SEAN POV "Hahaha!" malakas kong tawa, muntikan pa akong masamin, hindi ko akalain na marunong din pa lang magbiro itong si Chesley. Gusto ko ang sense of humor niya na nag break sa seryoso naming usapan. "Bakit natatawa ka Sean? Totoo ang sinabi ko, ang papa ko kasi ay nakasuot ng pustiso at kapag sini sermonan niya ako sa bahay, madalas na mahulog yung pustiso niya so imbes na mapapahiya ako, matatawa ako at natatawa na rin siya. Sabi ko nga ay palitan na niya ang pustiso niya ngunit ayaw niya." "Hahaha! Oo nga, ayaw ko rin na nakapustiso ako, parang nakakahiya kay Ava kung bigla kaming maghahalikan tapos nakapustiso ako. Baka kapag tapos naming maghalikan ay baka malipat ang pustiso ko sa kanya." "See? Nakakatawa kaya pero at the same time ay nakakahiya. Mabalik tayo ulit sa usapan

