Part 4

2018 Words
Makalipas ang ilang araw na pananatili niya sa Hospital ay naging maayos naman ang resulta ng mga test na ginawa sa kanya. Ano mang araw ay pwede na siyang makalabas pero wala paring nagbago sa sitwasyon niya. Humilom na ang mga natamo niyang galos at sakit ng katawan pero ang mga ala-ala niya ay hindi parin bumabalik. Napabuntong hininga nalang siya saka sinara ang libro na binabasa, kahit anong gawing basa niya ay walang pagbabago. Napaangat pa ang tingin niya ng bigla bumukas ang pinto, napaawang ang labi niya ng makita ang Asawa habang nakangiti sa kanya, may bitbit itong isang bouquet ng red roses at marahan na lumapit sa kanya. Pakiramdam niya ay nangyari na ito, agad siyang ginawaran ng halik nito sa noo. "Kamusta ang pakiramdam mo? sabi ni Doc anytime makakauwi na tayo", nakangiting saad nito sabay abot sa kanya ng mga bulaklak, napangiti rin siya dito,, "Thanks, pwede na tayo umuwi?", may galak na tanong niya, muli naman itong napangiti at inayos ang ilang hibla ng buhok niya saka tumango. Sa wakas ay makakalabas narin siya ng Hospital, hindi niya alam kung ano at sino ang mga naghihintay sa kanya dahil sa mga nawala niyang ala-ala pero ang pinakasasabikan niyang makita ay ang sanggol nilang anak. Sa larawan niya lang ito nakikita at halos mapaluha siya habang pinagmamasdan ito, hindi maipagkaila na anak niya ito dahil kamukhang kamukha niya. Hindi niya lubos maisip kung paano niya nagawang iwan ang isang musmos na bata. "Ready kana ba? I want to make sure na okay kana bago tayo uuwi ng bahay", "Gusto ko ng umuwi, hindi kinakaya ng konsensya ko na may paslit akong iniwan,, hindi ko alam kung ano ba ang mga pinag gagawa ko nitong mga nakaraan at bakit ako umabot sa ganito", "Ssh,, wag mong sisihin ang sarili mo Isabel,, mag sisimula ulit tayo okay?? ang mahalaga ngayon ay ligtas kana at makakasama kana namin ni Bella", napangiti naman siya dito at naramdaman niya ang pagyakap nito. Nasasabik na siyang makita at mahagkan si Bella, sa tuwing naaalala niya sa isip ang maamong mukha ng bata ay tila may humahaplos sa kanyang puso. Tingin niya ay hindi siya naging mabuting Ina dito at nahahabag siya para sa bata, ngunit babawi siya. Sa ilang araw na nakasama niya ang nakilalang Asawa ay naging panatag ang kalooban niya dito, sobrang buti nito sa kanya kahit tila hindi maganda ang naging nakaraan nila ay nagawa parin siya nitong alagaan at tanggapin kahit pa tinakasan na siya ng ilan niyang alaala. Hanggang sa dumating narin ang araw ng discharge niya, bakas ang excitement sa mukha ng Asawa habang nagliligpit sila ng ilang gamit sa silid niya. Sabik narin naman siya na makita ang bata maging ang bahay na tinutuluyan nila. Marahil pag nakauwi na siya ay may iilan ng bumalik sa memorya niya. Hindi siya nawawalan ng pag asa lalo na't alam niyang may mga tao na hindi siya iiwan sa kabila ng kondisyon. Sa tuwing pagmamasdan niya ito kakaibang kirot ang umaahon sa kanyang puso, hindi niya maintindihan kaya nacucurious siya kung anong pagsasama ang meron sila nito sa nakaraan. Sa ilang araw nilang magkasama ay nanatiling tahimik ito at hindi nagbabanggit ng kahit ano. Tiyak niyang mabuti itong asawa ang hindi niya sigurado ay kung naging mabuti ba siyang asawa dito. "Hey okay ka lang??", untag nito sa kanya habang palabas sila ng Hospital, bitbit nito sa kabilang kamay ang bag nila habang hawak hawak naman nito ang isa niyang kamay, marahan lang siyang tumango at pilit na ngumiti dito. May parte parin sa kalooban niya ang hindi sigurado pero sapat na ang ilang mga larawan na pinakita nito sa kanya, ang larawan nilang magpamilya. "Let's go,,", Hanggang sa marating nila ang parking, agad siyang pinagbuksan nito ng pinto ng sasakyan para makapasok sa loob. Saka ito umikot para sumakay sa drive seat, umahon ang kaba sa dibdib niya hindi niya alam kung ano ang nadadatnan niya, tila bago ito ngayon sa pandama niya. "Aalis na sila", Napatitig lang siya sa dalawa