CHELSEY POV "Sino ka!" nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Gusto ko na sanang sipain sa bayag ang kung sino mang lalaki na ito para makatakbo na ako papalayo. Ngunit gagawin ko ito once na saktan niya ako at ipakita niya ang kanyang mukha sa akin. Tinanggal niya ng dahan dahan ang kanyang hoodie jacket at ang kanyang face mask. Nakita ko ang mukha ng isang lalaki na may mga sugat sa pisngi. Halos hindi ko siya makilala kahit na ang lapit na niya. Para ngang sariwa pa ang kanyang mga sugat na tila ay dulot ng isang aksidente. Natatakot ako sa kanya. "Sino ka ha!?" tanong kong may mariin na boses. Sa kabila ng pinsala sa kanyang mukha ay nagawa niya pang ngumiti. Bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at naalala ko si tito Hector ng dahil rito. "Talaga bang madali ka nang makali

