SEAN POV "Hahaha! Ako nga eh, ayaw ko na lang din magsalita kasi gusto ko na maging mapayapa ang tulog ko at ayaw kong patulugin ako ng mama mo sa sahig." Nang maupo siya sa tabi ko ay inalok ko siya ng hopia na bigay niya. "Sige na Sean, masyado yang matamis. Sayo ko talaga yan binigay," sambit niya. "Kamusta nga pala ang trabaho mo ha? Ginabi ka na ng uwi. Buti at hindi ka nabasa ng ulan, madalang na tayong magkita kasi parehas tayong busy sa mga trabaho natin." "Kaya nga po pa, heto, tipikal na may trabaho ngunit wala akong pera. Butas ang bulsa ngunit lumalaban para sa pamilya natin. At sana ay dumating ang panahon na maging maginhawa ang ating buhay. Sa totoo lang, ang hirap ng walang pera, pakiramdam ko ay wala rin akong kwentang tao. Mahirap magutom, pagod na ako sa trabaho tap

