SEAN POV "Ma, kapag naging maayos na po ang lagay ko ay tsaka ko na po ito sasabihin sa inyo." Dumeretso na na ako ng lakad papunta sa kwarto ko. Ang mama ko nga ay nakatingin lamang sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto ko. Ni lock ko kaagad ang pintuan at pumasok ako sa loob ng cr. Hinubad ko ang lahat ng suot ko at sinampay ko. Mabuti na nga lang at malakas ang agos ng tubig ng gripo namin at nangyayari lang ito kapag malakas ang ulan. Dati, ang hina ng patak ng tubig dito at umaabot pa nga ng isang oras bago mapuno ang timba kaya madalas akong gumigising ng maaga para magpuno ng tubig sa timba. Ang sarap sa pakiramdam sa unang buhos ko ng tubig, nahimasmasan ako. Manipis na nga ang sabon ko pero papaabutin ko pa ito ng sweldo. Sayang, hindi rin ako nagka lakas ng l

