Part 5

2072 Words
Hindi siya makapaniwala sa narinig na sinabi ng Asawa, bahagya pa siyang napatitig dito habang abala ito na pinagmamasdan ang kanilang anak. Matapos ang aksidenteng nangyari dito ay tila may nagbago sa pag uugali nito o baka dahil nawala ang alaala nito kaya ito kakaiba ngayon. "Bababa lang ako sandali para ihanda ang pagkain, pwede mo na ilapag si Bella para makapagpahinga karin", wika niya dito, umangat lang ang tingin nito sa kanya saka ngumiti, natulala lang siya dito, ngayon niya ulit nasilayan ang ngiti nito at sobrang ligaya ngayon ng kalooban niya. Nararamdaman niya na unti unti ng magiging maganda ang samahan nila ng Asawa, ayaw niya pa sana itong iwanan pero kailangan niyang icheck kung okay na ang pagkain sa baba para makakain na sila. Palabas na siya ng pinto ng matigilan siya at mapalingon ulit sa gawi nito, kumakanta ang Asawa habang hinehele nito ang anak nila, hindi nito inaalis ang tingin sa natutulog na bata at sobrang ganda sa paningin niya pagmasdan ang mga ito. Hindi parin siya makapaniwala na maging ang pagtrato nito sa anak nila ay magbabago samantalang noon ay halos wala itong oras kahit tapunan man lang ng tingin ang sanggol. Natutuwa naman siya pero di niya parin maiwasang hindi magtaka. Kumilos na siya at bumaba na ng hagdan, "Sir nakahanda na po ang pagkain, si Mam Isabel po?", "Nasa taas pa manang at pinapatulog si Bella", bigla nanlaki ang mga mata nito, tiyak niyang maging ito ay nagulat "Totoo ba yan Sir?? okay lang po ba si Mam??", "Manang the important is bumalik na ang asawa ko, maghanda kana po ng makakain na tayo", "O, osige Sir,, pero isang himala talaga yun", narinig niya pang saad ng ginang bago siya bumalik paakyat sa itaas. Isa itong magandang balita para sa kanyang pamilya, hiling niya na sana ay magtuloy tuloy na ito. Pagbukas niya ng silid ay nadatnan niyang nakaidlip na ang asawa habang nakasandal sa sofa, hindi parin nito binibitawan ang natutulog nilang anak. Marahan na lumapit siya dito at naupo sa tabi nito, hinaplos niya pa ang pisngi nito kaya agad itong napadilat. "Uhm, nakatulog pala ako,, buti nalang hindi ko nabitawan si Bella", may kaba sa tinig na saad nito at muli sinulyapan ang bata, "Let's eat, alam kong gutom kana", tumango naman ito kaya inalalayan niyang makatayo at ng mailapag na nila sa kuna ang bata, pero kakalapag palang nito ng bigla itong gumalaw at nagising, tila ayaw nitong magpalapag at agad dumilat ang mga mata, akmang iiyak ulit ito ng muling kargahin ng Asawa,, "Sshh, don't cry mommy's here bella", napatulala lang siya sa kanyang mag ina habang muli netong hinehele ang bata, mukhang ang anak niya ay tila sabik din sa yakap at aruga. "Ako na munang bahala kay Bella para makakain kana", "Okay lang, dito nalang siguro ako kakain para hindi ko maiwan ang anak natin", "Are you sure?", bahagya pang ngumiti ito saka tumango, tila ayaw pakawalan ng anak niya ang Mommy nito at nakayapos pa ang isang kamay sa braso ng Asawa. Kumilos nalang siya at bumaba, sa taas narin siguro siya kakain para may kaagapay ito. "Sir Ready napo, paakyatin ko lang po si Nene para may magbantay kay Bella", "Sa taas na kami kakain Manang, ayaw magpalapag ni Bella", muli na naman bumakas ang pagkagulat sa mukha nito kaya napangiti lang siya, "Namimiss siguro talaga ni Bella ang mommy niya,, nakakatuwa naman at may oras na si Mam Isabel sa anak niya", "Ssh Manang??", naitakip lang nito agad ang bibig, ayaw niyang marinig ito ng asawa at mabigyan ito ng alalahanin. Tinulungan nalang siya nito sa pagbitbit ng tray na may lamang pagkain. Nadatnan niya pa na gising na ang bata at aliw na aliw itong nilalaro ng Asawa, napatulala pa tuloy si Manang habang nakatingin sa mag ina. "Manang??", untag niya dito dahilan para mapatingin sa gawi nila ang Asawa, mabilis naman na kumilos ang ginang at inilagay na ang pagkain nila sa lamesa. "Mam Isabel kain na po kayo, ako na po munang bahala kay Bella", wika ng ginang ng makalapit sa kanya, nang sulyapan niya ang bata ay tila ayaw niya pa itong bitawan pero nakaramdam narin