SEAN POV Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman ko ang isang basang twalya sa noo ko at mainit ang buo kong katawan. May sipon pa ako at ubo, masakit din ang ulo kong nakasandal sa unan, nang hihina at walang lakas. Narinig kong nag ring ang cellphone ko sa lamesa. Kaylangan ko itong sagutin at baka tumatawag na si Chelsey o baka kaya ay si Ava. Gustuhin ko man na bumangon subalit nang hihina ang aking katawan. Nagbukas ang pintuan at nakita ko si mama na may dalang isang tray na may lamang mangkok at plato. Sa amoy nito, alam ko na ang dala niya ay tinolang manok at isang cup ng kanin. Buti naman at nag bago ang ulam na ihinain niya. Patuloy na nag ring ang cellphone ko at nahihiya man ako na utusan si mama ngunit walang ibang mauutusan dito bukod sa kanya. "Ma, pakuha po ng

