Pabalik na siya sa silid nila ng mapansin niya ang isang kwarto na nakaawang ang pinto, marahil ito ang guest room na kalapit ng kwarto nila. Napahakbang pa siya palapit dito, kakaibang kaba ang umahon sa dibdib niya kasabay ng panlalamig ng buo niyang katawan ng hawakan niya ang door knob para buksan ito, bakit pakiramdam niya ay nangyari na ito at tila hindi maganda ang nabungaran niya pagkapasok niya. Nagitla pa siya ng bigla itong bumukas, muntik pa siyang ma out of balance ng makaramdam ng panlalambot ng tuhod, agad naman siyang nahawakan ng Asawa sa braso.
"Isabel okay ka lang?", napahinga siya ng malalim saka tumango dito, naroon parin ang kaba at paninikip ng dibdib niya,,
"Magpahinga na tayo, you look tired",
"Dito kaba natutulog?", aniya ng makita ang loob ng silid, napansin niya kase sa kama ang polo nito, marahan naman itong napatango sa kanya at sandali siyang hinila papasok sa silid, lalo niyang naigala ang tingin sa loob at dun sa nakabukas nitong closet.
"Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ito Isabel", tila nahihirapang saad nito,
"Gusto kong malaman", aniya, tingin niya may koneksyon ito sa paninikip ng dibdib niya. napahinga naman ito ng malalim
"Parehas tayong nagdesisyon noon na maghiwalay ng tulugan, nagsasama tayo sa loob bahay para sa anak nalang natin pero hindi bilang mag-asawa, parehas tayong walang pakialam sa gagawin ng bawat isa. Hindi kita mapigilan sa gusto mong mangyari kaya pumayag ako sa gusto mo, sa kondisyon na mananatili ka dito kasama ni Bella kahit pa ni minsan ay hindi mo nagagawa na bigyan ito ng oras at pansin", napamaang siya sa narinig at nanlalambot na naupo sa kama nito, sobra siyang naguguilt sa nalaman pero naguguluhan parin siya at hindi maintindihan kung bakit,,
" Ano ang dahilan ko?? bakit??", naluluha niyang saad dito, hindi matanggap ng kalooban niya na ganon ang nangyari, na ganon ang ginawa niya, tiyak niyang may mabigat na dahilan
"Gusto mo ng kalayaan dahil hindi kana masaya sa piling ko, wala sa plano mo noon ang magbuntis pero hindi natin akalain pareho na ipagkakaloob siya, isa lang ang laging pakiusap ko noon sayo ang manatili para sa anak natin", muling wika nito, nang maalala ang bata ay tila pinipiga ang puso niya sa sakit, paano niya naatim ang bagay na yun dito ??, kahit anong mangyari ay anak niya parin ito,
"Hindi!!! I'm sorry!!!, I'm so sorry,, ngayon alam ko na kung bakit laging sumasakit itong dibdib ko,, sobrang laki ng pagkukulang at kasalanan ko sa inyo ni Bella,," dina niya mapigilang hindi mapaiyak dito, pakiramdam niya sobrang sama niya sa mag-ama niya,
"It's not too late for us Isabel,, we will start all over again please??" puno ng pakiusap na saad nito habang nakaluhod sa harapan niya,, lalo siyang napaluha dito,, hindi niya mapaniwalaan ang sarili na magawa ang bagay na yun,,
"Gusto mo paring makasama ang kagaya ko sa kabila ng lahat??"
"Gusto kong subukan ulit dahil hindi parin ako nawawalan ng pag-asa para sating pamilya, sobrang mahal ko kayo ng anak natin" wika nito at pinunasan ang luha niya sa pisngi, napatitig lang siya dito, masyadong mabait ito para sa kanya pero gagawin niya ang lahat para makabawi dito.
"Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko Liam, bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon", napamaang naman ito sa kanya kaya sandali silang napatitig sa isa't isa, bakas na naman sa mukha nito ang pagkamangha,, kinuha naman nito ang dalawang palad niya at hinagkan iyon,,
"Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka ulit sa piling ko,, samin ni Bella", naluluha na tumango siya dito, naramdaman niya nalang ang pagyakap nito sa kanya kaya gumanti rin siya ng yakap dito. Magsisimula ulit sila para sa kanilang pagsasama kahit na hindi pa tuluyang bumabalik ang mga alaala niya.