siya ng gutom kaya ipinaubaya na niya dito ang bata. Inasikaso naman siya ng Asawa sa pagkain, kahit medyo naiilang pa siya sa ginagawa nito. "Okay na Liam, busog na ko", aniya ng akmang sasalinan ulin nito ng kanin ang plato niya "Kailangan mo kumain ng marami para bumalik ang lakas mo", "Okay na ko, naghihintay pa sakin si Bella oh,, kailangan niya narin palitan ng diaper", napansin niya kase kanina na medyo puno na ang suot nito, "Si Nene na ang bahala dito kay Bella Mam, baka kailangan niyo pa po ng pahinga", "Nakapagpahinga na po ako Manang, ako na pong mag aasikaso kay Bella", wika niya dito na tila kinabigla pa nito, kanina niya pa napapansin ang palaging pagtataka nito pero hinayaan niya nalang. Ngumiti siya sa asawa at tumayo na, gusto niyang bigyan ng prioridad ngayon ang bata dahil tiyak niyang matapos ang lahat ng nangyari kailangan nito ang aruga niya. Muli gumaan ang pakiramdam niya ng mahawakan ang bata, tila pinapagaan nito ang bigat ng kanyang dibdib at parang ngayon niya lang naranasan ang pakiramdam na maging isang ina. Naninibago pa siya habang tinatanggalan ito ng diaper, may alam naman siya sa pagkabit nito pero parang ngayon niya lang kase ito nagawa sa tanang buhay niya. Para siyang nangangapa at umuulit sa simula. "Here", sabay abot nito ng wipes sa kanya, "Liam? pakiramdam ko ngayon ko lang ito nagawa?? ", "Uhm, yeah. Si Nene na at manang ang gumagawa niyan simula ng isilang mo si Bella", natigilan naman siya dito, pero imposibleng ni minsan ay hindi niya magagawa ito, "Kahit isang beses?", "Actually you already did, ngayon nagawa mo na Isabel,,", napatitig siya dito at nadismaya sa sarili, muli niya na lang pinagpatuloy ang ginagawa, lalo tuloy siyang na curious sa nakaraan niya. Kung anong klaseng Ina ba siya kay bella at asawa sa lalaki. Napaka imposible na ni minsan ay hindi niya nagawang pagtuunan ito ng pansin kahit sa simpleng pagpapalit ng diaper nito. Napangiti pa siya matapos mapalitan ito ng diaper at damit, sabik na kinarga na niya muli ito at niyakap. Nang mapasulyap siya sa Asawa ay nakangiti na pinagmamasdan lang sila nito. "Don't tell me na ngayon ko lang din ito ginawa kay Bella?", "No, masaya lang akong makita ang mag ina ko", napaiwas lang siya ng tingin dito ng makaramdam ng hiya, asawa niya ito pero hindi lingid sa kanya ang pakiramdam na tila estranghero ito sa kanya. Itinuon niya ulit ang atensyon sa bata, marami pa siyang gustong alamin sa nakaraan niya. "You should rest Isabel,", "Wala kabang pasok today? hindi kaba male'late?", curious na tanong niya naman dito, saka ito napatingin sa relo nito, "I still have time para samahan kayo ni Bella, ayokong mabigla ang katawan mo sa pag aalaga sa kanya", "Okay lang Liam, pakiramdam ko matagal kaming hindi nagkita ni Bella kaya miss na miss ko siya. Gusto kong bumawi", napangiti naman ito, nagitla pa siya ng marahan siyang niyakap nito habang karga niya ang kanilang anak. Tila may kung anong kuryente ang umakyat sa kalamnan niya ng dumapo ang balat nito sa braso niya. "Sobrang miss na miss ka namin ng anak mo Isabel,, hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya", namamasa pa ang mga matang saad nito, nahahabag tuloy siya dito, tila wala itong ibang hinangad kundi ang makasama siya. Nanatili siyang lagayan na walang laman, walang alaala ang pumapasok sa isip niya at yun ang isa sa nagpapasikip ng dibdib niya. Kahit alaala ng kanyang pagbubuntis at pagsilang sa kanilang anak ay hindi niya maalala. Hindi niya namalayan na madilim na sa labas, sandaling nagpaalam sa kanya ang asawa kanina na may pupuntahan na meeting at hanggang ngayon ay wala parin ito. Bumalik na ulit siya sa kanilang silid kung saan mahimbing ng natutulog ang bata. Inayos niya pa ang ilang gamit nito at inilipat sa silid nila, ayaw niyang matulog ito ng nag iisa doon sa nursery room, kahit pa sinabi ng mga ito na may monitoring naman ng heartbeat at video ang bata ay hindi parin siya tiwala. Mas gusto niya ang kasama ito at nababantayan, ito ang isa pa sa nagpapagulo ng isip niya paano niya natitiis