CHELSEY POV Muntikan pa nga akong maabutan ng ulan kanina. Mabuti na lamang at mabilis akong maglakad after kong bumaba sa taxi. Nakaka badtrip nga yung driver na grabe maningil. Ang sama ng ugali niya, akala mo ay kung sino mag salita. Ang ganda na sana ng mood ko at mag bibigay na ako ng malaking tip pero wala eh, sadyang marami lamang talagang mga kupal sa mundo. Gabi na at this time ay naka lock na ang bahay namin. Mabuti naman at nakinig itong si Rowena sa akin na I lock ang pintuan. Malamang din ay nandito na sa loob. Ginamit ko na ang ID ko sa pag bukas ng pintuan at ang dilim na dito sa loob. Tanging liwanag lamang galing dito sa labas ang nag sisilbing ilaw. Kinuha ko muna ang cellphone sa aking bulsa bago ko I lock ulit ang pinto. Pumasok ako ng dahan dahan sa loob, walang gin

