Maya maya pa ay lumabas na ako at naupo sa gilid ng pool. Mag isa at walang kasama. Naka baon pa nga ang aking mga paa sa pool pero wala akong plano na maligo ngayon. Hapon na rin naman at malamig ang panahon. Nakaka miss din talaga dahil sa may mga memories rin kami ng family ko rito sa swimming pool. "Mukhahg solo ka ngayon Chelsey ha?" Hindi ko na nga kinakailangan pang lumingon dahil sa boses pa lang ng nag sasalitang ito ay alam ko nang si Sean ang nag sasalita sa akin. "Ewan ko sayo Sean, baka hinahanap ka na ni Ava doon, bakit nandito ka pa ha?" "Eh ang sarap pa ng usapan nilang dalawa ni Maine doon kaya nakatanga lang ako." Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng juice na nasa bote. Tiningnan ko at naka sealed pa naman ito. Kinuha ko at uminom ako, gustong gusto ko ang