ang ganong set up sa pagitan niya at sa kanyang anak? "Isabel?", "Huh?", agad pa siyang napalingon sa biglang pagdating ng Asawa, kasalukuyan niyang inaayos ang ilang gamit ni Bella, napansin naman nito ang pinalipat niyang kuna at ilang laruan, "Have you eaten?", "Hinintay na kita para sabay na tayong mag dinner", aniya dito habang inaayos ang ilang damit ng bata. Napatingin lang ito sa ginagawa niya, "Okay lang ba na inilipat ko dito ang ilang gamit ni Bella? nag-aalala kase ko na mag isa lang siya sa Nursery Room masyado pa siyang bata para iwan dun", "No problem Isabel, hindi narin ako mag-aalala", napangiti naman siya dito at nakahinga ng maluwag buong akala niya ay tututol ito, "Maghahanda lang ako ng pagkain sa baba tapos babalikan kita dito okay?? huwag mo iiwan si Bella", napamaang lang ito sa kanya hanggang sa makalabas siya ng silid nila. Agad siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina,, nakapagluto na ng ulam kanina si Manang at inalok na siyang kumaen pero napagdesisyunan niyang hintayin ang asawa. Hindi siya sanay kumakain ng mag isa, pagdating sa kusina ay agad siyang kumuha ng plato nila at kutsara saka inilapag sa lamesa,, "Naku Mam ako na po niyan, maupo nalang po kayo", awat sa kanya ng ginang pero pinagpatuloy niya lang ang ginagawa, "Manang okay lang, ako na pong bahala. Paki bantayan nalang po sandali sa taas si Bella para makababa na si Liam", "P-Po?", "Kako po si Bella tulog na sa taas pakibantayan po sandali at kakain muna kami ni Liam", aniya, sunod sunod lang ang pagtango na ginawa nito na bakas parin ang pagtataka, maging tuloy siya ay nagtataka narin dito, "Manang sandali", habol niya dito kaya napalingon agad ito, "Kumain na po ba kayo?", "O-Opo Mam tapos na po", napatango nalang siya dito, akala niya kase ay gutom lang ito. Parang tila lahat ng kilos niya ay laging pinagtatakahan nito, naihanda na niya ang kanin at ulam sa lamesa maging ang malamig na tubig ng madatnan siya ng Asawa sa kusina, ito naman ngayon ang may pagtataka sa mukha habang nakatingin sa inihanda niya, "Bakit mukhang nagulat ka? may mali ba sa ginawa ko?", untag niya dito, napailing naman ito saka ngumiti at pinaghila siya ng upuan, "Let's eat, ayoko lang na mapagod ka sa pagkilos dito. Remember kakalabas mo palang ng Hospital, at maghapon ka ng nag alaga kay Bella", "Liam trabaho ko yun, ang alagaan kayo ni Bella. Nahihirapan ako na wala akong maalala pero sinisikap kong gawin ang lahat", kinuha naman nito ang isang kamay niya at pinisil iyon, "Maaalala mo rin ang lahat okay?," "Gusto kong ipaalala mo sakin ang lahat, tulungan mo kong makaalala", nakikiusap niyang saad dito, napatitig naman ito sa kanya saka marahan na tumango. Napangiti na lang siya dito at nagsimula ng kumain. "Sa susunod susubukan ko naman ang ipagluto ka, parang bigla ko namiss ang magluto", nakangiting wika niya dito sa pagitan ng pagkain, bigla naman itong napatingin sa kanya "But you can't cook Isabel, you hate cooking", "Huh?", siya naman ang napatulala dito matapos marinig ang sinabi nito, nag-alangan pa tuloy ito kung ipagpapatuloy ang sasabihin o hindi,, "You hate cooking, kaya kinuha natin si Manang para may mag-asikaso ng pagkain dito sa bahay", "U-Uhm g-ganon ba,, I'm sorry" sabay yuko niyang saad dito, bigla siyang nakaramdam ng hiya sa harap nito, "It's not a problem Isabel, kung gusto mong magluto nariyan si Manang para tulungan ka", napalunok lang siya at marahang tumango, kaya rin ba kakaiba ang tingin sa kanya ni Manang dahil naninibago sa pinapakita niya? "Pakiramdam ko ayoko na lang alalahanin ang lahat, parang wala akong silbi sa nakaraan. Hindi ko magawang alagaan at bigyan pansin ang anak ko, tapos ayaw ko rin magluto? pano mo ko natiis pakisamahan Liam?", "Don't think about that Isabel, it's not matters to me,, ikaw ang ina ng anak ko kaya tanggap kita okay?", napatitig lang siya dito, naiinis siya sa sarili kung bakit ganon siya, tingin niya ay marami pa siyang bagay na malalaman na ikadidismaya niya lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD