SEAN POV Para na akong basang sisiw na nakakapit dito sa labas ng jeep. Ang lakas ng patak ng ulan at sinasalo ko ito. Sobrang basa kasi ang katawan ko, literal na naliligo na sa lakas ng ulan. Salbahe ang driver ng jeep sapagkat hindi niya ako pinayagan na pumasok sa loob at baka makabasa na ako ng ibang mga pasahero sa loob. Nasira kasi ang payong ko ng malakas na hangin. Mumurahin kasi kaya ang daling masira. Pinalabas kasi niya ako kanina at sinabing sa iba na lang ako sumakay pero sa sobrang traffic, magi inarte pa ba ako? Gawain ko na ang ganito noong hayskul at college ako, natuto akong maging ganito dahil na rin sa ilang mga tropa kong bad influence ngunit tinuruan din nila akong dumiskarte sa kalsada. Malamang nito, kapag nakauwi na ako sa bahay ay lupaypay na ako at bukas, m

