Kabanata 18

1061 Words
The worst thing you could ever experience is being betrayed. Betrayed by those who you choose to trust and to be friends with. "B-bakit? B-bakit m-mo kailangang g-gawin 'yon? M-magkaibigan tayo, hindi ba?" nanghihinang tanong ko sa kan' ya. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang gawin sa'kin 'to. "Magkaibigan?" natawa siya habang sinasabi iyon. "Magkaibigan sana tayo kung hindi nahulog sa iyo si Leandro!" sigaw niya. "Ano bang sinasabi mo?" "Iniibig ko siya!" Nanlaki ang mata ko sa sinigaw niya. The ladies in this time are crazy inlove with Leandro. Nagagawa nilang gumawa nang masama sa ngalan nang pag-ibig nila. Hindi ba nila alam ang salitang pagpaparaya? "Hinayaan ko na nga siyang makasal kay Elizabeth para naman sa pagsalo ng pamilya nito sa mga kasalanang pag patay ko," humalakhak siya matapos sabihin iyon. A-nong... "Ako ang pumatay kay Esperanza, Josefa. Kasalanan niya iyon! Pumayag siya na ipaubaya si Leandro kay Elizabeth sa halip na sa akin!" Nakakatakot ang babaing ito, kaya niyang pumatay dahil lamang sa pagmamahal niya. Baliw siya! "A-ang magulang ni Leandro?" tanong ko sa kan'ya. Nagbabakasakali ako na kahit iyon lang ay hindi siya ang gumawa. Mahal niya si Leandro kaya siguro naman... "Ako rin," ngumisi siya. Naubos ang katiting na pag-asa ko na may kabutihan sa kan'yang puso. Wala siya sa tamang pag-iisip! Papano niya nagawa ang pag patay sa mga walang kasalanang tao? "P-paano mo n-nagawa iyon?" ngayo'y umiiyak na tanong ko. Ako ang nasasaktan sa mga pinagdaanan ni Leandro dahil lamang sa pagmamahal nang baliw na ito. "Wala akong magagawa kailangan kong gawin iyon. Ang akala nila ay si Elizabeth ang pumatay kay Esperanza kaya sila nagtungo sa bahay nina Elizabeth para kausapin ang magulang nito ngunit itinanggi nang pamilya ni Elizabeth ang paratang!" tumigil siya saglit at tumawa. "Ang akala ko ay ligtas na ako, pero nakita nang ina ni Leandro sa silid ko ang kutsilyong ginamit ko sa pag patay kay Esperanza. Wala akong pagpipilian, Josefa pinatay ko na rin sila at pinatapon malapit sa bahay ni Elizabeth," humalakhak siya nang malakas. "P-pinatapon?" Ibig sabihin ay may kasamahan siya, may kasabwat siya! "Oo, Pinatapon. Mayaman ako Josefa nagpapanggap lamang akong alipin para mapalapit kay Leandro!" "Baliw ka!" sigaw ko sa kan'ya. "Walang saysay ang kahit ano pang wikain mo, mamatay ka rin!" Lumapit siya sa akin at sinampal ako nang malakas, kaliwa't kanang, paulit-ulit. Sobrang hapdi na ng pisngi ko pero wala akong magawa nakatali ako! "Kulang pa ang p*******t sa iyo ni Elizabeth! Mas sasaktan kita! Kapag patay ka na mapapansin na ako ni Leandro, at si Elizabeth na ang sasalo sa lahat nang kasalanan ko!" humalakhak siya habang patuloy akong sinasaktan. "Baliw ka! Baliw ka!" sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko kayang isipin na mapupunta sa kagaya niya si Leandro. Isang baliw sa pagmamahal at makasalanang babae. Hindi ba siya natatakot sa mga ginagawa niya? Hindi ko iniinda ang sakit nang ginagawa niya ang hindi ko kaya ay iyong papano kung malinlang nga niya si Leandro, si Teresa paano ang mag kapatid? Iniisip ko pa lamang na magkasama sila ni Teresa ay nasasaktan na ako, papaano kung saktan din