Ika-apatnapu't Tatlo na Kabanata Ang ninanais na pagbabago Point of View: Third Person Nang sugurin siya ni Ter, alam niya sa sarili na wala na siyang magagawa kung hindi ang pigilan ito rito. Alam niyang pursigido na itong ibuwis ang buhay para sa Black Knights, para sa maling grupo. At ito ang isa sa mga mahirap pigilan. Ang ganito kadeterminadong mga tao ay mahirap baguhin ang isip. Ang mga taong may paninindigan at malakas ang kumpiyansa sa isang bagay ay silang mahirap baguhin ang pinaniniwalaan. Kung ganito na ang nais ng lalaki ay hindi na siya kukulitin pa ng ikalawang prinsipe. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hahayaan na lang niyang gawin ng lalaki ang isang bagay na alam niyang pagsisisihan nito sa huli. Dahil marami pa rin ang sumusugod sa prinsipe ay naging mahirap ang

