"Basta kahit na ano pa ang mangyari Sean, there is no way I am going to apologize sa kanya. Mataas din ang pride ko ano! Pinalaki ako ng mga magulang ko na maging isang matapang." "Hahaha! Ikaw na ang bahala Chelsey, mukhang wala na yata pag asa na mabuo ang friendship niyo. Siya nga pala, paano kung halimbawa na isama namin si Doc Andrew sa lakad namin ha? Hindi ka pa rin ba sasama?" "No! Go ahead and isama niyo siya, wala namang ppipigil sa inyo kung saan kayo masaya. Basta ako, pass muna sa ganyang mga bagay. Ayaw ko munang mag gala at stress pa ako sa family ko eh!" Nabalot ng lungkot ang mukha ko ngayon. "Bakit? Masyado ka bang dina down ng pamilya mo ha? Ano ba ang mga sinasabi sayo ng mga kamag anak mo?" "Well, ayun, ang hirap ng ganitong sitwasyon kasi pataasan ng ihi sa pami