habang lulan na ng sasakyan, mapait na napangiti lang siya at inayos ang suot na shade. "Hanggang sa muli Isabel", "Are you sure about you're decision?? hindi mo ba yan pagsisisihan?", may alalang tanong pa nito sa kanya kaya napasulyap siya dito "Yeah I've thought about it well, alam kong magiging masaya ang kapatid ko sa kanya, magiging masaya silang dalawa", "You're crazy Isabel, pano mo nagawa ito sa kakambal mo??", "She deserves to be happy Mark, Let's go. soon magkikita ulit kami ni Sophia,, no it's Isabel", aniya sabay ngiti, napailing nalang ang lalaki saka pinaandar ang makina. Wala siyang pinagsisihan sa ginawang desisyon, her twins deserve to be happy and she deserves it too. Gusto niyang maging malaya, umayon sa kanya ang tadhana sa nangyaring pagkawala ng amnesia ng kanyang kakambal, ito ang pansamantalang magpapatuloy ng buhay niya. Masama man sa isipin pero hinihiling niya na wag na sanang bumalik pa ang alaala nito, tiyak niyang magiging maligaya ito sa buhay na iniwan niya na dapat naman talaga ay para dito. Kung hindi lamang siya gumawa ng kamalian noon, kung hindi niya sana inagaw ang buhay na dapat ay tinatamasa ng kanyang kapatid. Hindi lang iyon ang inagaw niya dito maging ang lalaki na nangako na babalikan ito, payak pa siyang napangiti. Ngayon ay makakabawi na siya sa kakambal, unti unti niyang ibabalik dito ang buhay na nararapat dito, hindi nito deserve ang masaktan.Susundan niya pa sa ibang bansa ang lalaking may kagagawan sa sinapit ng kapatid. Sisiguraduhin niyang makakaganti siya dito bago magpapakalayo layo. Kung babalik man ang alaala ng kapatid alam niyang siya agad ang unang hahanapin nito kaya magkikita pa sila at saka na niya ipapaliwanag dito ang lahat. Mahigit dalawang oras din ang naging byahe nila hanggang sa makapasok sila sa loob ng isang subdivision, tahimik lang siya at panay lang ang sulyap sa kanya ng Asawa tingin niya ay nag-aalala ito sa kanya kaya ng sulyapan niya rin ito at nginitian. May pag-aalala man ay pinakita niya dito na panatag ang kanyang kalooban, tingin niya ay wala naman dapat siyang ipag-alala dahil ang uuwian niya ay ang kanyang pamilya. Hanggang tumigil sila sa isang puting gate na agad binuksan ng guard, ito na marahil ang bahay nila. Pagka park nito ay mabilis itong bumaba ng sasakyan, nag tatanggal pa lang siya ng seat belt ng agad na siya nitong napagbuksan ng pinto at inalalayan pa ang kamay niya. "We're home", nakangiting wika sa kanya nito, nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay naagaw pansin niya agad ang magandang pagkakayari ng two storey house na may kulay puti at gray na kulay. Maging ang pagkaka landscape ng garden na malapit sa kanilang parking, "Let's get inside, naghihintay sa loob ang anak natin", tumango na siya dito saka muling kinuha ang kamay niya, habang iniikot ang tingin sa paligid ay nabigo siya na may maalala kahit isang bagay, tila bago ang lahat sa kanya. "Manang?, Manang were here", wika ng Asawa, habang papasok sila sa loob ng sala, isang humahangos naman na ginang ang lumabas mula sa gilid at agad lumapit sa kanila, "Sir Liam nariyan na po pala kayo,, Mam Isabel, welcome back po", sabay yuko pa nito sa kanya,, nang ngitian niya ito ay tila nailang pa ito at agad nag iwas ng tingin, "Manang si Bella? gising naba?", "O-Opo Sir, naroon po sila ni Nene sa silid ni Bella", nakangiti naman na sumulyap sa kanya ang Asawa at inaya na siya paakyat ng hagdan. "Let's go, I'm sure namimiss kana ng anak natin,,", napangiti lang siya dito, nang sulyapan niya naman ang ginang ay bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya, napahinga nalang siya ng malalim hanggang sa marating nila ang sinabing silid. Pagbukas ng pinto ay nadatnan nilang umiiyak ito habang karga karga ng isang babae, "Ay Sir Nandyan na po pala kayo, Bella look oh nandyan na ang Mommy at Daddy", tila nasabik naman siya ng makita ang bata na umiiyak parin, agad naman itong nilapitan ng kanyang Asawa at kinarga ang bata. "Why are you crying Bella?? Mommy is here na, you don't have to cry", masuyong wika nito sa bata at hinagkan nito sa noo, pakiramdam niya ay napako siya sa kinatatayuan habang nakamata sa mga ito. Hindi niya alam kung anong gagawin, "Welcome back po Mam, masaya po ako na nakauwi na kayo,, sobrang miss na po kayo ng Anak niyo", untag sa kanya ng nagngangalang Nene bago ito sa kanila nagpaalam na lumabas, yakap yakap naman ng kanyang Asawa ang bata na patuloy sa paghikbi, hindi niya parin maikilos ang kanyang mga paa kaya ito na ang lumapit sa gawi niya. Nang matitigan niya ang mukha ng bata ay tila may kumurot sa kanyang puso, naaawa na kinuha niya ito sa asawa, agad naman na sumama sa kanya ang bata at naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Napapikit siya habang yakap yakap ang walang muwang na bata, bakit pakiramdam niya ngayon niya lang nagawang yakapin ito at ang sakit ng kanyang puso na tila sabik ang bata sa kanya habang isinasandal pa nito ang ulo sa dibdib niya,, "I'm so sorry Bella,," mahinang saad niya,, ngayon niya lang naramdaman ang ganitong uri ng yakap na galing sa isang bata, napangiti naman na tiningnan siya ng asawa. Hindi niya maawat ang sarili na hindi hagkan at yakapin ang bata, kakaibang saya din ang hatid sa kanya tuwing natititigan niya ang mukha nito na may pagkakahawig sa kanya. Muli naman itong umiyak kaya naalarma siya na napatingin sa asawa, "Baka may masakit sa kanya?", "I think nagugutom na ang anak natin at mukhang inaantok na", "Hah?", sinundan niya lang ng tingin ito habang nagtungo ito sa lamesa kung saan naroon ang gatas at bote nito, sumunod lang siya dito bitbit ang bata, "Formula? hindi ba siya breast feed?" takang tanong niya, napangiti naman na sumulyap sa kanya ang asawa habang nagsasalin ng powder sa bote, "Nahirapan kang magpa breastfeed kaya mas prenefer natin ang formula, wala naman naging problema kay Bella", marahan na napatango lang siya dito, matapos nitong mahaluan ng tubig ang bote ay sandaling shinake nito at iniabot sa kanya. Napatingin pa siya dito, umiiyak na ulit ang bata at tingin niya ay gutom na talaga ito kaya agad niyang kinuha ang bote dito, inalalayan naman siya nito na makaupo sa sofa, nang ihiga niya sa braso ang bata ay marahan niyang isinubo ang tsupon dito, agad naman itong sinunggaban ng bata na tila gutom na gutom, hindi niya mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ito, naaaliw siya dito at mahigpit pa ang pagkakahawak nito sa daliri niya. Nang mag angat ang tingin niya sa Asawa ay hindi maalis ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan silang mag ina,, "Sobrang saya ko Isabel na makitang magkasama na ulit kayo ng anak natin", "Matagal ko bang napabayaan ang anak natin?", natigilan naman ito at agad umiling, "Not like that, may mga bagay ka kasing inaasikaso noon kaya madalas mong naiiwan ang anak natin", "G-Ganon ba,," hindi niya lubos maisip na nagawa niyang iwanan ang sariling anak, ano ba ang mga importante niyang pinag gagawa noon?, "Wag mo ng isipin yun okay?, magsisimula ulit tayong tatlo ni Bella. And promise me one thing Isabel", nakatulog na ang bata kaya muli siyang napatingin sa seryosong mukha ng Asawa,, "Wag mo na kaming iiwan ni Bella, babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko saiyo. Muli nating ayusin ang pamilya natin", tila may punyal na naman na tumatarak sa dibdib niya habang nakikita ang paghihirap sa mga mata nito, hindi siya agad nakaimik namasa lang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng bata, paano niya nagawang pabayaan ang batang ito? bakit tingin niya ay sobrang sama ng mga pinaggagawa niya sa nakaraan,, "K-Kung may nagawa man akong mali noon, p-patawarin mo ko Liam,, pero hindi ko na kayo iiwan, hindi ko na kayo iiwan ni Bella", aniya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha, napamaang lang sa kanya ang Asawa na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD