AVA POV "Ano ka ba Garry! Kita mo naman ang attitude ng dad ko right? So no, hindi natin siya isasama kahit na anong mangyari." "Oo nga! Dapat na tayo tayo lang para masaya. Kaya nga tayo magbabakasyon kasi gusto natin na ma relax tayo eh." Iba yung hugot ng boyfriend ko kaya natawa ako. "Sige na, apat lang tayo at kasado na ito sa sabado ulit ha? Mas maigi pa na wala na tayong ibang isasama at baka hindi na tayo mag enjoy," saad ni Chelsey. Matapos naming kumain ay muli kaming nag swimming. Ang ganda ng katawan ni Chelsey at ang galing niyang lumangoy, kung may ibang mga lalaki siguro dito ay baka niligawan na siya. Sa ganitong kaganda niyang katawan at magandang mukha, napaka imposibleng walang lalaking magkagusto sa kanya. Sumapit ang 2 pm ng hapon ay nag ligpit na kami upang um

