SEAN POV "Uy grabe ka Garry, akala ko ay hindi ka marunong mag mura!" "Nako Sean, mukha lang akong inosente pero mas marami pa akong alam na mura kaysa sayo at iba't ibang mga lenggwahe pa! Ako pa nga yata ang nag turo kay Ava na mag mura eh. Noong bagong friends pa lang kami, alam mo bang napaka inosente pa ng utak niya. Ako itong nag turo sa kanya kung paano mag loko at kung paano tumawa sa mga kalokohan. At tinuruan ko siya ng mga becky language!" "Becky language? May ganun ba!" "Hay nako kelan ka ba pinanganak lalaki ka ha? Wala ka bang kaalam alam sa mga beck language? Ito yung language naming mga bading. Bigyan kita ng example ha! Sabihin mo nga charot!" Natawa ako at nailang na bigkasin yung salita kasi hindi ko kayang bigkasin na para akong isang lalaki. "Ayaw ko haha! Baka

