CHELSEY POV "I don't know... malay ko... hindi ko naman tinitingnan ang lahat ng kwarto, Sean eh!" pagsisinungaling ko sa kanya. Pilit ko man nilalabanan ang takot ko ngunit mas lalo pang kumakabog ang dibdib ko. s**t, I am not ready na magisa ng ganito. Ang seryoso ni Sean. He just stared at me for a while, not wanting to speak. Yumakap na ang malamig na simoy ng hangin sa aking katawan ngunit ayaw pa rin niyang magsalita. Giniginaw na ako at hindi ko na magagawa pang mahintay siya. "Hahahahahha!" ang malakas na tawa niya bigla. Kumunot ang noo ko at nainis ako sa kanya, "Hoy bakit ka natatawa ha? Nasisiraan ka na ba ng bait? Wala nga akong alam sa nangyari! Ang swerte nga ni Ava, nag iisang tagapagmana ng lahat ng mga ari arian niya. Ang yaman na niya ngayon, sana all na lang ta

