HECTOR POV Mag isa ako dito sa bahay ko, tulalang tulala ako sa pool at nakaka ilang baso na ako ng alak subalit hindi ako tinatablan ng kalasingan. Naging lutang ang pag iisip ko at hindi na ako mapakali. Everything seems to fall apart, sobrang tagal ng panahon na ginugol ko sa company ko pero ngayon ay maglalaho na ito ng parang bula. Kasalanan itong lahat ni Ava at ang kupal niyang boyfriend. Ibibigay ko sa kanila ang halakhak sa ngayon subalit darating din ang araw na ako naman ang gaganti sa kanilang dalawa. Akala nila ay papayag ako na matatapos lang sa ganito ang lahat? Kinuha na nila sa akin ang company ko at lahat ng meron ako. At nang mabalitaan ko pa na si Ava ang papalit sa pwesto ko, tinapon ko ang boteng hawak ko sa dingding sa harapan ko dulot ng aking matinding galit

