AVA POV Pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakita ko si Doc Andrew sa aking harapan. Nakangiti siya sa akin na tila ba ay natuwa siya nang ako ay magising. Mabuti at kahit paano ay nanumbalik ang aking lakas ngayon. "I am glad that you are okay. Nandito ka nga pala sa hospital ngayon. Sinugod ka niya kagabi. Umiiyak pa nga siya eh, pa out na sana ako sa trabaho pero mabuti at nakita niya ako. Dala ng stress at matinding pagod kaya ka hinimatay. Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo ha? May masakit pa ba sayo? Lumabas nga pala si Sean at bumili ng pagkain niyo." Kahit na may ngiti sa kanyang labi, nararamdaman ko na pagod din siya. Imbes na pauwi pa ay binigyan pa namin siya ng sakit ng ulo kaya nahihiya tuloy ako sa kanya. Need ko na naman bumawi sa susunod. "Salamat po sa inyo

