AVA POV "Wow? Hindi ka naman galit niyan teh ha? Nagtatanong lang ako ng maayos." Ngumisi ako, "Sorry na kung napagtaasan kita ng boses, medyo seryoso kasi ako eh," pag hingi ko ng paumanhin, medyo sensitive din kasi ang babaeng ito eh. "So anyway, kamusta nga pala ikaw kagabi ha? For sure ay umiyak ka ng isang baldeng luha niyan na nasa hospital ang boyfriend mo? I understand naman kahit papaano, normal lang ang ganun." "Grabe yung isang baldeng luha ha? Pero yes, umiyak ako ng bongga kagabi. After all, kasal namin iyon at masakit na hindi ito natuloy. May assurance naman na matutuloy pero ang malaking tanong ko, kaylan kaya dahil wala pang kasiguraduhan ang pag gising niya." "Alam mo, sometimes like this really happened in real life. Pero ikaw, although normal ang nararamdaman mo

