AVA POV Medyo nalabuan ako sa sinabi nitong si Sean, "Anong plano natin sa kanya? Ano ang ibig mong sabihin?" It reminded me of what he said earlier. Halatang may lamat na ang kanilang friendship. "Ibig kong sabihin? Ah... hindi wala... wag mo na akong pansinin. Siya nga pala, mas maigi pang kumain na tayo para may lakas ka na!" Kumain na kami ni Sean. Sinubuan pa nga niya ako ng pagkain at nakangiti pa siya. Kahit ngayon lang, gusto kong maging masaya kahit papaano. Gusto ko nang ikasal kay Sean, sa oras talaga ng kasiyahan at kalungkutan ay kasa kasama ko siya. "Please babe, wag ka sanang magbago ha? I mean, hanggang sa pagtanda natin, gusto ko ay ganito ka pa rin!" Natawa siya, "Oo naman! Walang magbabago sa ating dalawa at ipinapangako ko ito sayo! Kung ano ang ugali ko ngayon ay

