", napailing naman siya dito, pero naging mainam sa sitwasyon nila ang pagkawala ng alaala nito dahil nakikita niya ang magandang pagbabago sa samahan nila maging sa pag uugali nito
"She's trying herself na itama ang mga pagkakamali niya",
"Whoa?? really?? totoo ba yan Bro??",
"I'm still hoping, alam mong wala akong hinangad kundi maayos ang pamilya namin",
"Are you sure of that?? paano kung bigla bumalik ang alaala niya at iwan ka niya ulit?", sandali siyang natigilan sa sinabi nito, yun ang bagay na kinatatakutan niya at hinihiling niya na wag sana iyon mangyari.
"She won't do that,,"
"How can you be sure? alam naba ito nila tita? tiyak magwawala na naman yun sa galit", ito pa ang isa sa inaalala niya, hindi maganda ang ugnayan ng dalawa. Malaki ang galit ng kanyang Ina sa Asawa batid nito ang mga ginagawa noon na hindi matanggap ng kalooban nito at isa ito sa nag uudyok noon sa kanya na makipaghiwalay na, kung hindi niya lang iniisip ang kanilang anak. Sa pagkakataong ito ay may dahilan na siya upang hindi ituloy ang plano ng ina na mag file ng annulment.
"Saka ko na poproblemahin ang Mama, gusto ko munang makapag adjust si Isabel, she's trying herself now bro. Ang daming nagbago sa kanya after her accidents at nagugustuhan ko ang pagbabago na yun",
"Really? o baka dahil nawala ang alaala niya kaya ganon?",
"Is it possible? na pati ang nakahiligan niya ay magbago?", napakunot noo naman ito sa kanya,
"Bakit hindi mo siya ipaconsult ulit?",
"Ang sabi ng Doctor niya ay pansamantala lang ang pagkawala ng memories niya, a weeks or months babalik din daw",
"Malalaman mo yan bro pag bumalik na ang alaala niya pero ingat ka. You know Isabel, he always broke you",
"She's taking good care of our Bella now, malayo sa dating siya na walang pakialam sa anak namin. Hindi siya makapaniwala na ganon ang attitude niya before",
"Huh? may paki na siya kay Bella ngayon?? that's a miracle, magandang balita yan".,
"We know that he hate's cooking, but kaninang umaga she prepared our breakfast, for the first time na inassist niya ko", muli naman itong napanganga sa sinabi niya,
"Aren't you wondering?? Is that really your wife? o baka maling babae lang ang naiuwi mo?",
"Tsk, I wonder too, maging sila Manang at Nene nagtataka din sa pag babago ng ugali ni Isabel, but I'm hoping na she's really change",
"Magpapa Party ako kung totoo nga yan Bro, siguro kailangan kong bumisita sainyo para ma meet ang bagong Isabel", sabay ngisi pa nito,
"Not now bro, nag aadjust pa siya and I don't think na maaalala ka niya",
"Ipapaalala ko sa kanya, kung gano siya ka rude sakin at sa mga staff ng office", payak na natawa lang siya sa kaibigan,
"I'm planning a vacation for us, we will start again",
"Aba, kay gandang balita nga yan. I'm happy for you but sana lang talaga bro hindi na siya maging sakit sa ulo", muli lang siyang natawa dito, ilang sandali pa ng makatanggap siya ng tawag galing sa bahay nila. Sandali pa silang nagkatinginan ng kaibigan bago niya sinagot ang tawag,,
"Yes Hello Manang??", agad siyang napatayo matapos mapakinggan ang sinasabi nito sa telepono, muli umahon ang kaba sa dibdib niya.
"Anong nangyari??",
"I have to go Bro",
"What kasasabi ko lang ah?",
"Dumating sa bahay yung mga gangster na tropa ni Isabel at pinipilit daw itong pinapasama", nagmamadaling saad niya saka isinuot ang coat,
"Sila na naman? hindi ba talaga nila titigilan ang Asawa mo?", hindi niya lang pinakinggan ang sinabi nito, last time na sinundo ng mga ito ang asawa niya sa bahay ay hindi niya napigilan na sumama dito ang Asawa. Walang magandang naidudulot ang mga ito kay Isabel kundi puro problema lang, lately na niya nalaman na hindi lang pag iinom ang ginagawa ng mga ito kundi gumagamit din ng pinagbabawal na gamot.
Katatapos niya lang magpaligo kay Bella ng katukin siya sa pinto ni Manang, nagulat pa siya ng bigla ito pumasok kasunod si Nene,
"Manang? bakit po?",
"Mam Isabel, nasa baba po yung mga kaibigan mo at hinahanap ka", may pangamba sa tinig na wika nito, napalapit naman si Nene sa anak niya at sandali itong inasikaso,
"Mga kaibigan??",
"Oo Mam, yung lagi niyong kasama magpunta sa Bar. Nabalitaan na ata nila na nakauwi na kayo",
"Uhm ganon ba, sige po Manang bababa na ko. Nene ikaw munang bahala kay Bella hah? babalik din ako agad",
"O-Opo Mam", ngumiti lang siya dito saka kumilos palabas ng silid. Basa pa ang suot niyang damit pero mamaya nalang siya magpapalit pagkaalis ng kanyang bisita.
Pagbaba niya ay bumungad sa kanya ang tatlong hindi pamilyar na mukha, lesbian ang mga ito at nakapormang panlalaki. Napatitig pa ang mga ito ng makita ang paglapit niya.
"Teka si Isabel ba yan??",
"Parang hindi na parang Oo,",
"Huy Isabel??? ikaw ba yan??", wika nung pangatlo na may hikaw sa ilong, ito ba ang mga kaibigan niya??
"Ako nga si Isabel", aniya, hindi niya alam kung pano sasabihin sa mga ito na wala siyang alaala, napatawa pa sa kanya ang isa habang ang dalawa ay bakas parin ang pagtataka sa mukha
"Di nga?? ang losyang mo ngayon ah hahaha, ano na? pinasundo kana ng tropa tagal mong di nagpaparamdam eh", saad nung isa na nakataas ang buhok na gupit panlalaki,
"Uhm, nagkasakit kase ako. Siguro sa susunod nalang??",
"Aba bago ata yan Isabel? anong nakain mo at parang kakaiba ka yata ngayon??",
"I'm sorry guys, busy kase ako ngayon mag alaga kay Bella at isa pa wala ang asawa ko", natigilan siya ng biglang tumawa ng malakas ang mga ito,
"Ikaw ba talaga yan Isabel? kailan kapa nagkaroon ng interes mag alaga sa anak mo? tsaka gage wala kang asawa!! hahaha",
"Magbihis kana hinahanap kana kaya ni Big Boss, malaki paraw atraso mo sa kanya", bigla siya kinabahan sa mga ito, wala siyang ideya kung sino ang big boss na tinutukoy nito pero iba ang pakiramdam niya,,
"May sakit ako ngayon guys, kaya I'm sorry hindi ako makakasama sainyo", sandaling napatitig ang mga ito sa kanya na puno ng pagtataka
"Ikaw ba talaga yan Isabel?? anong tupa ang sumapi sayo??",
"Common Isabel, alam ko namimiss mo narin gumamit", sabay ngisi pa ng isa, lalo siyang napamaang dito ibig sabihin ba nito ay gumagamit siya noon ng pinagbabawal na gamot??
"Magbihis kana hihintayin ka namin, hindi papayag si Big Boss na hindi ka namin kasama", wikang saad pa ng isa, bigla siyang kinalibutan sa mga ito kung umasta pa upo ang mga ito sa sofa ay tila pagmamay ari nila ang bahay. Hindi agad siya nakakilos at nanatili lang ang tingin sa tatlo na kampante parin sa pagkakaupo.