SEAN POV Nahihiya pa nga akong napatingin kay Chelsey kasi ito lamang ang kaya kong ipakain sa kanya. Napatitig na rin tuloy siyang bigla sa akin at ngumiti. "What? May problema ba? Kaya mo bang kumain?" Mga katanungan niya. Wala pa akong masyado lakas pero mas nakakahiya kung si Chelsey ang magpapakain sa akin. "Don't worry, kaya kong kumain. Pasensya ka na pala kung ganitong pagkain lang ang meron kami. Sa totoo lang, kanina pa nga itong umaga Ininit lamang ito ng ilang beses kaya tumagal hanggang hapon. Baka nga Mamaya o bukas ay ganito ulit ang ulam namin," pagpapaumanhin ko sa kanya. "Mas maigi pa nga ito kaysa sa walang makain. At tsaka ang tagal ko nang hindi nakaka kain ng tinola. Mukhang masarap naman ito eh. Sanay din ako sa hirap katulad mo. Makakaraos din kayo sa buh