niya si Teresa? Hindi ko kaya, naninikip ang dibdib ko sa sakit. Tumigil siya sa pag sampal sa akin at bumalik sa inuupuan niya kanina at binuksan ang nakatakip sa maliit na basket na naroon. Nagulat ako nang kunin niya mula sa basket ang isang baril. Nagmula nga siya sa mayamang pamilya dahil imposible na magkaroon nang baril ang isang katulong sa panahong ito. "Tatapusin ko na ang paghihirap mo." Ngumisi siya at tinutok sa akin ang baril. Pumikit na lamang ako at hinayaan ang mga luha ko na umagos sa pisngi ko. Wala na akong magagawa, dito na matatapos ang paglalakbay ko sa nakaraan. Hindi ko alam kung makakabalik ba ako sa kasalukuyan o tuluyan na akong mamamatay pagkatapos nito. Leandro kung nasaan ka man ngayon, kung naniwala ka man sa sulat na binigay sa iyo ni Silvia ay mas mabuti na rin kaysa malaman mong namatay ako. Umalingawngaw ang putok ng baril. Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko. Takot kong minulat ang mata ko at na gimbal ako nang makita si Leandro na nakayakap sa akin. Prinotektahan niya ako sa balang para sa akin. "P-papaano ng..." gulat na sambit ni Silvia. "Leandro... H-hindi..." mas lalo akong naiyak nang makita ko kung paano niya indahin ang tama ng bala. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin. "M-mahal ko, tama ako hindi mo ako basta basta iiwan na lamang," sabi niya. Umiling ako sa kan'ya. "H-hindi, hindi kita iiwan kaya pakiusap wag mo rin akong iiwan," umiiyak na pakiusap ko. Hindi ko siya kayang mawala, hindi ko kayang mawalan siya nang buhay sa mismong harapan ko. "H-higit pa sa pagmamahal k-ko kay Esperanza, sa iyo'y walang kapantay. C-chelsea... Bumalik ka sa pinagmulan mo, mahal k-ko." Dahan-dahan niyang nilapitan ang mukha niya sa akin at masuyong hinalikan ang mga labi ko. Libo-libong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya na ako lamang ang minahal niya nang ganito pero labis labis ang sakit, hindi manlang kami pinagbigyan nang tadhana. Bakit hindi na lamang kami sa parehong panahon pinanganak, sa panahong walang Silvia. "Ahhh!!!" nababaliw na sigaw ni Silvia. Gamit ang natitirang lakas ni Leandro ay niyakap niya ako. Isang putok pa ng baril ang narinig ko bago tuluyang bumagsak ang katawan ni Leandro. Gusto kong sumigaw pero wala akong boses. Parang pinipira-piraso ang puso ko sa sobrang sakit. Nakahandusay sa harapan ko ang katawan ni Leandro na wala nang buhay, duguan. Gusto ko siyang abutin pero hindi ako makaalis sa pagkakatali ko sa puno. Nilingon ko sa Silvia at tulala itong nakatingin sa katawan ni Leandro. Bumaling siya sa akin at luhaag tinutok sa akin ang baril. Hindi na ako pumikit at hinintay na lamang na kalabitin niya ang gatilyo. Naramdaman ko ang bagay na tumama sa kaliwang dibdib ko matapos niyang iputok ang baril. Nanlabo ang mga mata ko, pero bago ko pa tuluyang maipikit ang mata ko ay nakita ko ang paparating na si Teresa. May hawak na baril ang kaawa-awa kong kaibigan at paulit- ulit na pinaputukan si Silvia. Nang maubos ang bala ay nagwala siya, hinagis ang baril at napaupo sa damuhan. Humagulhol siya nang makita ang ayos namin ni Leandro. Tuluyan ko nang pinikit ang mata ko at naglaho na ang masakit na tanawin sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD