Ika-apatnapu’t Apat na Kabanata Ikatlong Dibisyon Warning: Murder/killing ahead! Read at your own risk. Point of View: Third Person Tahimik ang paligid sa loob ng kweba. May mangilan-ngilang patak ng tubig mula sa loob at tanging ang mabibigat na paghinga lang nila ang naririnig doon. Kung kanina ay puno ng sigawan at pagdaing ang buong lugar, ngayon ay para bang silang dalawa na lamang ang nasa loob. Wala na sina Clairn at ang ikalawang prinsipe sa paligid kaya sa tingin nila ay lumabas na ang mga ito at hindi na nakialam pa. “Sumuko ka na,” ani Olivia, habol ang kaniyang hininga dahil sa ilang oras nilang pagpapalitan ng mga atake. “Natalo na nina Clairn at Paulo, I mean, ng ikalawang prinsipe ang lahat ng alipin mo. Wala ng saysay pa ‘tong ginagawa mo.” Pagak na natawa si Armin.

