AVA POV Nandito na kami sa kotse ko at tamang patugtog habang papunta kami sa hospital. At nandito na sa harapan si Chelsey, sumasabay sa tugtog ng kanta. Mabuti pa siya, walang iniisip na kahit anong problema, kabaliktaran ng sitwasyon ko ngayon. Kaya naman pinag tripan ko muna siya ng itigil ko yung pagpapatugtog ng music. "Ay epal ka teh? Ang sarap sarap ng pagkaka kanta ko tapos bigla mo lang ihihinto ang music?" sambit niya tapos play ulit ng music. Muli kong narinig ang boses niyang parang pusang sinasakal. Pero muli kong ihininto ang pagpapatugtog ng music. "Tama na girl, masakit na sa tenga! Hindi ka ba naaawa? Ang ganda ganda ng sikat ng araw sa kalangitan tapos sisiraan mo pa?" pagbibiro ko pa sa kanya. "Ewan ko sayo girl! Nang magkaroon ka lang ng malaking problema, parang

