Kabanata 17

1062 Words
Mabilis akong bumangon at hinabol ang nagtatampong si Leandro. Ipinulupot ko ang braso ko sa katawan niya mula sa likod. "Iniibig," I said. "Ano?" tanong niya. "Iniibig kita, kahit na hindi ko makilala ang iyong wangis," pinigilan kong matawa. "Tinutukso mo ba ako, Binibini?" Inalis niya ang pagkakayakap ko at hinarap ako. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na matawa. Seryoso niya akong tinignan sa mata. "Mukha ko lang ba ang minahal mo sa akin?" "Ano?" gulat na tanong ko sa kan'ya. Hah! oo gwapo siya pero lakas din naman ng self confidence niya. "Hindi ba?" Nakangising tanong niya. "Ha! Para sa kaalaman mo hindi ako tumitingin sa itsura! Mahal kita dahil 'yon ang nararamdaman ko!" "Mahal mo ako?" Nakangising tanong niya. Tss alam naman niya' yon tinatanong pa niya. Halata naman aalis ba ako sa simbahan habang ikakasal sila kung hindi. Iiyak ba ako sa ilalim ng ulan kung hindi. "O-o nga!" Humalakhak siya at niyakap ako. "Alam ko, ramdam ko. Chelsea." Kakaiba ang pakiramdam sa tuwing tinatawag niya ako sa totoong pangalan ko. Ang bantot nang Josefa pero ayos lang basta siya nag pangalan sa akin no'n. "Magpahinga ka na," sabi niya bago kumalas sa yakap. "Ha?" Takang tanong ko. "May lagnat ka mahal, magpahinga ka muna at kukunin ko sa baba ang almusal natin." Napanguso ako, gusto ko pa siyang kayakap. "Mamaya na," sabi ko bago yumakap sa bewang niya at tiningala ang namamaga niyang mukha. Ngumiti siya at pinatakan ng isang Halika ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at sinaway siya. "Wag mo akong halikan! Baka mahawa ka!" Natawa lang siya sa reaksyon ko. "Napakaganda mo, di ko maiwasang matukso." Agad akong humiwalay sa kan'ya at tumakbo sa kama at nagtaklob ng kumot. Ahh! Impit akong tumili. Kinikilig ako! Naramdaman ko na lumapit siya sa kama ko at naupo, pilit niyang inaalis ang talukbong ko pero ayaw kong bitawan. "Mahal," Wait pamahal-mahal na siya hindi ba dapat ay liligawan niya muna ako? Maling nakaraan yata ang napuntahan ko. Inaalis ko ang talukbong ko at tinignan siya nang masama. "Hindi ba dapat ay liligawan mo muna ako?" tanong ko sa kan'ya. "Pagkatapos nang lahat nang kaguluhan, Josefa." Josefa na naman mas gusto ko na tinatawag niya ako sa totoo kong pangalan. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Silvia. Nagulat siya nang makitang nandito si Leandro. "Paumanhin, Ginoo. Hindi ko alam na narito ka, kay Josefa lamang na pagkain ang nadala ko," sabi ni Silvia habang nilalagay sa lamesa ang pagkain ko. "Ayos lamang, Silvia bababa na lamang ako mamaya." Umalis na si Silvia at iniwan kaming dalawa. Akala ko ay aalis na rin si Leandro para makakain na siya pero hinintay niya pa akong matapos kumain. Pinahiga niya lang ulit ako pagkatapos ko kumain para makapagpahinga. Nang tanghali ay bumuti na ang pakiramdam ko. Si Teresa ang nagdala ng pagkain sa kwarto ko. May mga gusto akong itanong sa kan'ya pero hindi ko alam kung dapat ko bang itanong. Napabuntong hininga ako, gusto ko talagang malaman. "May nais ka bang sabihin?" tanong sa'kin ni Teresa. "H-ha?" "Kanina ka pa tingin nang tingin sa akin pagkatapos ay bubuntong hininga," puna niya. Napapansin pala