SEAN POV "Anong oras ka pala umuwi kagabi? Inabutan ka ba ng ulan?" Binuksan niya ang computer niya pagkatapos niyang magtanong. Nagliwanag yung mukha niya nang umilaw ang screen ng computer niya. Kahit na naka side view siya ay ang ganda pa rin niyang tingnan. Ngunit inalog ko ang ulo ko at iwinaksi ko ang pagnanasa ko sa kanya. Mali ito, kahit na wala ang gf ko ay dapat na iayon ko ang galaw ko sa gusto niya. Ayaw ko na siyang nagtampo ulit sa susunod. Gusto kong maging loyal sa kanya kahit wala siya sa tabi ko. "Mga 10 na ng gabi aki nakauwi. Akala ko nga ay maaabutan ako ng malakas na ulan. Buti at nakauwi ako kaagad. Ikaw ba? Anong oras ka pala umuwi?" Lumingon siya at ngumiti. Ang ganda ng pagkaka ngiti niya, para ba itong nanunukso. "Ewan ko, diretso tulog kasi ako kagabi n

