AVA POV Pagbaba namin ay sumakay kaagad ako sa driver's seat pero nagulat ako ng sa likod siya sumakay. Mabilis tuloy akong lumingon sa kanya. "Hoy bakit nandiyan ka Garry ha?" tanong ko. "Walang hiya ka, ginawa mo pa akong driver. Dito na ka sa unahan maupo." "I am so tired Ava, mamaya na tayo mag usap if okay lang sayo ha? I am going to sleep now." "Teka lang Garry, usap muna tayo. Baka kasi bigla akong antukin eh, sige na!" Pinilit ko talaga itong si Garry para dito siya sa harapan umupo hanggang sa pumayag na lang siya. Ang saya saya ko ngayong kasi tuloy tuloy ang kwentuhan namin at bago pa bumuhos ang malakas ay nakarating na kami kaagad dito sa tapat ng mansyon. Napatingin si Garry sa akin na para bang problema siya. "Nako Ava, umuulan na, need ko nang umuwi pero parang ma

