AVA POV Nang itaas na nitong si Chelsey ang kanyang kilay ay bigla na akong kinabahan. "Hoy Ava? Anong ibig mong sabihin ha?" tanong niya pa. "Eh kasi girl, naka kuha kasi ako ng tip kay tita Risa nitong nakaraang araw kaya ang gusto ko ay mag bati na kayo ni Garry. Ilang araw na rin kasi akong hindi mapakali sa mga nangyayari that is why gusto ko na bago kayo pumasok sa office ay magkaayos na kayo!" "Duh! There is no way I am going to do that!" sambit ni Chelsey sabay tayo, "Ayaw ko ngang makipag ayos sa baklang yun, I hate him kasi nagawa niya pa akong saktan considering na lalaki pa rin siya. Ayaw kong makipag ayos sa kanya Ava, nako, I hated you for setting me up like this. Sana pala ay umuwi na lang ako or nag punta sa ibang lugar!" Hindi ko akalain na mas magiging komplikado