"You should rest, mahimbing narin ang tulog ni Bella", narinig niyang wika nito mula sa likuran niya, mataman niya paring pinagmamasdan ang natutulog nilang anak.
"Gusto kong magkwento kapa ng mga bagay tungkol sakin, kung ano ang naka ugalian ko noon at kung pano kita nakilala",
"Are you sure of that?",
"Tatanggapin ko kahit nakakadismaya ng sa ganun maitama ko ang pagkakamali ko sa inyo ng anak natin", aniya, napangiti naman ito at kinuha ang mga kamay niya, inalalayan siya nito para makaupo sila sa kama.
"Okay, san ko ba sisimulan?",
napatitig lang siya dito habang tila nag iisip pa ito ng sasabihin, napagmasdan niya tuloy ang gwapong mukha nito hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na ito ang asawa niya.
"Uhm, okay lang ba kung sa negative side muna tayo?", tumango lang siya dito at muli naman itong napangiti,
"Masyado kang bugnutin at mabilis mairita, ayaw mo ng jinojoke ka dahil lahat serious pagdating sayo",
"Huh?",
"Nang isilang mo si Bella nahirapan kang mag adjust, laging mainitin ang ulo mo at ayaw mong naririnig ang pag iyak niya, kaya naman nagdecide ako na ibukod siya ng kwarto kasama ang yaya niya", napalunok siya sa sinabi nito, tanging habag ang naramdaman niya para sa bata,
"Hindi mo namalayan ang paglaki niya, dahil ang gusto mong gawin noon ay magsaya kasama ng iyong mga kaibigan. Sinusundo kita lagi sa bar na laging lasing minsan naman ay tatakasan mo ko",
"Sa bar?? pero hindi ako nag iinom ayoko ng lasa ng alak", aniya dito, nagtataka na napasulyap lang ito sa kanya, sandali silang natahimik sa sinabi niya
"It's good to hear na ayaw mo na ng alak ngayon Isabel", napailing nalang siya dito, hindi niya nga alam kung maging ang lasa ng alak ay tanda niya paba gayong parang hindi pa naman talaga siya nakakatikim non.
"May pinag-awayan ba tayo? yung malalang away kaya tayo humantong sa ganong sitwasyon? or baka naman nambabae ka? tapos nahuli kita na may kasiping na iba", habang sinasabi niya ang bagay na un ay muli umahon ang kaba at panic sa dibdib niya, para kaseng totoong pangyayari ang naiimagine ng isip niya
"Wala akong ibang babae bukod sayo, ikaw lang ang minahal at pinakasalan ko. Nawalan ako ng oras at atensyon sayo kaya tayo humantong sa ganito, inuuna ko lagi ang trabaho para sa future natin hanggang sa hindi ko namalayan na nawawala kana sakin,, kaya hindi kita napigilan noon ng magtakangka kang lumayas at iwan ako dahil alam kong hindi kana masaya, the last thing I knew ay nabalitaan ko nalang na nagtangka kang magsuicide", bigla siya natahimik matapos marinig ang sinabi nito,, nung araw na nagtangka siyang magpakamatay,, ano nga ba ang pinaka dahilan niya non?? ilang sandali pero nanatiling blangko ang isip niya walang maalala na memorya.
"Let's change the topic, ayoko ng balikan ang bagay na yun", napatango nalang siya dito, alam niyang darating ang araw na babalik din ang lahat ng alaala niya, at kailangan niyang maging handa sa araw na yun. Ngayon palang ay umaahon na ang matinding kaba sa dibdib niya, sana lang ay matanggap niya iyon sa sarili.
"You love's make up, lagi tayong namamasyal sa mall pag may sale sa mga branded mong lipstick, powder and mascara",
"Really?? maalam akong mag make up???",
"Yeah, common I'll show you", tumayo naman ito at kinuha ang kamay niya, may isang pinto sa tabi ng C.R nila na agad nitong binuksan, pagbukas nito ng ilaw ay tumambad sa kanya ang malaking salamin at sa harapan non ay sobrang daming mga make up iba't ibang klase, namangha na nilapitan niya iyon at tiningnan isa isa. Hindi siya pamilyar sa mga bagay na ito, maging ang pag gamit nito ay nakalimutan niya??
"Sa akin ang lahat ng toh???",
"Yeah it's all yours",
"Lahat yan nilalagay ko sa mukha ko??", di makapaniwalang saad niya ulit dito kaya natawa lang ito sa kanya,, muli niya tiningnan ang mga gamit hindi parin talaga siya makapaniwala, dinampot niya ang isang brush at tiningnan, hindi niya nga maisip kung para saan ito gamitin,
"Sometimes inaabot ka ng 2 to 3 hours sa pag aayos, ayaw mong lumabas na walang make up",
"Hah??? nagtatagal ako dito ng ganon katagal??? can't believe it Liam,, it's a wasting of time", aniya at nauna ng lumabas ng silid, hindi niya maintindihan pero wala siyang interes sa lahat ng yun,, napangiti lang ito na isinara ang pinto. Hindi parin siya makapaniwala.
"I think walang kwenta lahat ng pinag gagawa ko sa nakaraan, wala man lang akong marinig na maganda",
"It's not true Isabel, ang pinakamaganda mong nagawa ay nung pumayag kang magpakasal sakin at ang araw na isinilang mo si Bella", masuyong wika pa nito, napasulyap naman siya sa bata na payapang natutulog, labis siyang nakokonsensya sa ginawa dito. Mas pinaglaanan niya pala noon ang ibang bagay kesa ang maalagaan ito, hindi siya makapaniwala na magagawa niya iyon sa sariling anak.
"That day I was the happiest man ang makasama kayo ni Bella ang pinakamahalaga sakin",
"Thank you,, bago man bumalik ang mga alaala ko na yun sisiguraduhin kong maraming magagandang bagay na kong magagawa na kasama kayo", napangiti naman ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya,,
"I'm so happy to hear that Isabel,, let's start again okay??", sunod sunod ang ginawa niyang pagtango dito saka ngumiti, muli naman siyang niyakap nito .
"Let's take a rest, maaga akong aalis bukas pero uuwi din ako agad,, magpafile ako ng leave para makapagbakasyon tayo",
"T-Talaga??",
"I'm sure na matutuwa ang Mama at Papa pag nalaman nilang nagiging maayos na ang sitwasyon natin", napangiti lang siya dito,
"Matulog kana okay?? goodnight", anito at hinagkan siya sa noo, lumapit din ito sa anak at ginawaran din ito ng halik,
"Goodnight my princess", sinundan niya lang ito ng tingin ng magpaalam ito,
"Ahm Liam?", napalingon naman ito sa kanya habang nakahawak sa door knob ng pinto niya
"Yes?",
"Don't you want to sleep here?? masyadong malaki naman itong kama at isa pa", bigla siya natigilan at napaiwas ng tingin, paano niya ba sasabihin dito na hindi siya sanay matulog ng mag isa?
"Is it okay to sleep next to you?", agad naman siyang napatingin dito, matagal na nga pala simula ng magbukod sila ng tulugan nito pero bakit ganon?
"Akala ko magsisimula tayong ulit, hindi mo parin ba ko kayang makatabi?",
"Ofcourse not Isabel, ayoko lang mabigla ka", wika nito at humakbang pabalik sa kama nila. Umahon tuloy ang kakaibang kaba sa dibdib niya.
"Let's sleep then", napatango lang siya dito saka nahiga, kumilos narin ito pahiga kaya naipikit niya ang mga mata, dalawang dangkal ang pagitan nilang dalawa at sobrang awkward ngayon ng pakiramdam niya. Ano bang naisipan niya at inalok niya pa itong matulog dito, pero hindi ba't mag asawa sila? paano sila magsisimula ulit kung sa pagtulog palang ay hindi na nila magawang magtabi? Napadilat pa siya ng biglang hawakan nito ang isang kamay niya, napabaling ang tingin niya dito.
"Thank you for accepting me again Isabel",
"I should be the one to say that,, thank you", aniya dito at ngumiti, napangiti lang din ito at marahang kumilos, umayos ito ng higa at hinila siya palapit sa bisig nito. Lalong kumabog ang dibdib niya ng mapalapit dito, nakaunan na siya ngayon sa braso nito habang ang isang braso nito ay nakayakap sa kanya. Ipinikit niya nalang ang mga mata at inisip na ito ang simula ng kanilang pagsasama bilang mag asawa.