AVA POV "Salamat sa pagtatanong Chelsey. Heto, maayos naman ang pakiramdam ko, naging mabuti na dahil dito sa maalaga kong gf." "Kita mo na Ava? Sobrang sweet kaya ng boyfriend mo. Nitong nakaraang araw, hindi naman siya umaasta ng ganyan. Ano kaya ang pinakain mo sa kanya o ginawa mo para magkaganyan siya?" "Wala! Sadyang ganyan lang siguro si Sean kapag lasing siya. Alam mo naman ang alak, iba ang sipa sa utak kapag maraming naiinom ang tao." Panay ang ring ng cellphone ko subalit dinedma ko ito. Nakakaramdam na ako ng takot sa mga sandaling ito, tapos na ang maliligayang sandali ko. Sa oras na mag kita kaming dalawa, natitiyak ko na itatanong niya ulit ang mga itinanong niya sa akin. And the fact na ibinigay ko na kay Sean ang hinihingi niya, it will make him more angry. Pero nangi

