SEAN POV "Sapak gusto mo?" Ngumiti ako, "Joke lang, pero maraming salamat dito ha? Magsesend ako ng friend request sayo at sana ay I accept mo kaagad. I chat mo rin pala ako kaagad kapag may update ka na kay Ava." "You are welcome. And don't worry, I am gonna do that, Sean. The moment na mag send siya ng chat, I will screenshot it and let you know. Sana ay matuloy parin ang pagpunta natin sa Tagaytay kasi ang saya noong bonding natin nitong nakaraang araw at nakakabitin so I want to repeat that." "Yes Garry, manalig lang tayo mawala kaagad ang tampo ng friend ko. We need to go na pala ha? Salamat sa time mo." Umalis na kami ni Chelsey na parehas na may ngiti sa aming mga labi. Makakatulog na ako ng mahimbing nito mamaya. Paglabas namin sa building ay biglang lumakas ang buhos ng ulan.