niya. Nakakahiya naman kasing magtanong alam ko naman kung gaano kahirap ang kan'yang sitwasyon. "Ayos lang?" Tanong ko. Bahagya siyang natawa. "Walang problema, Josefa." "Bakit hinayaan mo na pakasalan sana ng Kuya mo si Elizabeth?" Nagtataka lamang ako, kung alam niya ang tungkol kay Esperanza at sa magulang niya bakit hahayaan niya pang mapalapit sa pamilya nito. Malungkot siyang ngumiti at bubuntong hininga. "Ang pagmamahal ni Elizabeth ang puno't dulo nang lahat. Ang akala ko ay pag nakuha na niya si Kuya ay wala nang mapapahamak. Josefa ayokong sa tuwing may magmamahal sa kuya ko ay kailangang mamatay o baka mamaya ay mismong si Kuya Leandro na ang mawala," tumigil siya at pinahid ang luhang kumawala sa mga mata niya. "Pero hindi ko inakala na dadating ka, akala ko maayos na ang lahat pag makakasal sila. Ngunit nagmahal muli ang kapatid ko at ikaw iyon. Kahapon hindi ko kayang nakikitang si nasaktan ka rin nila, hindi ko kayang isipin na maging ikaw... hindi ko kaya na p-pati ikaw ay papaslangin nila kaya't lumakas ang loob ko na sabihin ang lahat." Niyakap ko si Teresa, sobra-sobra ang pagpapahalaga niya sa akin. Ang sakit isipin na nasasaktan siya nang labis dahil sa mga pangyayari sa buhay nila at dahil lamang sa nagmamahal sa kuya niya. Nang sumapit ang gabi ay bababa na ako nang makasalubong ko si Silvia. Ngumiti ako sa kan'ya at nagtaka ako nang hindi siya ngumiti pabalik. "May problema ka ba Silvia?" Takang tanong ko. "Mayroon, Binibini," malungkot na sagot niya sa akin. Lumapit ako sa kan'ya para tanungin siya kung ano ang problema niya ngunit nagulat ako nang mabilis niyang takpan ang bibig ko at mabilis na hinila ako sa likod ng bahay. Isang lalaki ang nakita kong sumalubong sa amin at sobrang lakas na sinuntok ako sa sikmura dahilan para mawalan ako nang malay. Nagising ako sa isang madilim na gubat kung saan tanging isang lampara lamang ang nagsisilbing liwanag. Nakatali ang katawan ko sa isang puno at nasa harapan ko si Silvia na galit na nakatingin sa akin. "S-Silvia..." Hindi ko maintindihan anong ginagawa niya. Bakit niya ako dinala rito? Anong kasalanan ko? "Anong problema Silvia?" malungkot na tanong ko sa kan'ya. Bumuntong hininga siya at naupo sa isang malaking ugat ng puno sa tapat ko. Tinitigan niya ang lampara sa gitna namin. "Nasira mo ang mga balak ko, mabuti na lamang at nagawan ko na nang paraan," nakangising sabi niya. Hindi ko siya maintindihan, ano bang sinasabi niya? Anong balak? At bakit ko nasira iyon? "Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya. "Binigay ko na kay Leandro ang sulat na nagsasabing bumalik ka na sa pinagmulan mo, Chelsea." Nagulat ako nang tawaging niya ako sa totoo kong pangalan at kung paano niya tawagin sa pangalan lamang si Leandro, nasaan ang Ginoo? This girl... I can feel something dangerous in her... Bakit siya gumawa ng sulat na umalis ako? Bakit niya kailangang palabasin na umalis ako kahit na bihag niya ako ngayon. Mas masakit pa sa makitang may ibang minamahal ang mahal mo, ang panlilinlang ng isang taong tinuring mong tunay na kaibigan. Ang taong pinagkatiwalaan mo sa huli siya pa pala ang dudurog sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD