Ang thoughtful ni Sean doon sa part na binilhan niya pa ako ng pasalubong ngunit yung part na doon siya sa sofa matutulog dahil baka mahawa ako ay ang overacting. "Ano!? At saan mo naman nakuha yung part na nakakahawa pala ang sakit sa tiyan ha?Hindi nakakahawa ang ganyang sakit. Pero salamat sa mga pasalubong mo ha? Kumain na rin pala ako sa office kasama ni Garry. Katulad ng nabanggit ko sayo kanina ay pumunta siya doon. And then bumalik siya sa office at nagdala siya ng pagkain. Doon kami kumain sa office at kinulit ko siya na sumama sa akin sa pag uwi ko rito. Ayun, umalis na siya kanina." "Sige na, kumain ka pa rin, masarap ang nilutong tinola ni mama kanina. Tapos bumalik ka rito para makatulog ka na," sagot niya. "Teka muna, are you sure na wala nang ibang masakit sayo ha? Pwe

