SEAN POV Medyo marami na kaming nainom. Maya maya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula sa mama ko. Maingay yung videoke kaya medyo lumayo ako sa kanila bago ko sagutin ang tawag ng mama ko. "Ma napatawag po kayo?" "Anong oras ka uuwi Sean?" "Bakit ma?" "Basta sagutin mo ang tanong ko!" Ang lakas ng pagkaka sigaw niya kaya inilayo ko ang cellphone sa aking tenga. Ano kaya ang nangyari at bakit badtrip na badtrip ang mama ko! "Ma, bakit ka ba naninigaw ha? Ano na naman ang problema mo?" "Nag away kami ng papa mo kanina at umalis siya. Hindi ko nga alam kung saan yun nagpunta eh, masakit na kasi ang kasu kasuhan ko at wala akong mautusan dito sa bahay. Siguro naman hindi mo matitiis ang sariling nanay di ba?" Ito na naman siya sa pagiging madrama niya at gusto niya akong makonsensya.

