AVA POV "Duh! Wala akong sama ng loob sayo girl, it's just that, sometimes you need to taste your awful medicine. Matapang ka di ba? Pwes, ngayon mo ipakita ang totoong tapang mo sa akin!" sambit ni Garry. "Aba sumosobra ka na ha? Sige nga, kung matapang ka ay unahan mo na akong sabunutan!" Pumagitan na si Sean sa kanilang dalawa. "Guys please, wag na kayong mag away okay? Hindi ba kayo naawa sa misis ko ha? Tingnan niyo siya, nag effort siya na pag ayusin kayo tapos ayaw niyo pa rin na mag bati. Hindi niyo ba na appreciate ang mga ginagawa niya ha?" Natahimik sila Chelsey at Garry, aba iba rin pala ang asawa kong ito. Talagang totoo ang kanyang pagsusuway. Nang tingnan niya ako ng seryoso ay lumayo na ako kaagad kasi baka kung ano pa ang mangyari. Ngayon pa lang nga ay naaawa na a

